Chapter 22

8 2 0
                                    

             Chapter 22

Ja's  Pov

Pinagmasdan ko si Cie, habang mahimbing siya natutulog. Hindi ko maiwasan na yakapin siyang mahigpit. Hinahaplos-haplos ko ang kaniyang buhok habang kayakap ko siya. Sobra ako natakot ng mawalan siya ng malay kagabi. Sa akin pagmumuni nagising ko si Cie. Ngitian ko si Cie.

"Good Cie." Napabangon si Cie na nakatulala nakaharap sa akin.

"Nasaan ako?" Nilibot niya ang mga mata niya. Tanging ngiti lang ako sinagot.

"Nasaan ako?" Pag-uulit ni Cie.

"Ok ka na Cie? Tinakot mo ko si Kagabi?"

"Bakit anong nangyari?" mahinahon niya sabi.

"Nawalan ka ng malay kagabi gawa ng nainom mong alak." Napatingin si Cie sa akin seryoso. Tsaka niya natampal ang mukha niya.

"Nasaan tayo?"

"Dito lang sa ating munting tahanan ang C and J  Resort and Restaurant," sabi ko sa kaniya. Iyong mukha ni Cie nakakunot noo.

"C and J?" inulit niya sabi sa akin. Tumango ako.

"C and J, anong meron kagabi ko pa iyan naririnig saiyo?" Napatitig ako kay Cie, ibig sabihin hindi niya alam. All this time hindi niya alam. Napakunot noo ako hinarap siya.

"Nakikinig ka ba kagabi?" Napakunot noo si Cie nakatingin rin sa akin.

"May binanggit ka ba?"

"Oo. Meron. Ang C and J lang naman ay ang meaning nito ay C means Cieron ikaw iyon ang J naman ay akin JA.

"Ikaw ang may ari ng C and J?" Natawa ako sa naging reaksyon niya.

"Oo, tayong dalawa. Cie, magsimula tayo?" Nanahimik si Cie sa sinabi ko.

"Cie, mahal na mahal kita." Hinawakan ko ang kamay niya. Ikaw lang babae mamahalin ko."

"Ako! Diba umalis ka?" Kita ko sa mga mata ni Cie na anong oras iiyak na siya.

"Sabi mo hanapin ko ang sarili ko. Kung nandito ako Cie, hindi ko mapapangako na hindi kita kukulitin. Masakit pero ginawa ko ay dahil iyon ang sabi mo pero hindi ibig sabihin na hindi kita mahal."

"Nahanap mo ba ang sarili mo?" Ngumiti ako nakaharap kay kay Cie.

"Oo! Hay iyong mahalin ka."

"Bee, hindi ka ba natatakot sa mga pinagsasabi mo. Tama sila Bee hindi tayo para sa isat-isa. May mas higit na magmamahal saiyo na bubuo ng pangarap mo na mabuo ng pamilya. Na magbibigay saiyo ng perpekto buhay na may asawa lalo na kung mabiyayaan kayo ng anak." Napakunot noo ako sa sinabi ni Cie. Anong nangyari sa kaniya bakit parang nag-iba si Cie.

"Cie, noon pa man ikaw na ang pamilya ko. Hindi magbabago iyon. Ikaw lang babaeng papakasalan ko. Naintindihan mo ba?"

"Pero hindi ako babae. Bakla ako Bee."

"So! What! Kung bakla ka. Bakit hindi ba puwede mahalin ang katulad mo? Hindi ka lang bakla. Mabait ka Cie, matulungin, mapagmahal, maunawain at hindi sa lahat ikaw lang iyong tumanggap ng pagmamahal ko. Bakit pa ako hahanap ng iba, nandiyan ka naman na bubuo ng pagkatao ko." Umiyak na payakap si Cie sa akin.

"Bee, sorry, sorry na hindi kita pinaniwalaan. Bago ka umalis Bee kinausap ako ni Danica. Sinabi niya sa akin na siya ang may plano ng lahat. Sa totoo lang hinabol kita pero huli ng lahat ng makasakay ka na. Nasaktan ako Bee buong akala ko na iniwan mo ako." Hinamplos ko buhok ni Cie.

"Hindi ko magagawa iyon saiyo. Hinanap ko lang sarili ko at pinagbigyan kita sa kagustuhan mo. Kung alam mo lang na labis kitang tiniis. Araw-araw nagungulila ako saiyo." Nagyakapan kami ni Cie.

"Tara na kumain na tayo sa labas." Hinila ko na si Cie. Magkahawak kamay kami dalawa bumaba. Nang bigla na lang binitawan ni Cie ang kamay ko. Hindi nga niya pala alam na nandito ang mga kaibigan niya si Shawn at Krizzy. Tsaka ang mga kaibigan ko rin  sila Jary, Nate, Leck, Jc, Bea at si Tres na ngayon ay kasintahan na ni Leck. Ang dalawang aso't pusa noo ay ngayon ay masaya na ang love life. Iba rin trip ni Leck. Nagpanggap pa na ibang tao para lang makalandi sa UB si Tres.

"Aba! Nagising pa kayong dalawa." Panimula ni Krizzy sa amin.

"Ano kayo na ba?" Napatingin ako kay Cie na namumula ang mukha sa sinabi ni Krizzy.

"Hoy! Gago ka! Ligawan mo muna kami bago mo makuha si Cie."

"'Wag ka na kumontra Shawn."  Paninita ni Krizzy sa kaniya. Sa katunayan si Shawn ang unang  nilapitan ko ng bumalik ako. Sobra ako nagpasalamat sa kaniya ay dahil sa dalawang taon na wala ako sa tabi ni Cie nandiyan siya. Mahal na mahal nila si Cie. Nangako ako na aayusin ko na ang buhay namin ni Cie.

"Mamaya na nga kayo magdrama diyan kumain na tayo." Napalingon kay Nate na ngayon may kinakain habang nagsasalita. Kahit kailan hindi talaga maawat ang isang 'to. Hinalalayan ko  na si Cie. Ramdam ko ang pagkailang niya. Paano ba naman lahat kasi ng mata kay Cie. Ang sarap sapakin ng mga kaibigan ko. Tumabi si  Cie sa mga kaibigan niya. Kumain na kami na walang nagsasalita. Na sanay kasi kami na kumakain na hindi nagsasalita dahil sa higpit ni Cie na ayaw na ayaw niya nagsasalita habang kumakain. Takot rin kasi mga kaibigan ko.

"Kumusta Cie?"  Hinirapan lang siya ni Cie si Jary. Tumawa lang ang loko.

"Tangina Cie, kung ako saiyo pahirapan mo muna iyang pinsan ko. Iniwan ka di ba! Hindi ka man lang sinabihan kung saan lumalop siya nagpunta. Alam mo bang ang ganda-ganda lahat na pinutahan ni Ja." Sa inis ko naibato ko kay Jc ang kutsara hawak ko. Ok na kami ni Cie gagatungan pa niya.

"Oo nga! Noh! Tama si Jc, pahirapan mo Cie? Alam mo kumain kami sa pinakamamahal na resturant sa buong mundo" Isa pa ito si Leck. Umiral na naman kayabangan nito. Anong pinakamamahal sa buong mundo.

"Umalis na nga kayo?" sigaw ko sa kanila.

"Hoy! Gago ka." Sigaw rin ni Shawn. Natampal ko ang mukha ko. Gagi may mga sayad mga tao ngayon.

"Tara na nga!" Sabay hila ni Cieron kay Shawn.

"Cie, saan ka pupunta?" Napakunot noo ako nakatingin sa kaniya.

"Uuwi na. Tsaka ang baho-baho ko na."

"Problema ba iyon maligo ka." Napalapit ako sa kaniya. "Unless kung kasama ako," mahina ko sabi sa kaniya. Namula si pisngi ni Cie sa sinabi ko.

"Ano Cie, game." Inirapan lang ako ni Cie.

"Hindi! Anong pinagsasabi mo?" Tinarayan lang niya ako.

"Anong game?" sabi ni Jary kay Cie.

"Wala! 'Wag kang marites diyan." Napakamot lang ulo si  Nate.

"Uuwi ako. Salamat dito tsaka may lakad kami ni Krizzy." Tinalikuran na ako ni Cie. Tsaka iniwan niya kami.

SomedayWhere stories live. Discover now