CHAPTER 2

48 5 3
                                    

- her life after 10 years -

Third Person's P.O.V

Nakahiga parin si Gail when the doctor inspected both of her eyes, marahan nitong tiningnan kung may nagbago ba sa kulay tsokolate niyang mga mata

"The chemoradiation therapy went well as planned. Normal lang kung nakakaramdam ka ng pagod at panghihina sa ngayon kaya kailangan magpahinga ka muna at huwag mong kakalimutang inumin ang mga gamot mo"

Tugon ng doktor kay Gail habang napabangon siya sa kama at napaayos sa sariling buhok, tunay na nanghihina nga siya at hindi makagalaw ng maayos.

Mabigat ang pakiramdam ni Gail at nanatiling madilim ang paningin niya ngunit nakakahinga parin naman siya ng maayos

this was her life after 10 years

isang dekada na siyang nabulag dahil sa sakit niya, nang dahil sa eye cancer.

"I'll monitor your progress closely, mukhang nakikita ko namang may pagbabago sa tumor sa mga mata mo. Basta't magsabi ka lang kung may mararamdaman kang kakaiba o side effects sa susunod na mga araw"

Dagdag bilin ng doktor matapos ay nag iwan ito ng listahan sa mga gamot na kinakailangang inumin ni Gail

"Maraming salamat po, doc"
Nagpasalamat ang dalaga bago tuluyang lumabas ng silid ang doktor

Ibang klase nga talaga ang cancer, napaisip si Gail. Minsan na rin kasi niyang inisip na kung siguro ay hindi siya nabulag dahil sa sakit niya ay mararanasan niyang mabuhay bilang isang normal na tao at maging masaya ng walang pag-aalinlangan.

alam niya sa sarili niyang hindi kasi magiging madali para sa isang bulag ang maging masaya.

Oo, nagagawa naman niyang tumawa pero minsan ay nahihirapan siyang maging masaya lalo pa't pinapaligiran siya ng dilim palagi

tanging madilim lamang nakikita niya sa loob ng isang dekada at walang kahit ano mang bakas ng liwanag

She thought, that if only she could perceive the world as she did prior to losing her vision, things might have been different.

siguro nga namumuhay siya ng normal ngayon, nabubuhay siya ng walang pinagsisisihan

at siguro natupad din niya ang mga pangarap niya noon na hindi niya nagagawa ngayon dahil sa pagkabulag niya.

Yet, in spite of this, she still opts to embrace her life fully, even though she's aware that
she can't live long.

alam niyang darating din ang araw na mamamatay rin siya

mahirap marahil labanan ang cancer, she knows for sure that she won't survive.

lumalaban lang naman siya dahil alam niyang mauubos din siya balang araw.

buong puso rin naman siyang sasama kay kamatayan kung darating man ang araw na pinakahihintay niya.

-

Naglakasan ang ingay ng busina ng mga sasakyan pati na ang tinig ng mga iba't ibang tao senyales ng napaka-maingay na kalsada

Naglalakad mag-isa si Gail sa gilid ng kalye pauwi. Hindi na kasi sapat ang pera nito upang mag taxi. Kabisado naman niya ang daan patungo sa kanyang tinutuluyan kaya madali lang itong lakarin para sa kanya.

HEAVEN'S CALLING (ONGOING)Where stories live. Discover now