5: The Villa High

15 1 0
                                    

"ANO?!"

Ang kaninang mahinahon na boses ng dalagita ay lumakas sa narinig nitong balita mula sa sekretarya.

Batid ng sekretarya nito ang galit na nagpa-iba ng awra sa loob ng silid. Tila'y hindi nagustuhan ang sinabi.

"No! Hindi. Hindi pwede!"

Ibinagsak nito ang mga kamay sa mesa, nagpapahiwatig ng namumuong galit sa loob-loob.

"But, nagpupumilit silang mag-enroll, Pres. They told me they want this school so bad."

"No, Mr. Vera! Walang papasok sa paaralan na ito." Mariing sambit ni Estrata at padabog na lumabas, nakakunot-noo at nagpipigil inis sa nakuhang impormasyon.

Sa hallway kung saan may iilang mga estudyante na nakikipaghalubilo ay bahagyang nataranta nang makita ang babaeng nanlilisik ang mga mata at nagpipigil ng galit.

Ang kaninang walang emosyon na Presidente nila ay tila umiba ang takbo ng ihip ng hangin at nagbago ang anyo nito.

Nakakatakot.

"MRS. VILLAFLOR!"

Dumagundong ang isang sigaw na syang umabot sa labasan kasabay ang malakas na pagsara ng pinto matapos nitong pumasok sa office ni Mrs. Villaflor, bumungad sa kaniya ang dalawang binata at isang dalagita. Pareho itong nakangiti ngunit may halong gulat sa mukha matapos makapasok.

Sa galit na namumuo sa katawan ng dalagita, makikita ang pagkalukot ng portfolio ng tatlong mag-e-enroll.

Hindi pwedeng pumasok sila sa paaralan na ito. Lalo na at malapit nang mangyari ang palaro na sinasabi ni Mrs. Villaflor noong nakaraan.

Maraming dugo ang dadanak sa bahagi ng paaralan.

Maraming buhay na naman ang mawawala nito.

At... Maaaring madamay ang mga bagong estudyante.

Lumapit ito sa mesa at kitang-kita ng dalagita ang pamumuo ng ngiti sa mga labi ni Mrs. Villaflor.

Ngunit agad itong nawala.

"Don't you dare do it, Villaflor. Binabalaan kita." Nanlilisik ang mga matang nakatitig sa kaniya. Ramdam nito ang takot at gulat ng may ari ng paaralan ngunit pinilit nito ang sariling kumalma.

"Why? Ayaw mo ba na madagdagan ang mga estudyante sa paaralan na ito, Miss Estrata?" Nakangiti ngunit may halong sarkastiko ang pagkakasabi.

***

Jake's POV

Hindi ko mawari ang nangyayari ngayon sa harapan namin.

Nakakunot-noo man ako ay may halong kaba at takot ang naramdaman matapos pumasok ang isang dalagita na iba ang awra maski ang postura.

Makikita ang galit nito base sa mga mata niya na nakakapagpakilabot sa akin.

Ano ba ang nangyayari?

Sa pagtawag niya kay Mrs. Villaflor ako lalong mas natakot, nakuha niyang sumigaw sa may ari ng school? Hindi ko gets.

"She's scaring me. Tuloy pa ba tayo?" Bulong ni Jane sa gilid ko. Nakahawak ito sa balikat ko, animo'y natatakot sa babae.

The Forbidden Where stories live. Discover now