Chapter 4

3 0 0
                                    

-Ramen

Nike's pov
Nakaupo kami ngayon sa hagdan, nagbibilang ng mga kotseng dumadaan. Umaga lang kasi ang klase namin, may meeting daw kaya hindi na kami pinabalik sa school pero kami nandito pa rin, hindi pa nakakauwi simula nung uwian.

Namangha talaga ako sa ipinakita niya kagabi, hindi ko mapigilan na matuwa dahil nanalo siya. Kahit na late na kami sa aming pupuntahan ay nagawa pa rin naming ihatid ang idedeliver ko.

"Ang galing mo! Paano mo nagawa yun? Bukod kay Cherry Blossom, ngayon lang uli ako nakakita ng babaeng nakikipagkarera!"Sigaw ko dahil sa pagkamangha.

"Marunong ka pala?"

"Yeh. Pero hindi masyado"

"Sinong nagturo sayo?"I asked.

"My brother. Katulad mo rin siya"She remarked.

"Ang cool! Baka Vans ko yan!" Akbay ko sa kaniya. "Pwede ba kitang makita kung paano ka magmaneho? But this time we will drive on the road!"Mukhang nagulat siya sa sinabi ko.

"D-don't worry! I'm next to you, if you can't handle it. Let's switch seats"May pag-aalinlangan pa ito pero kalaunan ay pumayag din.

"Do you think we're safe?"Tanong niya sa akin na halata sa mukha ang kaba.

"Yes! I trust you!"I smiled.

Binuhay niya na ang makina at unti unti namang umalis ang kotse ko sa kung saan kami nakapwesto, hahayaan ko na siya kung saan niya ako gustong dalhin.

"I'm just watching you, don't be scared"

Pinagmasdan ko siyang magmaneho, bawat galaw niya ay siyang nagpapangiti sa akin. I guess her brother is a good racer, I have a strong hunch that he's not just a good racer.

"WOOOOAAAHHHHH!!!"Hiyaw ko.

"I feel like I want to drive all the time!"Mukhang enjoy na enjoy siya.

"Just keep going Vans"

"Tabi! Dadaan ang magaling na racer!"Sigaw ko.

"Baliw"Tawa niya at hinampas pa ako.

"YOOOWWWWW! Safe mo pa magmaneho kaysa sa ak---"

Napahinto ako sa paghiyaw nang mapansin na red light pala.

"VANS! STOP!"Malakas na sigaw ko.

Muntik pa akong mauntog dahil sa pagpreno niya, mabuti na lang talaga at nakapreno siya pero...Gulo naman ang napasok namin.

"Ibababa ko ba?"Tanong niya, tumango naman ako.

"Hindi ba kayo nag-iingat?! Tignan niyo ang ginawa niyo sa likuran ng kotse ko!"Turo ng matandang babae, pareho kaming sumilip ni Vans.

"Sorry, ma'am"

"Wala ba kayong mga mata? Kita niyo naman na nakatigil ang lahat ng kotse!"Tumingin ako sa gilid namin, nagtitinginan na pala sa amin ang mga tao.

"Bakit kailangang mapunta sa ganito"Bulong ko.

"Gagawan po namin ng paraan, ma'am"Wika ni Vans.

"Mga kabataan talaga ngayon! May ipapaayos ba kayo niyan?!"

"Paano na?"She whispered.

"May alam po ako! Libre lang!"Ito na lang ang paraan.

-

"Uncle sige na!" Pagmamakaawa ko. "Baka ipakulong pa kami"

"Hindi naman kayo makukulong 17 pa lang kayo"

"Please! Manager!"

"Alam niyo naman na delikado bakit doon pa kayo sa kalsada?!"

"Shhhhh, UNCLE. Mamaya mo na ako sermonan"

Endless Race Where stories live. Discover now