Chapter 9

9 0 0
                                    

-His dog

Nike's pov
Nandito kami ngayon sa flower shop na pinagtatrabahoan ni Sunday, hinihintay namin siya sa labas.

Pero hindi naman niya alam na nandito pala kami sa loob ng kotse niya.

"Sorry talaga, Haru. Naisturbo pa kita, wala akong makitang lalaki na pagala-gala dito eh" Nguso ng kaniyang dalagang manager. "Late ka na tuloy makakauwi niyan"

"Ayos lang 'yon. Ano ka ba, mabuti nga at hindi pa ako nakaalis eh...Mag-aalala pa ako kapag ibang lalaki ang tumulong sayo, baka may pinaplano."Sabi ni Haru habang buhat ang mga bulaklak.

"Napakabait mo talaga, Haru. Safe talaga ako kapag andiyan ka sa tabi ko "Matamis na ngiti ng dalaga.

*Blushed*

"Sige na, okay na yan. Salamat!"

"Thankyou! Mag-iingat ka!"Agarang tumakbo si Haru tungo sa kaniyang kotse, hingal na hingal pa itong pumasok tila'y hinabol ng isang daang kabayo.

"Sunday..."

"Ah! Bakit kayo nandito?!"

"Dalhin mo kami sa Suzuka race circuit, please!" Pakiusap ko sa kaniya. "At isa pa kailangan namin mag-insayo sa paparating kong laban, at sa magiging laban nila"

"Do you think I care?!"

"May problema ba? Hindi ka pa ata umaalis?"Tanong ng manager ni Haru kaya natahimik kami.

"Okay lang ako dito!"Sagot niya.

"Pakiusap!"Sabi ko.

"Please"Vans.

"May sasabihin ako sa babaeng yan kapag hindi ka pumayag"Pagbabanta ni Miyuki, naku. Batang toh talaga.

Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod na lang sa gusto namin dahil na rin sa nakakatakot na pagbanta ni Miyuki sa kaniya.

Habang na sa daan kami tungo sa Suzuka race circuit ay panay reklamo naman nitong si Sunday, habang si Vans ay tahimik lang at si Miyuki ay naglalaro sa kaniyang cellphone.

"Miyu, minsan ka na bang nakipagkarera kay Adam?"Tanong ko.

Bigla lang sumagi sa isip ko ang tanong na yan eh. Kakaiba kasi ang pakiramdam ko sa kanilang dalawa.

"No."Malamig niyang tugon. No?

"Hindi?! As in NO?! Why?! B-but paano mo siya nakilala? I mean paano kayo nagkakilala?"

Dahil na rin sa makulit ako ay ikinuwento niya na lang sa akin ang nangyari sa kanilang dalawa.

"Iba siya sa lahat, tinatama niya ang mga mali ko kaya naging sikat akong racer. Sinali niya ako sa tournament hanggang sa nagsunod-sunod na ang panalo ko"Kuwento niya.

"Cool"Komento ni Vans.

"Marami akong nalaman tungkol sa kaniya. Gumagamit siya ng mga pandaraya na dapat alam mo kung paano iwasan at takasan"

"What?"I asked.

"Adam uses a trick or moves na pwede kang mawala sa sarili mo saglit. It's called the "deep kiss" "

"Deep kiss?! How? Hahalikan ka niya kahit lalaki ka, ganon?"

"Kadalasan sa babae niya yun ginagawa, pero kapag sa lalaki ay walang awa niyang sinasaktan"

"Napakawalang awa nga."Saad ko.

"Just kidding."

"Am-"

Endless Race Where stories live. Discover now