Kalachuchi

22 6 3
                                    

Play "Bawat Piyesa" by Munimuni for better reading experience, Thank you!

*****
Nakita ko na naman siya sa isang sulok, tahimik na tumatangis habang sinasambit ang aking pangalan.

Nilapitan ko siya at sinubukang yakapin, upang malaman niya na ako ay kanyang kasama at hindi siya nag-iisa.
Subalit tumagos lamang ang aking sariling katawan, kaya't wala akong magawa kundi siya ay pagmasdan na lamang.

Ganito palagi ang eksena, magmumukmok siya sa isang sulok, iiyak habang sinasambit ang aking pangalan.
Paulit-ulit ko na ring sinusubukan na siya'y aluhin sa kanyang pag-iyak at yakapin, ngunit muli't muli ay parati lamang akong nabibigo.

Isang taon na ang nakakaraan noong magsimulang magbago ang lahat,
Naalala ko tuloy yung araw na sinabi mo sa akin na nais mong pasalubungan kita ng bulaklak ng Kalachuchi pag-uwi ko galing sa eskwelahan, agad akong pumayag sa iyong kahilingan dahil alam kong ito ang isa sa mga bagay na magpapaligaya sayo.

Uwian na noong mga oras na 'yon, habang naglalakad ako palabas ng aming silid-aralan,
nakakita ako ang bulaklak ng kalachuchi sa hardin malapit sa aking kinatatayuan,
naalala ko na nais mong pasalubungan kita ng bulaklak na iyon.

Kaya't nagbalak akong pumitas ng ilang piraso, mahalimuyak ang bulaklak na iyon iba't iba ang kulay kaya natitiyak kong matutuwa ang aking kasintahan,
Nagpalinga-linga muna ako sa paligid baka sakaling may makapansin sa aking plano,
At ng aking masiguro na walang nakatingin, agad akong pumitas at dali daling umalis mula sa hardin na iyon.

Ayos na sana ang lahat, subalit sa hindi inaasahang pagkakataon, nasagasaan ako ng rumaragasang truck habang ako'y tumatawid, tumilapon ang aking katawan sa isang puno malapit sa kalsada.

Sinubukan kong tumayo ngunit hindi ko magawang maigalaw ang aking mga binti, hindi ko rin sila maramdaman.
Sinubukan kong humingi ng tulong ngunit sa hindi malamang dahilan, walang boses na lumalabas sa aking bibig.

Wala akong magawa kundi tahimik na umiyak at manalangin na sana panaginip lang ang lahat, sana may dumating na tulong upang agaran akong malapatan ng lunas habang iniinda ko ang sakit dulot ng pagkaka-aksidente ko kani-kanina lamang.

Habang nasa ganoon akong kalagayan, sumagi bigla sa isip ko ang Gf kong si Zaidie, humiling nga pala siya kaninang umaga ng bulaklak ng kalachuchi.

"S-sorry Zaidie ko, mukhang hindi ko na matutupad ang kahilingan mo sa'kin."

Hanggang sa tuluyan ng bumigat ang talukap ng aking mga mata.

Nagising ako dahil sa mga taong umiiyak na wari mo'y nagdadalamhati.

"H-hindi ito totoo, pakiusap sabihin niyo sa akin na isa lamang itong panaginip, Lord please sana panaginip lang ang lahat, hindi pa ako patay, ayaw ko pang mamatay."
Ang nanlulumo kong saad noong makita ko ang aking sariling katawan na nakaratay sa isang kama at wala nang buhay.

Nakita ko si Nay Arlene at Ate Faye na yumayakap sa walang buhay kong katawan habang umiiyak,
Bakas sa mukha nila ang lungkot at pagkabigla.

"A-arvin anak bakit agad mo kaming iniwan?"
ang palahaw ni nanay na nagbigay kirot sa aking dibdib,
napakasakit na makita ang magulang mo na umiiyak dahil sa iyong maagang pagkawala, para akong sinasaksak ng libo libong kutsilyo sa aking dibdib.

Narinig kong bumukas ang silid na aming kinalalagyan, napukaw agad ang aming atensiyon dito.
Isang dalagita ang pumasok sa loob ng silid, ang mahal kong si Zaidie.

Mababakasan ang pagod sa kanyang mukha at pamumula ng kanyang mga mata, senyales na kagagaling lamang nito sa pag-iyak.

Agaran itong lumapit at yumakap kay Nay Arlene at Ate Faye noong makalapit ito sa kanilang dalawa.

"N-nay Arlene, A-ate Faye, sabihin niyo sa akin na hindi ito totoo, buhay pa si Arvin, Nay! nasa eskwelahan lamang siya at nag-aabang ng kanyang masasakyan pauwi."

Agad na inalo ng aking ina at nakatatandang kapatid si Zaidie.

Noong marinig ko ang mga tinuran niyang iyon, muling lumandas ang luha sa aking mga mata.

"Mahal kung alam mo lang hindi ko ginusto ang lahat, nandito lamang ako."

Ngunit alam kong hindi niya iyon naririnig, sinubukan ko silang yakapin subalit tumagos lamang ang aking katawan.

Ang sakit, sobrang sakit.
Hindi ko aakalaing sa isang iglap hahantong sa ganito ang lahat.

Nakita kong ilang beses na nahimatay si nanay dahil sa walang tigil niyang pag luha, kinailangan pa niyang turukan ng gamot na pampatulog upang siya ay kumalma.

Nilapitan ko si Zaidie, kahit na hindi niya ako nakikita o naririnig, nais ko pa rin na makasama ang babaeng pinakamamahal ko.

"A-arvin, 'di ba bibigyan mo pa ako ng bulaklak ng kalachuchi? 'di ba nangako tayo sa isa't-isa na walang iwanan?"

"Mahal ko, hindi naman kita iiwan, kahit mawala man ang katawang lupa ko'y kasa-kasama mo pa rin ako."

Sa ikalawang pagkakataon, bumukas muli ang pintuan ng silid na aming kinalalagyan.
Pumasok ang isang nars na hingal na hingal, tila galing ito sa pagtakbo para lang makarating sa silid na ito.

May ibinigay siya kay Zaidie na isang Ziplock na lalagyanan.
"M-miss *hinihingal habang nagsasalita* ito nga pala ang gamit ng pasyente."

Agad na tinanggap ito ni Zaidie at nagpasalamat siya rito, kaagad namang lumisan ang nars matapos na maibigay kay Zaidie ang kanyang pakay.

Pinakatitigan niya ang bagay na laman ng sisidlan na iyon, nang mapagtanto niya kung ano ang nilalaman ng sisidlan ay kaagad niya itong niyakap ng sobrang higpit, kasabay ng walang tigil na pag tulo ng luha mula sa kaniyang mga mata.

Mabilis na lumipas ang mga araw, ngayong araw na ang huling araw upang ako'y kanilang ihatid na sa aking huling hantungan.

Nakita ko sa lugar na aming kinalalagyan ang aking mga kamag-aral, ang aking mga naging guro, mga kaibigan at mga kakilala ko, sina Nay Arlene, Ate Faye, at, ang pinakamamahal kong si Zaidie, tulala pa rin ito at hindi makausap ng maayos, palaging nag-iisa at malaki rin ang pinagbago ng kaniyang pisikal na anyo dulot ng hindi pagkain ng maayos, at kakulangan sa pagtulog.

Naaawa ako sa kanya at nasasaktan rin ako sapagkat kung hindi ako nawala ng maaga ay hindi sana magiging ganito ka-komplikado ang lahat.

Napuno ng paghihinagpis ang himlayang aming kinalalagyan, habang kanya kanya silang naglalagay ng mga bulaklak sa ibabaw ng aking ataul.

Ngunit ang mas nakapukaw ng aking atensyon ay ang bulaklak ng kalachuchi na nilagay ng aking pinakamamahal na si Zaidie.

Pagak akong natawa habang lumuluha,
"Ako sana ang magbibigay sayo ng bulaklak na iyan eh."
Saad ko habang unti unti nang sinasarado ang hukay sa aking magiging himlayan.

----- Wakas -----

Ps. Totoong tao talaga 'yong mga characters dito (except kay Arvin)

Salamat sa pagbabasa!

KalachuchiOù les histoires vivent. Découvrez maintenant