Chapter 36.

464 19 7
                                    

Chapter 36. Third person's pov.



"Ahh!" Daing ni Niel matapos siyang malakas na pinalo sa likod ng isa sa mga tauhan ni Elton. Hingal na hingal siyang napapikit sa sakit na naramdaman.

Kanina pa siya pinapahirapan at binubugbog ng mga ito sa utos nila Elton at Roni.


"Ano, Niel, kaya pa ba?" Nanunuyang tanong ni Elton sa kanya na kanina pa nanunuod sa nangyayari kasama si Roni at ng iba pa nilang mga tauhan. Masama namang tumingin sa kanya si Niel at dumura ng dugo sa sahig. "Oh, huwag mo naman akong tingnan ng ganyan, nagtatanong lang eh." Nakangising saad nito na maslalong ikinapuyos ni Niel sa galit.


"Hayop ka talaga. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kayo nagbabago. Wala kayong kadala-dala. Pati mga magulang namin dinamay niyo! Bakit ba hindi kayo matigil-tigil?!" Nanlilisik niyang tanong sa mga ito at nagpumiglas sa mga lubid na nakatali sa dalawang kamay niya habang nakatayo siya.


"Talagang hindi kami titigil hanggat hindi namin nakukuha ang gusto namin. At sa mga magulang niyo? Sorry but we mean it." Nang-aasar na sagot nito at mas lalong ngumisi na mas lalong ikinagalit naman ni Niel.

"Hayop talaga. Papatayin talaga kita kapag nakawala ako rito!"

"Ops! Nakakatakot ka naman. Hahahahaha!" Tawa nito na sinabayan naman ng kanilang mga tauhan.

"Huwag kang mag-alala dahil malapit na rin naman kayong magkita at magkasama ng mga magulang niyo. Kaya kung namimiss mo na talaga sila, kahit ngayon din ay tatapusin na namin ang buhay mo para mas maaga." Sabi naman ni Roni habang humihithit ng sigarilyo. "At huwag ka ring mag-alala dahil pagkatapos mo ay ang kapatid mo naman ang masusunod." Saka ito bumuga ng usok at ngumisi sa kanya



Nang makarating sa lugar ay nagpatuloy pa rin sila sa pagpapatakbo ng sasakyan at hindi pinansin ang mga nagbabatay sa tapat ng gate. Binangga ng isa sa kanila ang gate saka tuloy-tuloy at sunod-sunod na pumasok habang ang ilan sa kanila ay binaril ang mga nagbabantay mula sa bintana. Nang makababa ay naghiwa-hiwalay agad sila sa pagpasok sa building habang nakikipagpalitan ng putok sa mga kalaban.

Ang mga kalaban namang nakarinig sa mga putok mula sa loob ng building ay nagulat at napatayo.

"Ano iyon?" Takang tanong ng isa.

"Humanda kayo, narito na sila. Nilusob nila tayo!" Sigaw naman ng isa pa na nagmamadaling lumapit sa kanila.

"Sinong sila ang sinasabi mo?"

"Ang grupo ng NKAB Gang, narito sila kasama ang Monster Gang at ang buong section fear. Marami sila." Sagot nito.

"Ano?! Paano nila tayo natunton?"

"Hindi ko alam!"

"Putangina! Tara na!"

Agad silang nagsilabasan sa silid na kanilang pinanggalingan at naghiwa-hiwalay.


Nabulabog naman ang silid na kinalalagyan nila Elton dahil sa narinig na mga putok. Nagkatinginan silang dalawa ni Roni dahil sunod-sunod na ang mga ito at parang naglalaban na. Kinutuban na silang dalawa hanggang sa tumunog ang cellphone ni Elton kaya sinagot niya ito.

"Anong nangyayari?" Tanong niya sa kabilang linya. "Ano? Sigurado kayo diyang sila Kiesha iyan?.... Bulshit! Patayin niyo silang lahat!" Sigaw nito saka gigil na pinatay ang tawag.

"Narito sila Kiesha?" Tanong ni Roni sa kanya na napatigil sa paninigarilyo at ang mga tauhan nila ay biglang nakaramdam ng tensyon.

Dahil din sa narinig, ang kaninang nanghihinang si Niel ay biglang napamulat ng mata. Nabutahayan at biglang nagkaroon ng lakas saka napangiti. "Narito ang kapatid ko ha. Ganon din kaya si Calistenia? Kahit ano man. Kahit nag-aalala para sa mangyayari sa kanila ay masaya pa rin ako dahil alam kong narito sila para sa akin." Sabi niya sa kanyang isipan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 31, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Only Girl In The Section Full Of BoysWhere stories live. Discover now