Chapter 22.

309 28 9
                                    

Chapter 22. Nazzer's pov.

Nabigla ako sa ginawa ni Katherine. She just slap me. Hindi ko inexpect na magagawa niya iyon sa akin kaya hindi agad ako nakapagsalita. Gayon pa man ay natigilan din ako sa kanyang sinabi.

Ganon na ba ako kasama?

Sinabi ko lang naman ang totoo at nararamdaman ko ah.

Iwinaksi ko na lang ito sa aking isipan saka umalis na rin sa garden. Hindi na ako sumunod sa mga kaklase ko sa cafeteria at pumunta na lang ng parking lot para kunin ang kotse ko.

Siguro uuwi na lang ako.

Pagpasok ko sa kotse ay agad ko itong pinaandar at magmaneho na sana nang biglang may humarang sa daraanan ko. Isang itim na van pero hindi ko makita kung sino-sino ang nasa loob dahil tinted ito. Bumusina ako para umalis sila pero hindi nila ginawa. Bumusina ulit ako pero ayaw pa rin. Kahit anong busina ko ay ayaw nilang umalis.

Nakakainis na ah.

Bingi ba sila para hindi marinig ang busina ko?

Dahil sa subrang inis ay bumaba ako at lumapit sa van saka kinatok ko ang bintana nang paulit-ulit. "Hoy! Hindi niyo ba naririnig ang busina ko?! Pwede ba? Ialis niyo sa pagkakaharang ang van niyo dahil aalis ako at hindi makadaan ang kotse ko!" Inis kong sigaw habang malakas na kinakatok ang bintana ng van.

Bumaba naman ang bintana at bumungad sa akin ang isang lalaki. "Pesensiya na, pero ayaw naming umalis kaya wala kang magagawa." Nakangising sagot nito sa akin.

Bigla naman akong nakaramdam ng kaba sa uri ng tingin at pagngisi niya. Pagtingin ko naman sa driver at sa likuran niya ay nakatutok sila sa akin na kagaya niya ay mga nakangisi. Napaatras ako. Hindi maganda ang kutob ko rito. Kaya bago pa sila makalabas ay tumakbo agad ako sa kotse ko, pero hindi ko pa man nabuksan ang pintuan ay naabutan na ako ng isa.

"Ops! Saan ka pupunta?"

Agad niya akong hinila palayo sa kotse ko at sinuntok sa sikmura na ikinadaing ko. Nang sumuntok siya ulit ay sinalag ko ang kamao niya at agad siyang siniko sa sikmura. Nabitawan niya ako kaya agad ko siyang sinuntok sa muka. Agad din akong lumingon sa likod at sinipa ang isa saka patakbong tinadyakan ang isa pa na papalapit saka sinuntok ang kasabay nito.

Pagharap ko naman ay agad akong napaatras nang may sumuntok sa muka ko at napaharap sa likuran nang may humila sa akin saka magkasunod na sinuntok sa sikmura na ikinaubo ko.

Agad ko ring pinigilan ang kamay niya at siya naman ang sinuntok ko at sinipa ang nasa likuran ko, pagkatapos ay magkasunod ko ulit siyang sinuntok sa muka at sikmura. Agad din akong lumayo at dumistansya sa kanila saka dinura ang dugo na lumabas sa bibig ko at pinahid ko rin ito agad.

"Ano bang kailangan niyo?" Tanong ko habang hingal na hingal na nakatingin sa kanila.

"Ikaw ang kailangan namin kaya sumama ka nalang para hindi ka na mahirapan pa." Sagot nong lala king nabungaran ko kanina. Napakunot noo  naman ako.

Na naman?

Isa rin ba silang gangster?

Tauhan din ba sila ni Elton?

"Ayo ko, at kahit anong gawin niyo ay hindi ako sasama sa inyo." May diin kong sagot.

Napangisi naman sila. "Edi kung ganon ay maghanda ka na, dahil tinitiyak kong bugbug sarado ka na bago namin masama." Pagkatapos ay dali-dali nilang kinuha ang dala nila kaninang baseball bat na ikinalunok ko.

The Only Girl In The Section Full Of BoysWhere stories live. Discover now