"Oh, sit down." She rolled her eyes at umupo na rin, nasa Archer's siya ng mga oras na iyon pagkagaling niya sa bahay ni G ay dito siya nagpunta. Hindi kasi siya makapagconcentrate hangga't hindi pa siya naaassure na hindi mawawala sa kanya ang bahay nila. "So-."

"Menu, ma'am, Sir." Napatingin siya sa nagbigay sa kanila ng menu agad na sumilay ang magandang ngiti sa labi niya ng makita niya si Ross. Ang manager ng restaurant nito.

"Hi, Dalziel Ross." Masayang bati niya dito. Ewan ba niya pero ang gaan-gaan ng loob niya sa batang ito. Kung nabubuhay siguro ang kapatid niya malamang kaedad lang nito iyon. Pero impossible naman iyon kasi nga nakita niya mismo sa kanyang mga mata na namatay ang mommy niya and she was pregnant then.

"Good morning Ms. Diana." Ganting bati nito. She actually had this urge to pinch him on the cheeks. He's really so cute and adorable, gustong-gusto nga niya itong yakapin.

"Ross you don't have to serve us call some waiter then." Singit ni Warren na waring may ibinibigay na senyales sa pobreng binata.

"Yes, Sir." Tumango muna ito sa kanya at binigyan niya ito ng tipid na ngiti at saka sinamaan ng tingin si Warren.

"Kawawa naman iyong bata bakit mo sinabihan ng ganoon?" inis na piksi niya.

Nagdugtong ang mga kilay nito. "Why? Do you like him?" ayaw niya sat ono ng boses nito para kasing may ibig itong ipahiwatig.

"Gusto ko siya he seems nice and I like his name too katunog ng pangalan ko." She explained.

"You are too old for him kung hindi kita papakasalan baka wala ng magpakasal sa iyo dahil sa edad mo. You are already twenty six or twenty seven right? Ang mga lalaki ngayon mas gusto ng bata-."

"Bakit hindi ka magyaya ng mas bata sa akin? I maybe twenty six but I am pretty sure hindi pa iyon matanda and besides sa panahon ngayon hindi na basehan ang edad sa pagtukoy sa isang tao na matanda na sila o hindi. And besides I don't care if no one wants to marry an old maid like me, kaya kong mabuhay ng walang lalaki sa buhay ko."

Bigla itong tumitig sa kanya mga ilang minuto din iyon kaya mas lalo siyang nakadama ng awkwardness. Nakakainis kasi iyong nag-a-outburst ka at nageexpect kang sasagutin ka ng kausap mo pero hindi pala dahil mas pinili nitong titigan siya.

"What? Kung natatakot kang mag-che-change ang utak ko dahil sa binatang iyon don't worry I know my priorities."

He shifted. "That's good... I mean that you know your priorities." Bawi nito. "He's too young for you and you haven't given me your answer yet."

"Magpapakasal ako sa iyo kung iyan ang gusto mo, I want that house back to us." This is it. "Hindi ko naman sinasabing ibigay mo iyon sa amin, we can pay it slowly to you or magrerenta kami kahit na mag-asawa na tayo magtatrabaho pa rin ako."

"Hindi pwede ano nalang ang isipin ng mga tao?"

"Na isa kang asawang sensitive sa nararamdaman sa asawa niya, na hindi mo ako sinasakal at hinahayaan mo akong gawin ang mga bagay na gusto ko. I don't want to be restricted Warren kaya nga hindi pumasok sa isip ko na mag-asawa. I want my freedom, that's the only thing my deceased parents left to me when they were gone."

"But you are working in a call center company, iba ang oras ng pasok mo at pasok ko." Reklamo nito.

"Hindi naman iyon importante hindi ba? It's not like this is a real marriage, sa papel siguro pero sa totoong buhay kailangan mo lang na may maipresent na asawa hindi ba? May rest days naman ako that's Saturday and Sunday. Pero huwag kang mag-expect na gigising ako ng maaga para maglinis ng bahay o ano--- wait, are we living in the same house or not?"

ZBS 4: Green Bee's Longing Touch (COMPLETED)Where stories live. Discover now