Chapter 8

396 16 9
                                    

Enjoy reading, Sweeties

Adalia Gail

"Ba't gan'yan ka makatingin sa 'kin?" masungit na tanong ko kay Nexxus dahil titig na titig siya sa 'kin.

"Hindi ka na pwedeng magsinungaling sa 'kin, Dali," nakataas ang kilay na saad niya sa akin.

Napabuntong hininga naman ako at inirapan na lamang si Nexxus lalo't tama siya. Sa tagal ng pagkakaibigan naming dalawa ay kabisado na namin ang isa't isa.

"Really? Dalawang araw ka halos nagkulong sa kwarto ni Uncle... Dali, ngayon na ang flight mating dalawa— well, dapat sabay tayo pero magpapaiwan ka," nakataas ang kilay na sabi ni Nexxus. Mas matanda man ako kay Nexxus ay tila mas matanda naman siyang mag-isip kaysa sa akin. Tila siya si Momma kung makatingin sa 'kin at sermonan ako.

Patay malisya naman akong kumain ng mansanas dito sa dining area.

"Ano ba ang sabi sa 'yo ni Mauel?"

"Kuya Mauel, Dali," madiing aniya.

"Hindi naman 'yan ang gusto niyang itawag ko sa kan'ya," matapang Kong saad.

Wala kaming kahit na anong dapat itago kay Nexxus. Isa pa ay may tiwala naman ako sa kan'ya kaya kampante akong alam niyang hindi lang basta-basta ang namamagitan sa 'ming dalawa ni Mauel.

"So, totoo nga ang hinala ko? May relasyon ba kayo ng Uncle ko?" kunot ang noong tanong niya.

"Hey! Sinabi ko na sa 'yong huwag Uncle ang itawag mo sa kan'ya! Hindi naman siya ganoon katanda!"

"Kahit pa ano ang sabihin mo, Dali. Uncle ko pa rin siya," masungit na saad si Nexxus.

Wala akong nagawa kundi irapan din si Nexxus. Alam ko naman na may nabubuo namg ideya sa isip ni Nexxus kung ano ang nangyayari sa 'min ni Mauel. Siguro hindi naliligaw ang isip ni Nexxus sa wild part but alam kong may nabubuo na sa isip niya.

"What's your relationship with Uncle Mauel, Dali? Come on... nang sabihin niya sa 'kin kanina na hindi ka sasabay sa 'kin ay alam kong may ibang namamagitan sa inyong dalawa. Dalawang araw ka ring halos hindi lumabas sa kwarto niya," may diing saad ni Nexxus.

"Ano sa tingin mo ang relasyon naming dalawa?"

"Hindi sapat na wala si Ate Hazel dito para lang gawin niyo ang b—"

Tinaasan ko siya ng kilay. Hinuhuli niya ba ako?

Dahil bago naman sabihin ni Mauel kay Nexxus na magpapaiwan ako rito at hindi sasabay sa kanila sa pag-uwi sa Pilipinas ay nagpaalam siya sa akin kung ayos lang na siya ang magpaalam kay Nexxus na mananatili ako rito.

Sigurado akong ipinaliwanag ni Mauel kay Nexxus kung bakit ako magpapaiwan dito at kung ano na nga ba ang status ng aming relasyon.

Walang label ngunit... nakukuntento ako sa kung ano ang meron sa 'min ni Mauel dahil minsan ko namang pinangarap na kahit kapiranggot ay magkaroon ng tyansiya ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kan'ya. Nangyayari na 'yon kaya naman kailangan ko lang maghintay... maghintay na mahalin niya ako.

Nakita kong kumawak sa kan'yang noo si Nexxus.

"Hindi na talaga kita mapipigilan, Dali? Si Nexxus ay para nang anak ng mga magulan---"

Kneel Mister (Trouble Series 1)Where stories live. Discover now