Chapter 04

8 1 0
                                    

CHAPTER 04: Tikbalang
(Third Persons POV)

"Alice!" nag-aalalang saad ni Amiya dahilan upang mabitawan ni Alice ang hawak niyang patalim at agad na niyakap si Amiya. Ni hindi niya namalayang unti-unti na pa lang pumapatak ang mga luha niya.

Niyakap din ni Amiya pabalik si Alice na mas lalong nagpaiyak sa dalaga. Isinubsob pa ni Alice ang kaniyang mukha sa leeg ni Amiya at doon umiyak.

"shhh, tahan na," mahinahong usal ni Amiya pero lalo lang na umiyak ang dalaga. Marahang bumuntong-hininga na lang si Amiya at hinayaan muna ang dalaga habang mahinang hinahagod ang kaniyang buhok.

Nang kumalma na si Alice ay dahan-dahan siyang humiwalay kay Amiya. "Pasensiya na," nahihiyang usal ng dalaga habang pinunasan niya ang kaniyang sariling luha.

"Nasaan pala sina Kiel at Mio? Sumunod kasi sila sayo kanina." Bigla niyang tanong na ikinataranta ng dalaga.

"Alice, makinig ka sa akin ng mabuti," usal ng dalaga at hinila palabas si Alice. "Kailangan nating makaalis dito sa lalong madaling panahon bago niya tayo mahabol."

"What do you mean?" takang tanong ni Alice habang pilit na kumakawala sa higpit ng pagkakahawak ni Amiya sa kaniyang kamay.

"Basta, sumunod ka na lang sa akin. Mamaya ko na ipapaliwanag ang lahat." saad ni Amiya na nagsisimula ng mainis. Ngunit lalo lang na nagpumiglas si Alice.

"Sandali lang, paano naman 'yong iba? Hindi ba't dapat muna nating hintain sina Kiel at Mio? Kahit si Ian?" nag-aalalang tanong ni Alice pero sinamaan lamang siya ng tingin ni Amiya. Nanigas si Alice sa kaniyang kinatatayuan dahil sa gulat habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Amiya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tumingin si Amiya sa kaniya ng ganon, na para bang gusto siyang patayin.

"Just shut up and follow me," inis na sabi nito bago siya hinila palayo sa kanilang camping site. Hindi alam ng dalaga kung namamalikmata lang ba siya kanina o hindi. Bigla kasing nag-iba ang boses nito na para bang may ibang tao sa katawan ng kaniyang kaibigan.

Nag-aatubiling sinundan ni Alice si Amiya, at sa huling pagkakataon, muli siyang lumingon ngunit hindi na niya ang kanilang campsite.

"Anong nangyari sa inyo kanina? Nasaan sina Kiel at Mio?" takang aniya ni Alice habang sinusubukang tinatandaan ang daang kanilang tinatahak dahil nagsisimula na itong hindi maging pamilyar kay Alice.

"I do not know. Nagkahiwalay kaming tatlo kanina ng may umatake sa amin." Seryosong sabi ni Mio habang deretso ang tingin sa harapan.

"Anong ibig mong sabihin?" mahinahong tanong ni Alice. Napahinto ito sa paglalakad bago binawi ang kamay sa pagkakahawak ni Amiya. Kahit si Amiya ay tumigil din bago siya liningon. Matagal silang nagkatitigan bago marahas na bumuntong-hininga si Amiya.

"Ang totoo, bigla kaming inatake ni Kiel nang pabalik na kami sa campsite. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa 'yon, buti na lang nakatakas kami ni Mio bago pa niya kami mapatay." Walang ganang kuwento ni Amiya at marahang bumuntong-hininga.

"Kung ganoon, nasaan si Mio?"

"Hindi ko alam, nagkahiwalay na kaming dalawa nung tumakbo kami," inis na sabi ni Amiya. Matagal na tinignan ni Alice ang dalaga at nagsisimula na itong magduda sa kinikilos ni Amiya.

Tumango na lamang si Alice at tinalikuran ang dalaga bago mabagal na naglakad.

"Nga pala, nahanap mo na ba ang halamag gamot na kailangan natin?" tanong ulit ni Alice.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 26, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

INTO THE DEEP FOREST [A HORROR COLLABORATION-On GoingWhere stories live. Discover now