Yes, they're in a relationship. Kaya tumawag siyang Babe noong surprised birthday ko, tinatawag niya si Kylie non kaya lagi rin iyang magkadikit dalawa pero kapag nasa office, they limit their actions kasi nga they're at work.




"Sit here beside me," Tawag pansin ulit ni Nervana sa libreng espasyo sa gilid niya. Nag aalangan pa kong gumalaw at tumabi sa kanya dahil nga nandon ang mga taong iniiwasan ko muna. Pero dahil wala nang ibang space ay nagtungo pa rin ako sa tabi niya at nang makaupo ako ay halos hindi ako makagalaw dahil sa tingin nila sakin.





"Anyway, where's couz? Diba, roommates kayo? Where is she?" Agad na tanong sa akin ni Nervana. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa magandang tanawin sa harapan ko at pinakinggan muna ang payapang tunog ng mga alon at ibon sa paligid habang nilalanghap ang hangin.





Sasagot na sana ako nang biglang may magsalita sa likuran namin. "I'm here,"




Agad na napalingon lahat sa gawi niya habang ako ay nanatiling nakatitig sa harapan.




"Oh ito na pala eh, lika dito Ma'am. Magmuni muni muna tayo bago magwalwal." Si Brandon ang unang nagsalita.




"Yeah, enjoy the view. It's nice." Si Lewis na ngayon lang nagsalita at himalang kinakausap na ang kapatid niya na parang normal na lang, hindi katulad dati na may poot. Madami talagang nagbago sa loob ng nakalipas na tatlong taon.




"Kaya nga Ma'am, ngayon lang tayo nakompleto. Kulang na lang nga ay magklase kayo sa harapan namin." Biro ng best friend ko na bigla ring nagsalita. Tinawanan nila ang suhestyon niya habang nanatili akong tahimik dahil hindi ko alam kung anong ikikilos ko.




Naalala ko na naman kasi ang ginawa ko kanina sa kanya. Nahiya ako sa ginawa ko, binagsakan ko pa siya ng pinto sa sobrang inis ko sa nakita ko kaninang mali pala ang paghihinala. Though, hindi pa rin naman talaga kami okay dahil sa wala pang kalinawan kung bakit siya umabot ng tatlong taon na walang paramdam. Kahit na rin may pinagsaluhan kaming halik na labis kong kinasabik kanina, hindi ko pa rin magawang umakto ng naayon at nararapat dahil nasasaktan pa rin ako.




Nakaramdam ako nang presensya sa likuran ko at ang paggalaw ng telang kinauupuan namin.





"What happened to your lip?" Curious na tanong ng isa niyang pinsan, si Olivia. Halatado ang boses niyang may paghihinala at napansin ko sa peripheral vision ko ang nakakaloko niyang titig saming dalawa.




Napalunok na lang ako at napaayos muli ng upo habang mabilisan kong inipit ang mga bibig ko, unconsciously out of nowhere.




I heard most of them cleared their throat na para bang nakalanghap sila ng buhangin sabay sabay kaya ganon. Natawa naman si AZ at Olivia sa kabilang banda.




Napapikit na lang ako sa mga nangyayari at huminga nang malalim. Napakuha ako ng isang bote ng Smirnoff at tumungga ng isang lagok para lang maibsan ang nagwawala kong damdamin.




"N-nothing, nakagat ko lang habang nagtutoothbrush." Rinig kong pagdadahilan niya na kinaismid ko.




Just wow, hirap na hirap ba siyang sabihin ang totoo? Tsk. Toothbrush your face.

Uminom akong muli sa bote at sumubo ng Nova chips. Idadaan ko na lang ang inis ko sa pagnguya.




"Delikado pala mga toothbrush dito sa lugar na ito." Rinig kong bulong ni AZ sa hindi kalayuan sa pwesto ko. Kaya napatawa nito ang mga kaibigan ko. Napailing iling na lang ako dahil sa narinig.




This Is, Love (GxG)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt