Pagkalipas ng dalawang taon
Unti unti nang nabubura ang mga ala-ala ng kahapon
Nagkakaroon na ako ng bagong nagugustuhan
Namanhid na siguro kakahintay
Ilang buwan ko din iyon hinangaan
Subalit hindi tulad ng paghanga ko sayo
Parang hindi naman ganon kalalim ang aking pagkagusto...Pinilit ko na naman layuan iyon
Dahil pati sa kanya hindi ako ang gusto
Umamin ako sa unang pagkakataon
Nagbabakasaling magugustuhan ako
Pero wala padin, hindi padin ako
May iba siyang gusto at,
Hindi na naman ako
YOU ARE READING
May ikaw at ako pa ba?
PoetryBakit ba ako umaasa pa sayo Naka abang palagi sa mga sulyap mo Naka abang lagi kung nasaan ang tingin mo Kahit alam kong nasa iba ang atensyon mo Hindi ako ang tinitingnan mo Pero bakit hindi ko mapigilang umasa? Na kahit saglit, sa akin ka naman ti...