14 | Avenge

120 9 0
                                    

14 | Avenge

___________

Ano nga kaya ang motibo nila sa pagpapakilala nila sa akin ngayon?

“You know, my parents are so . . . strict. Like super strict!”

Imposibleng wala silang magandang dahilan. Namuhay sila ng napakahabang taon na wala ako. Anong kailangan nila sa akin ngayon?

“Sometimes I hate that we’re rich. All they care about is money, money, money! Alam mo ba, they never attended any of my school activities before? Unless I got some recognition?”

Hindi ako naniniwalang gusto lang nila akong makilala. Mayaman sila. Lahat ay kaya nilang gawin. Kung ipinahanap nila ako noon, madali lang nila akong matatagpuan.

“I hate my life most of the time, Ate. People say I live a good life because I get whatever I want. Pero hindi, e. Alam mo ‘yon? Life is not all about material things!”

Dahan-dahan kong ibinaling ang atensyon kay Natasha na pulang-pula na ang mukha dahil sa mumurahing alak na binili ko sa labas. Dumating siya kanina, umiiyak at nag-aalburoto. Wala akong nagawa kundi ayain siya sa kuwarto ko at uminom. Hindi ako magaling magpayo kaya tinagay-tagayan ko na lang.

“Why can’t they just leave me be?” ngawa niya habang tumutulo ang sipon. “This is my life! Hindi nila ‘ko p’wedeng kontrolin nang ganito! I want none of their businesses! I just want to cook!”

“Hayaan mo na,” bagot kong sabi at muling nilagyan ng alak ang baso niya.

“Hindi, e . . .” Inisang lagok niya ang inumin. “Hindi dapat gano’n. Naiintindihan mo ba ‘ko, Ate? I don’t want any of their money. I just want to leave their shadows. I want to be known for me! Hindi dahil anak nila ako!”

Bumuntong-hininga ako at hinayaan siyang maglitanya.

Magkaibang-magkaiba talaga kami. Mayaman siya pero ayaw niya ng pera nila. Mahirap ako at sanay sa kasalatan.

Kapag nariyan talaga at nahahawakan mo, ang dali lang iitsa palabas.

“I’m so miserable,” hagulgol niya.

Ngumisi ako saka inipit ang bagong sinding sigarilyo sa bibig. “Hindi mo alam ang sinasabi mo.”

Hindi siya nagsalita kaya inangat ko ang tingin sa kanya. Itinago ko ang gulat nang napansing seryoso ang titig niya sa akin na para bang tinraydor ko siya.

“Bakit?” hindi ko napigilang tanong.

“You know what? You always invalidate my struggles.”

Hindi makapaniwalang mahina akong tumawa at bumuga ng usok. “Anong pinagsasabi mo diyan? Alam mo, itigil mo na ‘yang pag-inom mo at umuwi ka na.”

“Dahil ba mayaman ako? Dahil ba may pera ako, hindi na ‘ko p’wedeng magreklamo na miserable ako? Just like everyone else?”

Anong pinaghuhugutan ng gagang ‘to? “Wala ‘kong sinabing ganyan.”

“No!” Tumayo siya at kamuntikan pa ngang matumba. “You always do that! Whenever I tell you I’m sad or whatever, you make me feel that I can’t be! Because I’m rich! That I got it better than everyone else! Than you!”

The Dangerous (Quantum Meruit Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon