Chapter 15

5 2 0
                                    

Chapter 15

JA'S  Pov

"Aba! Naisipan mo pa bumangon." Napaupo ako  Nakatingin kay Cieron. Andiyan na naman ang kilay niyang nakasalubong. Bakit ba ang init ng ulo ng isang ito.

"HAla ka kanina ka pa kasi ginising ni Cie, hindi ka man lang natinag. Ang sarap ng tulog mo. Pagod 'yan, ako sa'yo umuwi ka na kasama ng girlfriend mo na kanina pa niya  binabara si Leck." Pabulong sabi ni Jc sa akin. Ako naman bigla gumising ang diwa ko. Napatingin ako sa phone ko 8pm na. Ibig sabihin napasarap ang tulog ko. Napatayo ng ako marinig ko ang boses  ni Krizzy. Totoo nga! Andito si Cie. Sino sumundo sa kanila?

"Sige na bumaba ka na. 'Wag ka na mag-isip kong sino sumundo sa kanila ay dahil ako lang sumundo sa kanila. Panay tawag sa'yo ng girlfriend mo sinagot ko na ang tawag niya naririndi ako sa phone mo. Next time ah! Paki hina ng volume daig mo pa buong kalye makakarinig. Bingi ka ba hindi mo mahinahan ang phone mo." Ang sarap sapakin ng pinsan ko, kasama pa mga mokong na ito, kung makatawa wala ng bukas. Tangina pinigilan ko lang kanina pa talaga ako kating-kati sapakin mga ito. Kinukontrol ko lang hangga't kaya ko. Tinalikuran ko na lang sila. Bumaba na ako. Nakita ko kumakain si Krizzy na masaya nakipagkuwentuhan kay Cie.

"Oh! Gising na prinsipe." Napasimangot ako nakaharap kay Krizzy. Tapos tinawanan niya lang ako.

"Ano! Pinagilitan ka ng Pinsan mo?"

"Tigilan mo ako Krizzy." Sa huli tinawanan lang nila ako.

"Kumain ka na. Para saiyo 'yan. Ang damot ng pinsan mo. Ang sarap sabunutan." Napangiti ako sa naalala ko. Mabilis ako napaupo agad na kumuha ng kanin at iyong dala ni Jary ang adobong kinuha ko. Ninamnam ko ang bawat ang subo ko. Napatingin si Krizzy na kakunot noo rin siya sa akin.

"Alam ko na! Bakit ganyan ang boyfriend mo." Napatingin ako kay Nate.

"Bakit?"

"Luto kasi ni Jary." Napatingin na lang ako sa kalokohan ni Nate.

"Kasya naman sainyo. Asa ako masarap ang luto niyong tatlo.

"Gago ka, nasa pamamahay kita." Pagbabanta ni Jc sa amin.

"Subukan mo pumunta sa bahay ko," sabi ko lang sa kaniya.

"Ito naman hindi mabiro."

"Wag na nga natin ito pag-usapan. Basta ito lang maipapayo ko saiyo. Mag-ingat ka. Cie bantayan mo iyan boyfriend mo. Pero kung ako masusunod bumalik  na lang kayo kung saan kayo nanggaling para sa ikakabuti niyo. Madadamay ka kasi Cie. Madadamay ka sa ayaw at sa gusto mo alalahanin mo." Nasapak ko si Leck. Tangina pinagsasabi niya. Umiral na naman ang kalokohan niya.

"Bakit." Iyon na lang nasabi ko na kahit na alam ko na hindi seryoso mga 'to. Pinagtitripan lang nila si Cie. Ganyan mga ito. Buti na lang nasanay si Cie sa kanila. Tinalikuran lang kami ni Krizzy.

"Kita mo iyong babae na iyon. Walang galang. Awatin mo ko! Masasapak ko bruha na ito."

"Tara na nga!" Sabay hila ko kay Cie. Tangina magmumukha may gulo ako naaamoy. Isa rin 'tong palaban. Magkausap lang ang dalawa. Tapos may work out nalalaman ni Krizzy.

"Aalis na kayo?" mahina sabi ni Jary

"Oo, makakasapak ako," sabi ni Krizzy

"Alis na kami, pakisabi na lang sa kanila." Sabay hila ko kay Cieron. Kinakabahan ako sa puwede mangyari.

"Ano ba? Pipilayin mo ba ako?"

"Iyong susi," sabi ko na lang sa kan'ya. Kinapa ko ang blusa na wala akong mahanap na susi.  Napakunot noo ako nakaharap kay Cie.

"Ako ba nagdrive! Bakit mo sa akin hinahanap ang susi. Doon ka magtanong sa magaling mo pinsan." Natampal ko na lang mukha ko.

"Pumasok na kayo. Babalik lang ako. Saglit lang ito." Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Cie. Hahaba pa ang usapan namin.  Bumalik na nga ako sa loob. Lahat sila nakatingin sa akin.

"Oh! Bumalik ka! 'Wag mo sabihin dito ka rin matutulog."

"Asa ka!" sabi ko kay Leck.

"Asan si Jc?"

"Sa loob, bakit?" Hindi ko na sinagot si  Nate. Umakyat na ako taas ng makarating ako sa kuwarto na tinutuluyan namin na magkakaibigan na kung saan may sariling room kami sa Teen bar. Hindi na ako kumatok. Pagbukas ko. Tangina nasaan ang loko. Wala siya sa kuwarto. Patalikod na ko para tanungin ulit ang mga kaibigan namin. Napaatras ako ng makiring ko ang boses ng pinsan ko. Natampal ko na lang ang noo ko. Kumanta ba naman ng pagkalakas hindi ba siya nahihiya marinig ang boses niya na hindi tulad ni Leck na may magandang boses. Binato ko lang siya unan na hawak ko nasa terrace kasi ang loko nagmumuni muni.

"Panira ka ng moment. Bakit ba?"

"Anong bakit ba? Iyong susi ko." Sabay abot sa akin ni Jc. Tsaka nagpatuloy sa pagkanta. Iniwan ko na lang ang loko. Hindi na ako nagpaalam pa. Pagbaba ko nakatingin sa akin mga kaibigan ko.

"Ginagawa ni Jc sa taas?"

"Nagconcert ang gago," sabi ko kay Nate.

"Aalis na ako." Paalam ko sa kanila. Pagkarating ko sa kotse iyong dalawa nakatulog na. Una ko hinatid si Krizzy tsaka umuwi na kami ni Cieron. Ginising ko si Cieron ng makarating na kami sa bahay. Namalikmata si Cieron na para bang sinusuri niya ang bawat tingin.

"Si Krizzy nasaan?"

"Nakauwi na. Hindi na kita ginising mukha napagod kayong dalawa." Tumango lang si Cie sa akin. Bumaba na nga kaming dalawa.

"Pahinga ka na Cie." Aayusin ko pa 'to. Mahirap na may makapasok na magnanakaw." Nginitian lang ako ni Cie. Tsaka niya ako tinalikuran. Ako naman sinara ko maayos ang gate at pumasok na rin sa loob tsaka sinara ng maayos ang pintuan. Pagkatapos ng masara ko na. Pumanhik na ako sa aming kuwarto ni Cie. Ang bilis ni Cie nakatulog hindi man lang nagpalit ng damit. Natawa na lang ako kay Cie. Pumasok na ako sa banyo naglinis ng aking katawan ng maayos na pakiramdam ko wala ng malagkit sa katawan ko. Tumabi na ako kay Cie niyakap ko siya mahigit.

"I Love you Cie." Tsaka ko siya niyakap. Hanggang sa nakatulog ako.

"

SomedayWhere stories live. Discover now