chapter 1

544 4 0
                                    

~~~~ Simula ~~~~

"Eli eli!" Napalingon naman ako nang may sunod sunod na tumawag sa pangalan ko alam kong yung kaibigan kong si lily 'yon. Dahil balik work na ulit ako sa may hospital kasi nagka sakit nga ako nang tatlong araw kaya hindi ako naka pasok pero ngayon ay okay naman na ako kaya back to work na ulit ako.

25 years old na ako at isa akong nurse sa isang private hospital mag iisang taon narin ako sa trabaho kong 'to, dahil dream ko naman talaga maging isang nurse bata palang ako. "bakit?" Sabi ko kay lily nang maka lapit siya sa akin. 

"Kain tayo mamaya sabi ni samuel nakaka inis talaga siya pag sabihin mo nga yang kaibigan mo!" Inis na sabi ni lily, kaibigan kolang ba? Or kaibigan niya rin.

"Bakit nanaman? Ano nanaman ginawa sa'yo non" natatawa kong sabi, dahil trio kami ni lily at samuel  high school friend ko kasi sila kaya matatalik kona silang kaibigan.

"Iniwan ba naman ako kagabi sa stock room tapos ang dilim dilim pa doon nakaka inis siya! Sabihin mo hindi na tayo trio duo nalang kamo tayong dalawa." Inis niya paring sabi kaya tumawa naman ako na kwento niya sa'kin kanina pero nagtra trabaho naman ako non.

"Inis na inis kana pala bakit pumayag ka naman na kumain tayo mamayang gabi?" Sabi ko sakanya pero umiling nalang siya dahil alam ko naman yung isasagot niya dahil kaya siya sumama ay libre ni samuel yung kakainin namin.

"Dika maka sagot? Kasi ililibre tayo ni samuel?" Natatawa kong sabi sakanya. Pero ganon rin tumawa rin siya sabi ko kay lily ay bumalik na kami sa trabaho dahil mag babantay pa kami nang mga patient sa emergency room.






~~~~

"Hoy tara na ang tagal niyo, ang bagal niyong dalawa kahit kelan alas otso na nang gabi" nag mamadaling sabi ni samuel samin ni lily nasa cr kasi kami at inaantay niya kami sa labas, nag aayos lang kami ni lily kasi sa fantasy restaurant daw kami ililibre ni samuel.

Sabi ko kay lily bilisan namin para hindi narin magalit si samuel dahil hindi pa galit si samuel galit na si lily kaya para nga silang aso at pusa. "Tsk. Oo na ho sir tapos napo kami hindi ka makapag antay eh noh?" Taas kilay na sabi ni lily kay samuel kaya bahagya naman akong natawa.

"Ikaw pa talaga galit ha! Kung si eli nalang kaya ang ilibre ko tapos ikaw mag fishball kana lang sa may labas." Sabi ni samuel kay eli pero taas kilay lang siyang tinignan ni lily, kaya pumagitna na ako sakanilang dalawa dahil baka saan pa mapunta away nila at hindi pa kami matuloy gutom na gutom pa naman na ako.

"Wag na nga kayong mag away kasi naman samuel iniwan mo si lily sa stock room kagabi kaya ayan galit siya sa'yo, mag sorry kana sa ginawa mo sakanya kagabi tapos ikaw lily mag sorry kana kay samuel" sabi ko sakanilang dalawa.

"Edi okay sorry."

"Edi sorry rin ho sir!"

"Oh diba mag babati rin naman pala eh, tara na saan ba tayo sasakay?" Pumara na ako nang sasakyan naming taxi papunta sa kakainan namin. Hanggang 12 o' clock naman daw pala yung closing non sa sabi ni samuel.

Nang maka rating kami doon ay umorder na agad kami nang pagkain dinamihan na namin ang order dahil sa isang buwan ay dalawa o tatlong beses lang kaming tatlo nakakakain tatlo dahil busy nga talaga kami sa work kahit pa sabihin na pare parehas naman kaming hospital na pinapasukan ay iba iba naman ang work time namin, bihira lang ata na magka parehas yung work time naming tatlo eh kaya kapag ganon ay kumakain kami sa labas at depende nalang kung sino ang manlilibre.

"Alam niyo naba yung balitang kumakalat?" Sabi ni samuel kaya napatingin naman ako sa sinabi niya.

"Ha? Bakit anong meron?" Sunod sunod kong tanong kay samuel.

THE NIGHT WITH PSYCHOPATH (ON GOING)Where stories live. Discover now