Chapter 19

5.4K 285 104
                                    

Typos & Grammatical Errors Ahead!

÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷

Nagising ang aking diwa mula sa mahimbing na pagkakatulog ng may marinig akong nag-uusap ng pabulong.

Ang hapdi sa mata kaya hindi na muna ako nagmulat at pinakiramdaman ang paligid ng nakapikit.

Ilang minutong katahimikan ang namayani sa loob ng silid bago muling may magsalita.

"Kahit konting pagmamahal"

Eh? May drama ba? Reaksyon ko sa isip pagkarinig ko sa linyang yun.

Baka bukas ang tv at doon nanggagaling ang boses na yun.

"Wala ka ba talagang nararamdaman para sa akin?" Muling sambit nito na ipinagtaka ko dahil medyo pamilyar sa'kin ang boses na yun.

Medyo nakaramdam din ako ng lungkot dahil It sounds like she's begging dun sa kausap niya.

"You're always giving me a silent treatment everytime I ask you about it" nahihimigan ko ang lungkot mula sa tuno ng pananalita nito.

Mukhang maganda ang drama ha, ang ganda ng linyahan at ang galing din ng artista dahil ramdam mo yung emosyon niya.

"Siya parin ba? Hindi ka parin ba makaalis sa nakaraan mo?" ang sakit naman nun.

Totoo yan na mas mahirap kalaban ang past ng taong mahal mo. Parang kanta lang yan ni Moira na 'ako ang kasama pero hanap mo siya'.

"Ang cringe noh? Hindi na tayo mga bata, pero heto ako't dinaig pa ang mga teenager sa pag co-confess"sambit nito sabay tawa ng alanganin.

Nakakabinging katahimikan ulit. Hindi ko alam Kong mag-isa lang bang nagsasalita ang bida mula sa telebesyon dahil tanging boses niya lang ang naririnig ko.

"First time kong gawin 'to. As in bago ang lahat ng 'to sa'kin. A-ang mag confess at ma-inlove sa kapwa babae. At this age, it's really unbelievable" muling saad nito na ikinagulat ko. So lesbian ang theme ng drama, hmm interesting ha.

"I guess your silence is your way of saying no. Hmmm t-thats fine, n-naiintindihan ko" garalgal nitong saad na ikinadilat ng mga mata ko.

Sumalubong sa paningin ko ang kisame. Papikit pikit pa ako para mae-adjust ang mata ko sa liwanag.

Nagtaka ako at ilang minuto na ng biglang tumahimik ulit kaya agad kong binaling ang atensyon sa harap mula sa posisyon ng pagkakahiga ko ngunit napaangat ang aking kilay ng makitang nakapatay naman ang tv.

Ano yun? Tanong ko sa isip.

Maya lang ay kakaibang tunong naman ang narinig ko.

Tsup. Tsup. Hmmm.. ganyan ang tunog na maririnig mo.

Agad kong inilibot ang tingin sa buong silid at halos lumuwa ang mga mata ko sa nasaksikan.

Hindi pala drama sa telebesyon ang naririnig ko kanina kundi live show dahil kita ng dalawang mata ko ang dalawang pigura ng tao sa kabilang dako. Sa bandang kaliwa ko sila nakaupo sa mini sofa sa loob ng silid.

Magkatabi sila. Sobrang dikit ng kanilang katawan sa isat-isa at magkasugpong ang kanilang mga labi.

Sa sobrang gulat ko ay hindi ako nakakibo. Nakatingin lang ako ng deretso sa kanila. Wari'y nasa mundo sila na kung saan silang dalawa lang ang nag eexist.

Baka nakakalimutan nilang andito ako nakahilata sa kama.

Mas lalo akong nagulat ng makita ang paglandas ng kamay ng isa sa ibabang parte ng katawan ng kahalikan niya.

Play PRETEND [Marupok Series #2] On-GoingWhere stories live. Discover now