Iiyak, magmumukmok at masasaktan pero hindi ibig sabihin 'non eh dapat na akong panghinaan ng loob. Bawal sukuan ang buhay hanggat humihinga.

Pagkatapos kong ayosin ang sarili ay muli akong napa buntong hininga para alisin ang mga bumabagabag sa isipan. Ngumiti ako saglit sa harap ng salamin bago tinahak ang daan patungo sa taong naging parte rin ng buhay ko, sa taong kahit paulit ulit pinapamukha sa'kin na wala akong puwang sa puso niya ay siya parin ang binabalikan at laging nasa isipan. Malapit ng matapos ang tatlong buwan na pagpapanggap namin, at sa nalalabing mga araw ay lulubosin ko na ang pagiging martyr ko.

Ngunit bigla nalang akong sinalakay ng kaba at takot ng mapagtanto ko 'yon. Isipin palang na pati siya ay mawawala rin ng tuloyan sakin ay nadudurog na ang puso ko. Sa mga susunod na araw ay baka bigla na lang din akong magising ng mag-iisa..

Saan na naman kaya ako lulugar nito?.. tanong ko sa isipan sabay tawa ng alanganin.

“Ery?”pukaw niya sa atensyon ko ng mamataan niya akong papalapit sa kinaroroonan niya.

Agad kong pinahid ang luhang kumawala sa mga mata ko bago umigham at inayos ang sarili sapagkat ayokong makita niya ulit ako sa ganitong kalagayan. Tama na ang isang beses.

"Y-you okay?" Tanong niya ng may bahid ng pag-aalala sa tuno ng kanyang boses.

"Hmm.. Yes ayos lang po ako" sagot ko ng nakangiti. Lumapit ako sa lamesa at umupo sa harap ng pagkain.

May pagtataka ko siyang binalingan ng tingin ng makitang isang serving lang ang hinanda niya. Alam kong madaling araw na pero hindi ko sigurado kung nakakain na ba siya.

Napansin niya siguro ang pag-aalangan ko kaya agad itong nagsalita.

"I already had my dinner. Just eat, and if you want something else, fruits or drinks. Don't hesitate to get whatever you want in the ref... I'm uhm, going to take a bath. I'll be back in 30 minutes" tensyunado nitong saad na ikinakunot ng noo ko. Nakakapanibago ang kilos at pakikitungo nito sa'kin, ramdam at pansin ko 'yon kahit lutang ako.

Dalawang linggo lang ng huli ko siyang makita at makausap pero pakiramdam ko ay ibang Celes na ang kaharap ko ngayon. Mula sa pananalita niya, sa kung paano niya ako titigan at itrato. It's really different.. She's acting weird? I dunno pero ganon ang napansin ko.

Medyo alanganin pa itong ngumiti at tumango bago ako talikuran hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin ko.

I shook my head to brush away the weird thoughts in my mind before feasting the foods in front of me.

Pagkatapos kumain at hugasan ang pinagkainan ay pumunta ako sa sala at komportableng umupo sa sofa.

I waited for another minutes for her pero mukhang matatagalan siya. Inabot ko ang remote ng tv at binuksan ito, wala sa sarili at basta ko na lang pinindot ang play button at sumandal ulit sa sofa. Deretso ang tingin ko sa tv at aakalain mong seryoso ako sa pinapanood pero ang isip ko ay nasa malayo.

“I didn't know you like cartoons until now” muntik ko nang maitapon ang hawak kong remote sa gulat ng bigla siyang magsalita sa tabi ko.

cute” ramdam ko ang pag init ng pisngi ko sa sinabe nito at tiningnan ko kung ano ang tinutukoy niya.

Napa face palm na lamang ako ng makita ko ang Tom & Jerry sa screen kaya alanganin akong ngumiti sakanya. 

Bakit hindi ko manlang naramdaman ang presensya niya at ang pag upo niya sa tabi ko?

“ahh eh oo hehe matagal tagal na rin nung huli kong panunuod nito” she smiled at me bago binalik ang tingin sa tv pero ganon nalang ang pag lunok ko ng laway nang makita ang suot nito.

Play PRETEND [Marupok Series #2] On-GoingWhere stories live. Discover now