Chapter 1

29 12 5
                                    

Restrain The Tensions

Chapter 1.

"May nanalo na guys"natatawang sigaw ni Kate.

Nagsisisi akong sinabi ko sakanila na nag friend request sa akin si Aiden.Kahapon pa nila ako inaasar!

Sabi nila ako palang daw ang babaeng hindi niya close na i-nadd niya sa fb.

"Baka naman kasi napindot lang noh,tapus hindi niya alam na napindot niya kaya hindi niya na-cancel"pangongontra ko sa pang aasar niya.

"Huyy update mo kami pag mag first move na siya sayo"may pakurot pang sabi ni kate.

Dinelete ko nalang ang friend request ng lalake kasi baka nga napindot lang talaga.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya napatingin ako roon.At napasinghap ng malalim ng makita ang message ni mama.

Momshiecakes:

Bukas pa ako makakauwi nak dahil may bisita mamayang gabi ang amo ko kaya hindi muna ako makakauwi.Sabihin mo lang sa akin pag may ginawang masama ang ama mo sayo hah.

Lagi nalang hindi nakakauwi si Mama ng dahil sa pagtatrabaho niya.Pero kung hindi naman siya magtrabaho wala akong baon at kakainin.May part time job naman ako pero hindi sapat yon para buhayin at paaralin ko ang sarili ko.Lalo na't wala namang ginawang maganda ang papa ko.

To Momshiecakes:

Opo basta mag ingat ka hah.

Pagkasend ko ng message na iyon ay humiga nalang ako sa lamesa ng upuan ko.Wala naman daw ang guro namin ngayon kaya vacant kami for whole morning.Matutulog nalang siguro ako.

Natahimik ang buong klase kaya iminulat ko agad ang mga mata ko para tignan kung bakit sila tumahimik.

"Sinong class president niyo?"tanong ng principal namin,nasa labas.

I raised my hand and stand.

"Ako po Ma'am.Bakit po?"

"May meeting,sumama ka sa akin."

I nodded.Kinuha ko nalang ang cellphone ko at kumuha narin ako ng papel at ballpen para mag take down notes sa mga sasabihin mamaya sa meeting.

We entered her office and andito narin ang ibang mga class president ng ibang section.Pinaupo niya ako at ang mga kasama kong class president ng ibang section at ibang grade level.

"We are having our school intrams next month"pagsisimula ni ma'am.

"I called you here because i need your suggestion if ano ang mga pwedeng gawing activities."dagdag pa nito.

Nagtaas ng kamay ang katabi ko.

"Drop your suggestion."

Tumayo ang katabi ko at nagsalita."Ma'am umm pwede rin pong cheerdance."

"Okay please sit down."our principal.

I raised my hand and stand."I see a lot of people playing volleyball after class, ma'am, so I think we should include volleyball."

"Okay good,please sit down."

Madami namang nag suggest ng activities for our school intrams kaya naman mabilis natapos ang meeting namin.

Inatasan kami ni Ma'am Leonor[School Principal]na i-announce sa section namin ang mangyayaring intramurals sa school next month.

Pagbalik sa room ay in-anounce ko agad ang napag-meetingan.

Restrain The Tensions Where stories live. Discover now