Chapter 18: Talking Bodies

1 0 0
                                    

Adei's POV



Gusto ko sanang samahan si LA patungong CR dahil first time niya lang dito sa restobar na ito at sa laki nitong restobar ay baka mawala siya. Isa pa ay restobar ito, ibig sabihin ay maraming bastos. Maraming mga manyak na lalaki ang nandito sa loob. At ayokong mangyari iyon kay Ysabel katulad na lang doon sa mall. Gusto kong mag-enjoy si LA dito. Na kahit hindi man ito kasing-ganda ng nasa Maynila ay gusto kong maisip pa din ni LA na maganda din ang mga restobar dito sa probinsya.

Pero ayon nga, nag-pumilit pa siyang mag-tungo sa CR nang siya lang mag-isa. Kaya naman daw niya pumunta sa CR kaya sinabi niya na siya na lang daw. Kaya hinayaan ko na lang siya na magpunta sa CR. Kaya niya naman na siguro iyon dahil malaki na siya.

Inilibot ko ang aking paningin upang hanapin si LA dahil baka natumba na iyon sa sahig dahil alam kong nahihilo na iyon at lasing na siya. Pero kumunot ang noo ko nang makita ko si LA na nakikipag-usap sa waiter, masaya silang nag-uusap. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila but they are having a good time. Susundan ko na sana si LA doon pero hinawakan bigla ni Lyra ang braso ko. Napatingin naman kaagad ako sa kaniya nang may kunot ang noo ko pero sinubuan niya ako bigla ng pagkain kaya hindi na ako nakapag-salita. Magkatabi na kasi kami ngayon. Pinalipat kasi siya ni Jack para hindi kami mahirapan mag-kuwentohan ni Lyra. As if namang nagku-kuwentuhan kaming dalawa?

Ewan ko ba sa mga ito at isinama pa nila si Lyra dito sa restobar kahit na alam naman nila ang history naming dalawa. At kahit mukha kaming masaya ay tango, iling at tawa lang ako isinasagot ko sa mga sinasabi ni Lyra. All throughout our talks, hini-hiling ko na sana umuwi na siya.

But deep inside, nararamdaman niya kaya na ayaw ko siyang kausapin at napipilitan lang akong kausapin siya? Pero kung nararamdaman niya iyon bakit pa siya nakikipag-usap sa akin?

Bumalik naman ang tingin ko sa puwesto ni LA kanina pero wala na siya doon. Wala naman sigurong nangyari sa kaniya. Sana bumalik siya kaagad dito sa table upang sumayaw kami sa dance floor dahil alam kong gusto niyang sumayaw. Kanina kasi ay napapatingin siya sa dance floor at tila ba kumi-kinang ang mga mata niya. At dapat ako lang ang mag-aya niyon sa kaniya. At ako lamg dapat ang partner niya.

"Shot mo na Adei oh." Sabi ni Leo sabay abot ng shot glass na punong-puno ang laman ng gin. Natawa naman akong tinanggap ang basong puno ng gin mula kay Leo.

"Punong-puno ah?", biro ko kay Leo at siya naman ay natawa.

"Siyempre, hindi naman halata na lasing ka na eh." At nagtawanan kaming lahat.

"Guys, stop na. Ihahatid pa ako ni AJ mamaya pauwi." Pagbibiro naman ni Lyra sabay kapit sa braso ko at inilagay niya ang ulo niya sa balikat ko.

Hindi ko alam kung saan siya kinuha ng lakas ng loob para hawakan niya ang braso ko. Ginagalaw ko na nga itong braso ko para malaman niya na ayaw kong hina-hawakan niya ang braso ko. Pero ewan ko ba sa kaniya at hindi niya pa rin tina-tanggal ang kamay niya sa braso ko.

Ano bang pakiramdam ang mayroon siya at hindi siya makaramdam?

"Way to go Lyra." Komento ni Jack sabay inom sa baso niya na may lamang gin.

"Saan mo nga pala nakilala iyong LA, Adei?", tanong naman ni Leo.

Ininom ko naman iyong gin na nasa baso ko ng sunod-sunod. Saka inilapag ang baso ko sa mesa.

You Got Me In Love Again | CompletedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora