Maririnig ang palakpakan mula sa mga manunuod nang matapos ng isang grupo ng mga estudyante ang kanilang pagkanta sa entablado.

"Meron po bang gustong mag-volunteer diyan? Baka may gustong mag-alay riyan ng kanta sa kanilang napupusuan," tanong ng estudyante na nakatayo sa entablado, habang nangingiti itong pinagmamasdan ang mga manunuod.

Agad na itinaas ni Sunghoon ang kamay niya. Napalingon naman si Sunoo sa kanya na katabi niya sa isa sa mga upuan sa rest area.

"Kakanta ka?" hindi makapaniwalang tanong ni Sunoo.

"Hmm," pagsang-ayon ni Sunghoon. "Watch me," pag-ngisi niya.

Natawa na lamang si Sunoo habang naglalakad na patungo sa entablado si Sunghoon.

Nang makarating na si Sunghoon sa entablado ay agad niyang binulungan ang naggigitara sa gilid. Tumango ito sa kanya at saka na tumayo na si Sunghoon sa tapat ng mikropono.

"Baka gusto mong magpakilala. Mukhang maraming gustong malaman ang pangalan mo," saad ng estudyante na naghu-host sa busking, habang nakatingin sa mga tao sa rest area na nakatuon ang mga mata kay Sunghoon.

Napaubo nang mahina si Sunghoon. "Hello, I'm Park Sunghoon," pakilala niya.

Maririnig naman ang pagtili nang karamihan sa paligid. Napangisi lamang si Sunoo sa nakikita. He felt so proud seeing Sunghoon on the stage.

"So, Park Sunghoon-ssi, may pag-aalayan ka ba ng kanta?" usisa ng host.

"Hmmm..." huni ni Sunghoon at saka na dumeretso ng tingin sa kinauupuan ni Sunoo. "Ne."

Muling nagtilian ang mga nanunuod na para bang sila ang pag-aalayan ni Sunghoon ng kanta.

"Then the stage is yours, Park Sunghoon-ssi," aniya ng host at saka na iniwan sa entablado si Sunghoon.

Napahawak nang mahigpit si Sunghoon sa mikropono habang nakatuon ang mga mata niya sa lupa. He isn't the type to do this, but he felt like he had to. Kinakabahan man siya pero nandito na siya e. Ipinalagay na lang niya na si Sunoo lamang ang taong nasa harapan niya at wala ng iba.

Nang magsimula nang tumugtog ang gitara ay napalunok siya at saka na dumeretsong muli ng tingin kay Sunoo.

"You're my sunshine in the rain," panimula niya. "My Tylenol when I'm in pain, yeah. Let me tell you what you mean to me. Like a tall glass of lemonade. When it's burning hot on summer days. You're exactly what I need."

"You're soothing like the ocean rushing on the sand. You take care of me baby. You help me be a better man. You're so beautiful—" pagpikit niya. "—sometimes I stop to close my eyes. You're exactly what I need."

Dinilat niyang muli ang mga mata niya at saka na napatingin ulit kay Sunoo.

"You're my smile when I'm feeling blue. You're my good night sleep when my day is through, yeah. Let me tell you what you mean to me. You're kinda like this—" Ngumiti si Sunghoon at saka na nagtilian ang mga nanunuod.

Halos umeskapo naman ang puso ni Sunoo. The only thing that has been running through his mind is why he feels like Sunghoon is serenading him. Ayaw niyang magdelusyon pero iyon ang nararamdaman niya. The way Sunghoon stares is like he's talking to him directly.

"—Kinda like the feeling after your first kiss. Except that everyday you make me feel like this. You're exactly what I need. Oh yeah."

"You're soothing like the ocean rushing on the sand. You take care of me baby. You help me be a better man. You're so beautiful—" Pumikit muli si Sunghoon habang nagpa-palseto. "—sometimes I stop to close my eyes. You're exactly what I need."

Dumilat siyang muli at tinitigan si Sunoo. "You're exactly what I need."

Nagpalakpakan ang lahat ng mga manunuod sa rest area. Babalikan na sana ni Sunghoon si Sunoo pero hinarangan siya nang maraming estudyante. Ang iba sa kanila ay hininihingi ang numero niya at ang iba ay itinatanong kung sino ang kinakantahan niya. Hindi na niya makita ang kinaroroonan ni Sunoo dahil sa mga nagkumpulang estudyante.

Matapos ang ilang minutong pagpupumilit ni Sunghoon na makalayo roon ay agad siyang nagtungo sa pwesto nila ni Sunoo kanina, ngunit wala na siya roon.

He looked for him everywhere in the rest area, but he wasn't in sight.

"Jay-ah, nakita mo ba si Sunoo?" paglapit ni Sunghoon kay Jay na nakasalubong niya.

"Ah, nakita kong pumunta ro—" Ituturo na sana ni Jay pero mas mabilis pang makaalis si Sunghoon bago niya pa maituro. "Thank you, Jay," bulong na lamang niya sa sarili.

Mabilis namang nahanap ni Sunghoon si Sunoo na ngayo'y naglalakad pababa sa dahilig na daan.

"Sunoo-ya!" pagtawag ni Sunghoon at saka na pinuntahan si Sunoo na napahinto sa paglalakad. "'Bat ka umalis?" paghawak niya sa kamay ni Sunoo.

Napatingin si Sunoo sa kamay nilang dalawa at saka na napakunot ang noo niya. Hinarap niya si Sunghoon.

"Hyung, are you playing with my feelings?" seryosong tanong ni Sunoo.

"Ha? H-Hindi," sagot ni Sunghoon. "Why would I do that?"

"Then... Why are you doing all these things? Why are you always holding my hand? Why are you kept on doing things that actually make me think that you like me? At 'yong kanina... Why do you make me feel like you're singing for me? If you're not toying with me, then what? Do you like me?" siphayo ni Sunoo.

He feels frustrated. But the truth is, it wasn't because of how Sunghoon treats him. What frustrates him is that his actions are making him confused—making him doubt his feelings for Heeseung.

Iyong pakiramdam na para siyang namamangka sa dalawang ilog.

Napabuka ang bibig ni Sunghoon. He suddenly felt nervous. Even if he thinks sometimes that Sunoo could have actually started liking him too, he still doesn't have confidence that he could take Heeseung's place.

Pero hindi niya na ito pwedeng itanggi pa. After all, he sang earlier with the thought of confessing too. Thou, this isn't what he imagined to happen.

"Yes. I like you, Sunoo," pag-amin ni Sunghoon.

Natigilan si Sunoo. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. "You're... You're lying," aniya.

Hihilahin na sana niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Sunghoon pero hinawakan ni Sunghoon nang mahigpit ang kamay niya.

"I'm not," sagot ni Sunghoon. "I liked you from the very first day I set my eyes on you in the house. I enrolled in Chilbo because of you. I hold your hand, hug you, talk to you, and follow you. Everything was because I liked you. Because I have come to like you that much, Sunoo-yah."

Napabuka ang bibig ni Sunoo. Hindi siya makapagsalita sa pag-amin ni Sunghoon. It makes him happy but at the same time, he could not bring himself to answer back. How could he like Sunghoon while liking Heeseung?

Napalunok si Sunghoon. "I will use my wish," aniya.

Hindi sumagot si Sunoo. Hindi magkamayaw ang mga mata niya habang tinitignan si Sunghoon.

"Can I be your boyfriend, Sunoo-ya?"

Tila manunuyo ang mga labi ni Sunoo. Paano niya sasagutin si Sunghoon kung hindi nga niya alam sa sarili niya kung sino pa ba ang gusto niya?

Bumitaw siya sa pagkakahawak ni Sunghoon. "Don't waste your wish like that, hyung," aniya. "I told you, I will grant anything as long as I can do it."

Umatras si Sunoo mula kay Sunghoon.

"I'm sorry," dagdag ni Sunoo at saka na naglakad siya palayo mula kay Sunghoon.

Tinitigan lang ni Sunghoon ang likuran ni Sunoo habang unti-unti itong lumalayo sa paningin niya. He expected this much, yet it hurts to be rejected.


☘☘☘


Song Title featured in the chapter: Lemonade

Singer:
Jeremy Passion

Let Me In (SunSun AU)Where stories live. Discover now