Chapter 7

3 0 0
                                    

-Pro against the amateur

Nike's pov
Kasalukuyan kaming na sa shop ni Uncle, naghihintay ng customer. Pareho kaming nakatulala lang dahil sa pagkabagot, nang biglang lumitaw si Uncle Riku sa harap namin.

"Uncle?"

Natahimik pa kaming tatlo saglit at nagkatitigan bago siya magsalita.

"Pareho ata kayong nakatulala ah?"Nakakunot noo niyang tanong sa amin.

"Wala naman po kaming magawa"Sagot ni Vans sa kaniya.

"Saka nga pala, may ipapakita akong video sa inyo"Saad niya sabay sandal ng kaniyang cellphone sa bote.

"Huh? Si Miyuki?"

"Oo"

"Is that really him?! Ang galing niya magmaneho!"Namamanghang sabi nito.

"Yeah," Sang-ayon ko. "Parang hindi siya nakakaramdam ng takot"

"Kakaiba ang batang iyan"Hindi makapaniwalang sabi ni Uncle.

"Madami na ata trophy niyan?"Tanong naman ni Vans.

"Siguro"

"Pero,"

"Hooo?"

"May isa akong napansin" Ang kaninang namamanghang mukha nila ay napalitan ng pagkalito. "Kilala siyang magaling, sikat, at talentadong bata pero..."

"Bakit?"

"Parang hindi siya tunay na masaya, parang....hindi totoo ang mga ngiti nito, kung kikilatisin niyong maigi"Saad ko.

Biglang namayani ang katahimikan sa aming tatlo, parehong nagkatitigan, at napaisip sa sinabi ko.

-

"Do i have a meeting?"

"Yes, master. You have a meeting tonight at 10 pm, tomorrow morning, and Monday 2pm"

"When does the show start?"

"It will start exactly at 2 pm on Monday"

"Cancel all my meetings, and gusto ko aalis na tayo bukas ng umaga"

"But your mother s---"

"Who's your master, my mother or me?"

"I'm sorry, master"

-
Vans's pov

"Ang laban ay magsisimula na!"

"Amateur laban sa pro?"

"Walang laban"Bulongan nila.

"Bakit wala siyang kotse, anong gagamitin niya?"

"Sasakyan naman ni Nike yan ah?"

"Oo nga"

"Maglalakad ata siya"Tawanan nila, kaya napalingon na lang ako sa gate.

Nike, asan kana ba?

Biglang bumukas ang gate at may kotse doon na papasok, nanatili akong nakatitig kahit na masakit sa mata ang ilaw nito.

"Si Red yan ah?!"

Tumigil ito sa harap ko tsaka pinaingay ang kaniyang kotse, he's really arrogant.

Ibinaba na niya ang bintana ng kotse sabay kindat sa akin.

"Hindi naman ata ako nalate?"

"Malalate kapag hindi ka pa bumaba diyan"

"Ito na po" Baba niya pero hindi pa rin isinara ang pintoan ng kotse. "Pasok na"Yuko niya at nilagay pa ang kamay sa tiyan na para bang nagbibigay galang sa Reyna.

Endless Race Where stories live. Discover now