Chapter 12

4.4K 204 36
                                    


"Ba't ka umuwi ha?! Ba't ngayon ka lang?! Di ba kabilin bilinan ko na pag andito ako sa pamamahay na 'to ayaw kong pagala gala ka sa harap ko?!" Bungad ni daddy sa mismong pagbukas ko ng pinto ng bahay.

Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya dahil namamaga parin ang mga mata ko.

"Ano?! Tutunganga ka na lang ba riyan ha?! Umakyat ka at huwag kang bababa hangga't hindi pa nakakauwi ang mga bisita ko!" Bulyaw nito bago itapon ang basong hawak niya sa sahig.

Hindi na ako nagulat o nakaramdam ng takot sa ginawa niya. Sanay na ako at hindi lang naman ito ang unang beses na ginawa niya yan. Kung may buhay pa ang mga baso baka sila pa ang iniyakan ko.

So far hindi pa naman namisikal si daddy sa tuwing nagagalit. Puro bulyaw at masasakit na salita ang tanging lumalabas sa bibig niya.

Pero mas masakit pa sa physical na pang aabuso ang hatid nito. Ni hindi kayang gamotin ng kahit anong medisina ang sugat na nakaukit sa puso ko. Sa sobrang lalim nito hindi ko alam kong bakit sa puntong 'to buhay parin ako. Bakit pa ako nagpapatuloy kung kalbaryo ang dinaranas ko halos araw araw.

Saan ba dapat ako lumugar? Yan ang tanong na hindi ko masagot.

Isang pagkakamali rin ang pag-uwi ko ng maaga, dapat pala kahit sa lansangan nalang muna ako naglagi.

"Aleng Bebang!!" Sigaw nito na umalingawmgaw sa loob ng mansyon.

"Y-yes po S-sir?" Kinakabahang sagot nito ng lumapit kay Daddy ng nakayuko.

Lahat ng kasambahay namin takot sa kanya.

"Kaladkarin mo yan sa kwarto at siguraduhing hindi makakalabas!" Singhal niya sabay turo sa'kin.

Parang isang hayop na galá kung ituro ako ah.

Hindi ka na nasanay Ery.

"O-opo S-sir" sagot nito at agad na lumapit sa'kin bago ako kaladkarin paakyat ng kwarto.

Walang pagtutol na nagpatianod ako kay Aleng Bebang.

"E-Ery-"

"Ayos lang ho ako. Medyo pagod lang. Kahit huwag niyo na po ako dalhan ng pagkain at matutulog na lang po ako" putol ko sa sasabihin niya.

Hindi ko na ito inantay na makapagsalita ng isarado ko ang pinto ng kwarto ko.

Napasandal ako sa likod ng pinto at marahang inilibot ang tingin sa buong silid. Nakapatay parin ang ilaw ngunit dahil sa liwanag na nanggagaling mula sa labas ay aninag ko ang bawat sulok ng silid na kasa kasama ko sa loob ng labing dalawang taon.

Saksi ang apat na sulok ng silid na ito kung paano ako magmonokmok at mag iiyak sa tuwing pinaparamdam ng mundo kung gaano ito kabigat.

Hindi maganda ang memorya ko sa tahanan na 'to pero sa kabila ng lahat mas pinipili at pinipilit ko paring maging masaya. E-appreciate ang simpleng bagay at pag hugutan ito ng lakas para magpatuloy.

Tinungo ko ang medyo may kalakihang aparador sa gilid ng higaan ko. Binuksan ko ito ng marahan at bumungad sa harap ko ang iba't ibang klase ng mga gamit. Ang iba'y nakabalot parin at di ko pa nabubuksan. Nag fade na nga ang wrapper ng mga ito sa sobrang tagal ng na stock. Lahat ng mga 'to ay regalo na natatanggap ko during my birthday galing sa unknown na tao, basta na lang ito dineliver ng walang pangalan o address na nakalagay kung sino at saan galing. Halos taon taon ang pagbibigay nito na ipinagtaka ko ng una. Nagsimula ang pagpapadala ng mga regalong 'to simula ng mag high school ako.

Tuwang tuwa pa ako ng una pero ng malaman kong galing lahat ng yun sa nanay ko ay bigla akong nawalan ng gana. May isang beses kasing aksidenteng nabanggit ng courier ang pangalan ng nagpadala kaya nalaman ko. Mula sa branded na mga sapatos, relo, bags at ang pinaka magarang binigay nito ay susi ng kotse nung mag debut ako. Baka isipin niyo may pa party ako ha. Wala pong ganon dahil ni simpleng birthday ko taon taon ay walang ganap as in wala. Parang normal na araw lang. No cakes, no pansit pampahaba ng buhay at ni walang bumabati sa'kin pag birthday ko. Parati akong may sakit nun or kung anong excuses sa tuwing kaarawan ko at kahit sila Asukal tinataguan ko.

Play PRETEND [Marupok Series #2] On-GoingWhere stories live. Discover now