Prologue

20 2 0
                                    

Nasa office ako, nakatayo at nakatingin sa labas ng bintana.

Habang pinagmamasdan ko ang flower garden sa likuran na bahagi ng gusaling ito ay ang daming pumapasok sa isip ko.

Sobrang daming alaala na bumabagabag sa akin.

Tila ba'y hinahabol ako ng mga ito at hindi ako makahinga ng maayos.

Ang daming nagbago, sobrang daming nangyari. Hindi ko na mawari kung ano pa ba ang kahahantungan ng lahat ng ito.

Dito na ba magtatapos?

Matapos ang nangyari sa pagitan namin bigla nalang din naghalo na parang bula ang koneksyon na namumuo sa bawat isa.

We used to be so close...

Napayuko na lamang ako at napabuntong-hininga, pinipigilan ang mga namumuong luha sa mata.

Batid ko ang pagpasok ng kung sino sa loob ng silid, ramdam ko ang presensya niyang nakatayo sa likuran ko. Ngunit hindi ako nag-alintana na lingunin man lang ito.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko pa nang hindi ito magsalita.

"Kakausapin ka."

Napakunot-noo agad ako sa sinabi niya.

"'Tungkol saan?"

"Sa atin. I want to clear things out, love. Please? Pagbigyan mo naman ako, kausapin mo ako kahit ngayon lang."

"No." Baradong sagot ko.

"Dalawang minuto. Please, Celestine. Kahit dalawang minuto lang."

"Stop wasting your time, Kyro."

"I am not wasting my time. Especially, when I'm talking to you. So please, honey, let us talk for a minute." Pagmamakaawa pa nito sa akin.

Hindi ako tumingin o lumingon man lang sa kaniya sa halip ay nanatili akong nakatayo at nakaharap sa bintana. Ayokong lumingon o tignan man lang ito kasi alam ko sa sarili ko na hindi ko mapipigilan na yakapin siya't humingi ng patawad at sana bumalik nalang kami sa dati.

Hindi ko pa rin ginusto ang nangyari.

"Celestine, my love-"

"Get out of my office, Mr. Cruz. Kung ayaw mong tawagin ko pa ang mga tauhan at sila na ang bahalang magpa-alis sa iyo rito."

"Pero please-"

"Get out of my office. Now!" Hindi ko na nga mapigilan ang sarili kong sigawan ito. Napakuyom ang kamao ko at nagpipigil ng luha.

Biglang tumahimik ang loob ng silid, matapos ang ilang minuto ay narinig ko ang dahan-dahan nitong paglakad at pag-alis papalayo. Nang maramdaman kong wala na ito ay doon ako napaupo sa sahig at umiyak ng malakas.

Bakit kasi kailangan pang mangyari ito? Hindi nalang ba pwede na maging masaya nalang kami hanggang sa kailan namin gusto? Bakit mo pa kasi ako kinausap?

Maraming tanong na namumuo sa utak ko at hindi ko nga mapigilan ang sarili na mas lalong maiyak sa nangyari. Gusto kong sabihin sa kaniya lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Gusto ko siyang saktan, tulad nang ginawa niyang pananakit sa akin. Pero hindi, hindi ko kayang gawin iyun kasi alam ko sa sarili kong hindi ko magagawa sa kaniya yun.

Bakit pa ba kasi tayo nagkakilala?

Sana nga hindi nalang tayo nagkakilala.

Sana hindi ko nalang siya kinilala sa loob ng paaralan na ito. Sana nanatili nalang akong tahimik at ginawa ang mga obligasyon ko para sa lahat. Pero hindi ko akalain na masasali siya roon at sa bandang huli ganito ang magiging resulta.

Sana...

Sana noon pa.

Sana pinatay nalang kita.

Edi sana maayos sana ang buhay ko ngayon.

Hindi ka sana nakalapit pa sa akin ng tuluyan na alam nating lahat na bawal ang bagay na ito.

The Forbidden Where stories live. Discover now