40 | First Love

120 12 0
                                    

40 | First Love

_________

Hindi ko mailigaw ang sarili para mag-isip ng ibang bagay matapos ang araw na ‘yon.

Walang bisa ang kasal namin. Sa batas, hindi kami mag-asawa. Walang dapat ipawalang-bisa dahil wala namang kasalang naganap.

Sinulyapan ko si Reiven na nasa tabi ko at nakangangang natutulog.

Kung sasabihin ko ba sa kanya, mas magagalit siya? O makakahinga siya nang maluwag?

“Astrud!”

Ngumiti ako at bumaba na sa van. Tuwang-tuwa ang tita ko at niyakap ako nang mahigpit. Binalingan ko ang mga pinsan kong ilang pulgada rin yata ang itinangkad.

Pista ngayon sa probinsya. Noong una ay nagdadalawang-isip ako kung sasama ba ako. Hindi pa rin kasi kami magkaayos ni Lola Isabel. Ayokong magalit siya lalo sa akin sa pagsulpot ko sa pamamahay niya. Pero ang sabi ni Troy ay mas maayos nang mas magkagalit kami kaysa walang interaksyon. Hindi ko alam kung paano niya ako nakumbinsi roon. O baka tanga lang talaga ako at agad siyang pinaniwalaan.

“Naku, ang kinis-kinis mo na, Ate!” puna sa akin ni Maya, pinsan ko, habang hinahaplos-haplos ang balat ko. “Nagpapadoktor ka, ‘no?”

“Maya, tigilan mo nga ang pinsan mo at kararating lang,” saway sa kanya ni Tita Rowena. “Pagpahingahin mo muna. Doon ka sa kusina at tumulong sa pagluluto.”

Umirap si Maya kaya hinampas siya ni Tita Rowena sa puwet. Natawa na lang ako. Pasaway pa rin talaga.

“Kumusta?” tanong sa akin ni Tita Rowena. “Kararating mo lang daw sa bansa hindi pa nagtatagal.”

Si Tita Rowena ay kapatid ng nanay ko. Maliit siyang babae at may bilugang mukha. Bukod sa kay Lola Isabel, siya rin ang nagpalaki sa akin. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya kaya hangga’t sa makakaya ko ay tumutulong ako rito sa kanila.

“Ah, opo,” sagot ko.

“Salamat nga pala, hija, sa pagbayad sa tuition fee ng mga pinsan mo, ha? Napakalaking tulong sa’min.”

“Wala po ‘yon, Tita. Nandiyan din naman po kayo para sa’kin no’ng bata ako. Utang na loob ko rin po sainyo na nandito ‘ko ngayon.”

Ngumiti siya at pinisil ang kamay ko. “Hindi ko lubos akalain na ikakasal ka kay Rei.”

Pakiramdam ko ay tinamaan ako ng kidlat. Nilingon niya ako, magaan ang ngiti.

“Ah, ako rin naman po,” patol ko saka isinipit ang takas na buhok sa likod ng tainga. “Nangyari lang.”

Mahina niya akong tinulak. “Hindi mo man lang kami inimbita.”

“Biglaan din po kasi ‘yon, Tita. Pasensya na.”

Akala ko ay mapipiga ako roon. Mabuti na lang at nilapitan kami ng isa sa mga kusinera saka inayang kakain na. Sakto ring pumasok na si Reiven kasama ni Troy na nag-uusap tungkol sa mga dati nilang kaklaseng umuwi. Magkakasabay kaming dumulog sa mesa.

“O, ‘La. Tara na po at kakain.”

Sabay kaming napalingon sa bagong dating – si Lola Isabel.

The Dangerous (Quantum Meruit Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon