Chapter 14

9 2 0
                                    

               Chapter 14

Ja's Pov

"Hoy! Kanina ka pa nakatulala riyan. May problema ba?" Napatingin ako kay Cie na ngayon busy sa ginagawa niya. May event kasi siya ngayon at ang kasama niya si Krizzy na kinagulat ko na kung hindi pa dumating ng pagkaaga na hindi ko pa malalaman. Nagtaka nga ako bakit nandito si Krizzy. Hindi naman kasi pumupunta ang kaibigan ni Cieron dito sa bahay. Kahit nga iyong Shawn na madalas na ikuwento ni Cie hindi ko pa nakikita o nakausap man lang pero ito si Krizzy magkakilala na kami.

"May mali!" mahina ko sabi mahirap na baka marinig ni Cie na busy sa kakalikot ng picture namin.

"Anong may mali?" Napakunot noo pa Cieron. Narinig pala niya kahit pabulong lang sinabi ko.

"Sige na umalis na kayo, baka malate pa kayong dalawa."

"Hindi mo ako ihahatid?"

"Ah! Ihahatid pa ba kita?" Tinarayan lang ako ni Cie.

"Oo! Malalate na kami." Nakapameywang na sabi ni Krizzy.  Nanahimik na lang ako. Tumayo na ako at kinuha ko na lang susi sa aking kuwarto na mabilis ako bumalik ay dahil sa walang sawang ingay ni Krizzy.

"Tara na nga! Hindi ka nahiya sa kasama mo. Ang ingay-ingay mo." Mahinahon sabi ko kay Krizzy. Habang palabas na kami.

"Sanay na ako diyan sa bunganga ni Krizzy. Pero 'wag lang niya ako tarayan ay dahil tatarayan ko rin siya." Oo nga pala may pagkaparehas ang ugali ng dalawang ito. Hindi na ako nagtataka kung paano nagkasundo ang dalawang 'to. Ang magkaiba lang kasi si Krizzy ay maingay at hindi tulad ni Cieron na tahimik lang kapag magkasama sila. Bakit ang tahimik ni Cie ngayon? Samantala ang kaharap niya daig pa ang nasa palengke kami.

"Tara na." Yaya ko sa kanila. Sumunod nga sila sa akin. Hinatid ko na sila sa kanilang destinasyon na inabot kami ng dalawang oras kaya naman pala nagpahatid si Cie sa akin. Mukhang na sa kabilang lugar ito.

"Salamat." mahina sabi ni Cie na ang tahimik niya.

"May problema ba?" mahina sabi ko.

"Wala!" Nginitian niya lang ako. Alam kong hindi ako naniniwala sa sinabi niya.

"Ingat ka. Alam ko may gumugulo sa utak mo. Hindi man kita na kilalang lubos, na kakilala pa rin kita kung ano at sino ka! Pero hindi pa rin nawawala sa kilos pa lang at ang pananahimik mo ay kilalang kilala ko na. Tama ba may iniisip ka?" Napatingin sa akin si Cie. Wala siya malulusutan sa akin. Mukha nahulaan na niya ang ninanais ko.

"Sino mga kasama mo noong maagang umalis ka at na sa mall kayo?" Natahimik ako sa sinabi ni Cie.

"Ano ba talaga ang totoo?"

"'Wag mo na usisahin ang nakaraan, Cieron. Mauna ka na may gustong kumausap saiyo." Nakatingin lang si Cieron sa akin tsaka niya tinalikuran ako. Naguguluhan na ako pinagsasabi ni Cieron. Habang si Krizzy seryoso siya hinarap ako. Nakasalubong kasi ang dalawang kilay nito.

" Nanahimik ka?" Napaharap ako kay Krizzy na seryoso siya makatitig sa akin. 

"Hindi mo kilala si Shawn. At isa pa ito lang ang masasabi ko. Hangad maaari umiwas ka sa mga taong hindi mo kakilala lubos o sabihin na natin kababata mo. Mabait si Shawn sa taong mabait sa kan'ya pero sa oras na kantihin ang taong mahalaga sa kaniya ibang Shawn ang makikita mo. Oo, si Shawn ay kilala siyang badboy pero mahal siya sa paligid niya. Mahalaga sa kaniya si Cieron. Kaya kung may mangloko o saktan si Cieron kami ang makakalaban niyo." Natulala ako nakatingin sa kaniya.

"Isa pa si Cieron  ay  mapagmahal at matulungan sa nangangailangan kaya kung bakit siya minamahal. Ito lang ang bagay na masasabi ko sa'yo. 'Wag mo bigyan na reason si Cieron na maging iba." Sabay tapik niya sa akin. Naguluhan ako sa sinabi niya. Sa haba ng sinabi niya, ito lang huli ang naalala ko na ang 'wag ko raw bigyan na reason na mag-iba si Cieron. Napakunot noo na lang ako ng maramdaman ko mag-isa na lang ako. Iniwan na pala nila ako mag-isa. Bumalik na ako sa biyahe. Ngayon ay nakaramdaman na ako gutom hindi pa nga ako nag-almusal. Naghanap ako ng makakainan ko hanggang sa mapalapit ako sa may lomi. Na Lomi-han para sa lahat. Sobra ako namangha ang daming kumakain halos wala na ako makita space.

"Kakain ka ba?" Napaangat ako sa matanda babae na nakangiti nakaharap sa akin. Tumango na lang ako.

"Halika may puwesto para saiyo." Sumunod na lang ako sa kan'ya. Bigla ako nahiya. May nakareserve.

"Sige na 'wag na mahiya. Para ito sa mga baguhan katulad mo." Na sabi ni manong sa katabi table. Nginitian lang ako ni Manang. Dahil sa ayaw ko naman magpaespesyal pa sumunod na lang ako. Nakaupo ako habang naghihintay ng order ko. Napatingin ako sa kanila halos sa loob wala na rin space.

"Ito na po sir." May iba nagbigay sa akin. Kinuha ko at nagbayad na rin ako. Kumain na ako. Unti-unti ko inamnan ang bawat nguya ko. Ngayon lang ako nakatikim na sobra sarap ng lomi. Kaya naman dinumog ng lahat ay dahil sa kakaiba sarap meron siya na wala sa iba. Kaya naman pala nakalagay na lomi para sa lahat. Halos sinumot ko ang laman hanggang sa wala na natira. Pagkatapos ko kumain. Lumapit kay Manang para purihin siya at sabihin na babalik ako sasusunod na  kasama ko na ang mga kaibigan ko. Tsaka nagpaalam na ako. Umalis na ako habang nagddrive ako naalala ko ang napag-usapan namin ni Cieron.

Dahil sa wala naman ako kasama. Pinuntahan ko si Jary. Kumatok ako sa may gate. Tangina 'wag nila sabihin hindi pa sila gising ng ganitong oras halos apat na oras na ako bumiyahe balikan. Kumatok ulit ako. Nagulat si Jary ng pinagbuksan niya.

"Ginagawa mo rito?"

"Binibisita lang. Masama ba?"

"Sinabi ko ba pumunta ka?" Andiyan na naman siya sa mukha niya nakasalubong. Sala sa lamig, sala sa init ng ulo nito. Parang babae kasi pa iba-iba ang ugali.

"Ba't ba ang init ng ulo mo?" sabi ko na lang sa kan'ya.

"Ang dami mo sinasabi." Sabay hila ni Jary sa akin. Ako naman napasunod na lang ako sa masungit ko kaibigan.

"Ginagawa niya rito?" Napaseryoso nakaupo si Nate. Napatingin ako sa kan'ya. Ang aga naman naparito ang loko. Sabi ko na lang sa isip ko.

"Diyan muna siya. Bantayan niyo siya. Maya-maya andito si Ate Jam." Napakunot noo ako nakatingin sa kan'ya.

"Si Ate Jam?" sabi ko uli.

"Pasensiya na. Sa ngayon bawal kayo magkita."

"What!" Bigla na lang sumulpot na kung saan nanggagaling si Leck.

"Ah! Basta. May tamang oras at panahon sa ngayon unahin natin kung kailan tayo ulit magpaparty." Hindi lang ako nagsalita. Siguro nga may tamang oras at panahon. Sabik man ako makita ang ate niya sa ngayon wala ako magagawa. Sasakyan ko ang bawat trip ni Jary.

"Paano mo nalaman?"  Sabay akbay ni Leck na may nilalamon na lumpia. Kadiri isang ito. Dalawang kamay may hawak na lumpia lokong 'to."

"Wag kang aalis diyan. Kakausapin ko ate ko."  Tumango na lang ako. Tsaka kami tinalikuran ni Jary.

"Ang lupet ni Jary. Ayaw ka man lang nila palapitin. Ikaw kasi sinaktan mo ate niya. Bakit ba ayaw mo kay ate Jam?"

"Shawn alam mo ang dahilan ni Jary. 'Wag mo ka nga bigyan ng meaning si Ja."

"Anong ginagawa mo pala rito? Paano mo nalaman?" Pag-uulit sabi sa akin ni Leck.

"Kay Jc sinabi niya sa akin. Minsan niya sinabi sa akin na umuwi na raw ate ni Jary

"Tangina si Jc kahit kailan hindi talaga maasahan. Lapitin pa rin sa gulo." Napakunot noo ako sinabi ni Shawn.

"Mauna na ako. Kayo na bahala diyan. Tangina gutom na ako. Sarap pa naman luto ni Ate Jam.

"Gago ka Shawn, sama ako." Sabay talon ni Leck.

"Sa lagay kayo lang. Sasama ako. Gutom na rin ako. Mamaya ka na lang Ja. Tirhan ka na lang namin ah! Sa ngayon dito ka lang, kami malilintikan kay Nate." Tumango na lang ako. Kasya makipagtalo pa ako sa kanila. Sinunod ko na lang utos ni Nate. Siguro nga sa tamang panahon sa ngayon maghihintay ako. Iniwan na nga nila ako.  Dahil sa kulang ako sa tulog nakaidlip ako.

SomedayNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ