Chapter 03

5 1 0
                                    

CHAPTER 03: Finding Amiya
(Third Persons POV)

"Alice gising!" mahinang umungot si Alice bago dahan-dahang iminulat ang kaniyang mata. Unang bumungad sa kaniya ang nag-aalalang mukha ni Mio.

"Umaga na ba?" she asked groggily while yawning. Dahan-dahan siyang umupo habang inuunat ang kaniyang kamay.

"A-Alice, si Amiya..." balisang saad ni Mio. Bigla namang nakaramdam ng kaba si Alice sa hindi malamang dahilan.

"Bakit? Anong meron sa kaniya?" nag-aalalang tanong ng dalaga at pasimpleng sinulyapan ang lugar kung saan natutulog si Amiya, ngunit wala siya doon.

"Alice... N-Nawawala si Amiya. I do not know what the hell happened. Ginising lang din nila ako at sinasabing nawawala si Amiya." Mahinahong ani ni Mio, dahilan para mabilis na tumayo at lumabas ng tent si Alice. Naabutan pa niya sina Kiel at Ian na hindi mapakaling palakad-lakad.

"Nakita niyo ba kung na saan si Amiya?" nag-aalalang tanong ni Alice sa kanila, ngunit walang sumagot sa kaniya. Nagkatinginan pa sina Kiel at Ian na para bang nag-uusap sila gamit ang kanilang mga mata.

"A-Actually, nakita ko si Kiel at Amiya na nag-uusap kanina paglabas ko para sana umihi, pero biglang tumakbo si Am-"

"Ian!" Galit na sigaw ni Kiel na ikinatikom ni Ian ng kaniyang bibig. Mariing nakagat ni Alice ang kaniyang labi na nalalasahan na niya ang sarili niyang dugo.

"May sumunod ba sa kaniya?" she asked again, and everyone looked at Kiel, who is looking at the ground.

"I did, but I couldn't catch up with her since she suddenly vanished," mahinang saad ni Kiel na ikinabuntong-hininga ni Alice. Nakalagay pa ang isa niyang kamay sa kaniyang bewang habang ang isa ay nasa labi niya.

"I'll g-"

"No, you can't," mabilis na sabi ni Mio na kanina pa nakatayo sa likuran niya.

"Bakit? huh? Kailangan kong hanapin ang kaibigan ko bago pa may mang-"

"At paano kung ikaw naman ang mapahamak? ha?" inis na tanong ni Mio dahilan upang matahimik si Alice. Malakas na bumuntong-hininga si Mio bago tumingin sa mata ng dalaga.

"Kami na ni Kiel ang hahanap kay Amiya. Dito ka na lang kasama si Ian," mahinahong saad ng binata. Walang nagawa si Alice kung hindi ang tumango at tinalikuran sila.

"Siguraduhin niyo lang na kasama niyo siya dito pagbalik niyo."

Matagal na tinignan ni Mio si Alice bago ito mahinang tumango. Kahit walang kasiguraduhan na mahahanap at babalik sila kasama si Amiya, kailangan pa rin nilang hanapin ang kanilang kaibigan. Agad naman nilang tinahak ang daan kung saan huling tumakbo si Amiya.

Sa kabilang banda, tahimik na umupo si Alice sa harap ng apoy, ngunit ang kaniyang isipan ay hindi mapakali kakaisip kung na saan na ang kaniyang kaibigan.

Labis siyang nag-aalala para sa kaniyang kaibigan, lalo at hindi pamilyar si Amiya sa kagubatang ito.

"Okay ka lang?" tanong ni Ian nang umupo ito sa tabi ng dalaga. Marahang tumango si Alice bago marahas na bumuntong-hininga.

"Huwag kang mag-alala, mahahanap din nila si Amiya." paninigurado ng binata upang pakalmahin si Alice, ngunit parang wala itong epekto sa dalaga. Muling bumuntong-hininga si Alice at akmang tatanongin na niya sana ang binata, ngunit muli niyang naramdaman na parang nakamasid sa kanila.

"Bak-" mabilis na pinatahimik ni Alice si Ian habang tumingin-tingin sa kaniyang paligid. Sa pagkakataong ito, sigurado na talaga siyang may nakamasid sa kaniya.

"Nararamdaman mo ba 'yon?" mahinang tanong ni Alice pero nagtataka lang siyang tinignan ni Ian. Mabilis na tumayo ang dalaga ng makarinig siya ng halinghing ng isang hayop hindi kalayuan sa kanila. Pakiramdam niya ay hindi ito halinghing ng isang hayop.

Akmang magsasalita na sana ang dalaga pero mabilis siyang lumingon sa kanilang likuran ng makarinig siya ng tunog na parang nabaling sanga.

"Kiel? Mio?" tawag niya ngunit walang sumagot. Lalapitan na sana ito ni Alice pero mabilis siyang pinigilan ni Ian.

"Saan ka pupunta?"

"Titignan ko lang kung ano 'yon," aniya ng dalaga pero hindi binitawan ng binata ang kaniyang kamay.

"Titignan ko lang talaga kung ano 'yon. Hindi ko naman sila susundan," naiinis na sambit ni Alice. Matagal siyang tinignan ni Ian bago marahang bumuga ng hangin. Unti-unting binitawan ng binata ang kamay ni Alice.

Muling bumuntong-hininga si Alice at dahan-dahang lumapit dito pero ng makalapit siya'y wala naman siyang nakitang kakaiba. Puro kadiliman lamang. Ngunit bigla siyang napatalon at napasigaw sa gulat ng may biglang bumagsak sa kaniyang harapan.

Mabikis na napaatras sa takot si Alice at agad na kinuha ang kaniyang cellphone bago binuksan ang flashlight. Ngunit nakahinga siya ng makuwag ng makitang isang sanga lang pala ito ng kahoy.

"That really shocked me," mahinang usal niya bago tumalikod para kausapin si Ian, ngunit hindi niya makita ang binata. Luminga-linga pa siya sa paligid, umaasang makikita niya si Ian.

"Ian?!" tawag niya ngunit walang sumasagot. "Ian, hindi na ito nakatutuwa. Where the hell are you?!"

Muling luminga ang dalaga sa kaniyang paligid bago lumapit at isa-isa binuksan ag tent, ngunit wala siyang nakitang tao doon.

"Ano ba, Ian! I do not have time for you damn jokes already!" inis na sigaw ni Alice ngunit may bahid ito ng pag-aalala at takot.

Biglang nakaramdam ng takot ang dalaga ng makarinig siya ng mabilis na yabag na para ba itong tumatakbo patungo sa kinaroroonan niya. Dahil sa takot, dali-dali siyang pumasok sa tolda at pinatay ang kaniyang flashlight. Tanging ang liwanag na nagmumula sa apoy sa labas ang nagsisilbi niyang ilaw.

Dinig din ng dalaga ang sariling tibok ng puso na para bang gusto nitong kumawala sa dibdib niya. Dumagdag pa ang yabag ng kung sino man na papalapit na papalapit sa kinaroroonan niya.

Biglang naalala ng dalaga ang sinabi ng bata sa kaniya kaninang umaga na mas lalong nagpakaba sa kaniya.

'Paano kung ang taong ito ang pumapatay?'

Hindi na alam ng dalaga ang gagawin niya ngayon. Pakiramdam niya ay maiiyak na siya sa takot at pag-aalala na baka may mangyaring masama sa kaniya.

Isa pa, pakiramdam niya ay oinagtaksilan siya ni Ian at tumakbo upang iwan siya mag-isa.

"Papatayin talaga kita kapag nagkita tayo, Ian." mahinang bulong ni Alice sa inis. Ngunit mabikis na tumahimik at nanigas ang dalaga ng may aninong huminto sa tabi mismo ng tent, na parang may hinahanap ito o kung ano.

"Guys, na saan kayo?" mahinang sigaw ng anino. Agad na nakilala ng dalaga ang boses nito at bubuksan na sana niya ang tent, ngunit napatigil din siya nang may maalala siya.

'Paano kung nagpapanggap lamang ito na isa sa kaibigan ko?'

Dahan-dahang naglakad ang anino patungo sa bukana ng tolda. Nataranta naman ang dalaga at agad na naghanap ng bagay na maaari niyang gamitin panlaban sakaling hindi ito ang kaibigan niya. At sa kabutihang palad, nakahanap siya ng isang kutsilyo sa jacket ni Amiya. Mabilis niya itong kinuha at mahigpit na hinawakan.

Dahan-dahan bumukas ang tolda bago ito tuluyang nabuksan. Sasaksakin na sana ni Alice sa leeg ang taong nagbukas nito, ngunit mabilis nitong nahawakan ang kamay niya.

"Alice?"

→To Be Continued...←

INTO THE DEEP FOREST [A HORROR COLLABORATION-On GoingWhere stories live. Discover now