27 | Mana

103 9 0
                                    

27 | Mana


___________

“You’ve seriously lost your mind.”

Nagbuga ako ng usok saka muling humithit sa sigarilyo. “Matino ba tayo palagi?”

“Ate! You’ll be fooling someone just to have your way. Don’t you think that’s fucked up?”

“S-in-uggest mo ‘to sa’kin, a.”

“What? No!”

“Kung ‘di dahil sa ideya mo, hindi ko maiisip—”

“I was just joking! We were at the club, for crying out loud! I wasn’t sure whatever I was doing! Saying!”

Hindi na ako kumibo at itinaktak na ang sigarilyo sa ashtray. Problemadong napahawak sa noo si Natasha. Dahil alam kong marami pa siyang reklamo, kumuha ako ng bagong stick at mabilis na sinindihan iyon.

Noong bata pa ako, may kaibigan akong matandang babae. Napakabait niya. Palagi siyang nagdarasal sa simbahan at hindi nagsasabi ng hindi maganda tungkol sa iba. Ganunpaman, dahil mabait ay inabuso. Dahil hindi nagrereklamo, minaliit.

Doon ko natutunan na hindi natin kailangang palaging maging mabait. Lalo na kung ang kabaitan natin ang instrumento ng pagkakamali sa atin ng iba. Minsan ay mabuti ring nagagalit at nananakit ng damdamin.

Hindi tayo perpekto. Siguro sa ngayong hindi rin perpekto ang mundo ay mabuti rin iyon. Paminsan-minsan din ay kailangan mong ignorahin ang damdamin ng iba at unawain ang saiyo.

At may mga sitwasyon talagang . . . kailangan mong takpan ang daing ng konsensya mo.

Nasa coma si Arturo. Walang kasiguraduhan kung magigising pa siya. Tahimik ang mga Ventura at hindi ko iyon dapat ikakampante.

Kailangang maikasal na ako bago pa mawala sa akin ang lahat.

“Subukan mo muna siyang kausapin. Explain to him everything. And I mean that you should be true,” litanya ni Natasha pagkabawi.

“Sinubukan ko na.”

“What did he say?”

“Ayaw niya.”

“Sinabi mo ba kung ba’t gusto mong magpakasal sa kanya?”

Umiling-iling ako.

“Alam mo, Ate, minsan ang sarap mo talagang ingudngod sa semento,” aniya, kunsumidong-kunsumido.

Tumingala ako at ipinatong ang batok sa upuan. “Hindi ko sinabi pero mukhang alam na niya.” Sinulyapan ko ang bruhilda. “At ayaw niya.”

Bumalik sa akin ang sinabi ni Reiven nang huli naming pagkikita. Hinding-hindi raw siya magpapakasal para sa pera.

Ang kunat-kunat niya talaga.

“Talk to him again and explain, okay? Because . . . Gosh! I told you, Ate Cai’s weird!”

Tutal, sa impyerno lang din naman ang bagsak ko, lubus-lubusin ko na.

Para sa pera.

Para sa maalwang buhay.

Makulit si Natasha at paulit-ulit niyang sinubukang i-discourage ako sa binabalak ko. Pero desidido na ako at hindi na mapipigilan pa. Dahil alam ko namang tama ang opinyon niya, sinabi ko na lang na susubukan ko nga ulit ipaliwanag kay Reiven ang lahat.

Sa ayaw at sa gusto niya naman, magpapakasal at magpapakasal kami.

Ilang araw ang lumipas at nagising si Arturo. Alam ko namang kahit paano ay apektado ako sa nangyari sa kanya. Pero hindi ko in-expect na magpipigil ako ng iyak habang nakangiti siya sa akin at nagpapayakap.

The Dangerous (Quantum Meruit Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon