Saan nga ba tayo nag simula?
Paano nga ba naging ikaw?
Kailan ba naging ako?
Naging akin ka ba talaga?
Mga tanong na hanggang ngayo'y
Nakatatak sa isipan ko
Paulit ulit kong nasasabiPalaging bukambibig
San nga ba tayo nagsimula?
Kailan nga ba kita nagustuhan?
Bakit naubos na ang mga salita
Sa mga linya ng aking mga tula
Hindi na kita masulat pa...
Wala na nga ba talaga?Subalit bakit ayaw kong mawala
Ang mga ala-ala mo tulad ng
Mga araw na ikaw ang nasa tabi ko
Kay tagal na kitang pinagmamasdan
Simula pa noong araw na nakilala kita
Mga panahong may gusto ka sa iba
Panahong hindi mo pa ako nakikita
YOU ARE READING
May ikaw at ako pa ba?
PoetryBakit ba ako umaasa pa sayo Naka abang palagi sa mga sulyap mo Naka abang lagi kung nasaan ang tingin mo Kahit alam kong nasa iba ang atensyon mo Hindi ako ang tinitingnan mo Pero bakit hindi ko mapigilang umasa? Na kahit saglit, sa akin ka naman ti...