18 | Envelope

99 8 0
                                    

18 | Envelope


____________


“So it really happens, ‘no? Wow! It’s insane!”

Hindi ako nagsalita at nag-concentrate sa mamahaling kape na pinapangarap ko lang matikman noon. Sobrang sarap! Kaya pala kahit ang mahal ay binabalik-balikan ng mga katrabaho ko noon.

“Life is really surprising,” natatawang patuloy ni Natasha. “Prepare yourselves. People will be talking about you – swarming over you.”

“Bakit naman?” patol ko kahit nasa croissant na ang buong atensyon ko.

“I told you. Your lolo is a prominent man in the business world. Everyone will try to fool you to get on his side.”

Ngumisi ako.

Galing ako sa kahirapan. Iba’t ibang klase na ng tao ang nakasalamuha ko. Hindi ako maagang nagpakaina sa sarili ko para lang mabola ng kung sino – kahit mayaman pa ‘yan.

Mag-iisang linggo na mula nang lumipat ako sa mansion ni Arturo. At wala na akong mahihiling pa. Mabait ang lahat sa akin. Nakakain ko anumang gustuhin ko. Nabibili ko at nagagawa ang mga nasa imagination ko lang noon.

Bata pa ako, alam ko nang hindi ako ipinanganak para mamatay na mahirap. Pero ngayong pinatunayan sa akin ng langit na totoo iyon, kinukurot ko pa rin ang sarili.

“So what’s your plan now?” usyuso ulit ni Natasha.

Bakit ba iyan palagi ang tanong sa akin? “Wala pa sa ngayon. Ang sabi nga sa’kin no’ng matanda, mag-enjoy muna ‘ko.”

“’Matanda’?” hindi makapaniwang ulit niya. “You call your lolo ‘matanda’?”

“Oo. Wala naman siyang pakialam.”

“That’s so rude.”

Sarkastiko akong ngumiti. “Mas rude ‘yong pag-asta nilang ‘di nila ‘ko kamag-anak sa loob ng dalawampu’t apat na taon.”

“Oo nga, ‘no? But still . . .”

“Tumahimik ka na nga. Ang dami mong opinyon. Hindi ko naman hinihingi.”

Ngumuso lang ang luka-luka at binalingan na ang kanyang pagkain.

Gusto ko ang mga nararanasan ko ngayon. Pero hindi ibig sabihin ay burado na sa akin ang mga kasalanan ng matandang iyon sa akin at sa mga magulang ko. Hindi ako ganoon kadali paamuin.

“You’ve met your relatives na?”

“Oo,” tugon ko, tutok sa mousse.

“Mabait naman ba sila sa’yo?”

“Oo. Puwera sa isang tito ko.”

“Lenard Lopez?”

Napatingin ako sa kanya. “Kilala mo siya?”

“Of course! Kanang-kamay siya ng lolo mo. And he’s the husband of the one and only, Julia Lopez. Grabe, ang ganda-ganda talaga ng tita mong ‘yon!”

Hindi lang pala ako ang may opinyong ganoon.

“You should be wary of that tito of yours,” patuloy ni Natasha. “I’ve heard dirty rumors about him.”

“Hindi ko malalaman kung ‘di mo sasabihin.”

“You’re so impatient and sarcastic.” Maarte siyang tumawa. “Anyway, he’s arrogant daw tapos walang respeto. He thinks everyone is below him. And take note,” inilapit niya nang kaunti ang mukha sa akin, “he’s been telling everyone he’ll inherit the businesses of your lolo.”

The Dangerous (Quantum Meruit Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon