Chapter 02

7 1 0
                                    

CHAPTER 02: Camping
(Third Persons POV)


“Anong nangyari?” agad na tanong ni Alice nang makita nilang papalapit sa kanila si Amiya. Napabuntong-hininga naman si Amiya bago masamang tumingin kay Ian na nakatago sa likod ni Mio

Tado kasi ng kumag na ‘yan at hindi man lang nagsalita kanina na nandito lang pala siya. Naghanap  lang tayo sa wala,” iritadong sabi ni Amiya habang galit na nakatingin kay Ian.

“Eh? Kasalanan ko bang wala kang mata at hindi  niyo ako nakitang nakatulog diyan kanina?” inis din na sabi ni Ian habang  nakasilip pero agad din itong nagtago nang akmang lalapitan sana siya ni Amiya.

Sa kabilang banda, nagkatinginan sina Kiel at Alice bago nagtatakang tumingin kay Ian. Sigurado sila kanina na wala naman si  Ian doon kanina. Sigurado ka ba? Wala ka naman kasi talaga doon kanina?”

Natigilan silang lahat ng  mapagtanto nilang may  nangyayari sa kanila. Tumingin pa si Amiya kay Ian bago tumingin sa iba.

“B-Bakit hindi na lamang  tayo bumalik sa ibaba, staka na lang natin ito itutuloy kung may oras tayo.” Suhestiyon ni Mio habang nakangiti ng peke.

Malakas na bumuga ng hangin si Alice at tumungin sa kaniyang orasan, ngunit ganoon na lamang  ang gulat nita ng makitang alas-sais na pala. Hindi man lang nila napansin na padilim na.

“Hindi ba’t delikado ang daan kung babalik tayo sa ganitong oras?” Walang ganang sabi ni Ian habang nakatingin sa madilim na kalangitan.

“Tch, kung hindi lang sana pumupunta sa kung saan-saan ang isa diyan, baka nakabalik na tayo,” parinig ni Amiya na ikinakunot noo ni Ian.

Nagsasabi naman kasi ako ng totoo! Nakatulog lang ako doon kanina!” Inis na sabi ng binata habang nakaturo sa batong pinagpahingaan niya kanina.

“Tama na nga ‘yan, hindi nakakatulong ang pag-aaway niyo sa sitwasyon natin ngayon.” Seryosong sabi ni Mio na ikinatahimik ng dalawa bagi inirapan ang bawat isa.

“Dito na lang muna tayo at kung sisikat na ang araw ay staka na tayo babalik,” dagdag pa ni Mio.

“Pero may tent ba tayo?” tanong ni Alice sa kanila.

“May dala akong dalawang tent,” mahinahong saad ni Kiel. “Pero wala tayong dalang pagkain, naiwan natin lahat sa baba.”

“May chips pa ako dito,” sabi ni Alice na nagpabuntong-hininga sa kanila at sabay na tumango.

“Kung gayon ay mangongolekta kami ni Kiel ng mga kahoy na maaari nating gamitin sa paggawa ng apoy.” Sabi ni Mio bago nilapag ang kaniyang backpack sa lupa.

Sasama ak-”

Maiiwan ka dito at tulungan mo kaming ipatayo ang mga tent, you dimwit.” Inis na sabi ni Amiya na hindi pa rin makalimutan ang ginawa ni Ian.

Pe-” tinikom na lang ni Ian ang kaniyang bibig nang tumungin si Amiya sa kaniya ng masama na para bang gusto siyang patayin ng dalaga.

“Then we’ll go ahead,” sabi ni Kiel at binigay ang tent kay Amiya. Agad naman silang umalis ni Mio habang sinimulan naman nina Ian ang pagtayo sa tent.

INTO THE DEEP FOREST [A HORROR COLLABORATION-On GoingWhere stories live. Discover now