I know you know this song, baby

From way, way back

So if you all know the song

You know what, you better sing along,
Alright?”

Kumembot si Lileth at pwersang tinanggal ang braso ko sa bewang niya para makagalaw.

“Ako'y nasa Malate, alas siete ng gabi

Nakilala ko tuloy itong magandang babae

Na nakabibighani sa aking mga mata

Ang 'di ko lang alam ay manloloko lang pala!”

Nagtuloy tuloy sila sa pagkanta hanggang sa makarating na kami sa bahay nila.

“When the night has come

Ah-yeah, at pinatay ang ilaw”

“Oh, madalas (Oh, madalas)” umungol si Peto.

“Lumalabas (Lumalabas)

Banyo queen!”

Nang makapasok kami sa bahay nina Lileth ay inangkat ko na rin siya diretso sa kwarto niyang may mga baril at kung ano ano pang armas.

“I'M THE BANYO QUEEN, BEYBE!” sigaw ni Lileth pagkatapos ko siyang ihiga sa kama niya.

Si Peto ang huli naming inihatid. Pinagalitan pa nga siya ng Mama niya kasi raw bulb*lin na siya tapos puro pa siya sakit sa ulo sa Mama niya pero kahit gano'n ramdam kong mahal na mahal niya ang anak niya.

Ako naman ang inihatid ni Botchok dahil bangag na rin ako at baka ako naman mangtrip sa kaniya. “Ma!”

Malakas akong kumatok sa bahay. Inulit-ulit ko ito hanggang sa magbukas na ang pinto. Sumalubong sa'kin ang bunganga ng shotgun ni Mama.

“Mangangaroling ako, 'Te!”

Tinaas ko ang dalawang kamay at winagayway ang mga ito. Sinabihan ko na rin si Botchok na iwan niya na lang ako, kahit nag-aalinlangan siya kanina iniwan niya pa rin ako.

“Anong 'mangangaroling' ka e tapos na pasko! Simula na ng 2024! Pangit pa nga boses mo.” nagkunwari akong nasaktan sa sinabi niya at napaupo ako sa basahan na nakalagay sa tapat ng bahay namin na may nakalagay.

“Ang pumasok ng walang permisyo, dadaan sa shot gun ko.”

Si Mama naglagay n'yan. hahahahahahahahahahhahaha! Sobrang ganda ko pala?

“Tara na, Alli! 'Wag mong niyayakap ang basahan punyemas ka!”

Hindi ko namalayan na niyayakap ko na ang basahan ni Mama. Bigla akong umiyak ng napakalakas, pati mga kapitbahay namin maririnig 'yon.

“PUTANGINANG BUNGANGA 'YAN! PATIHIMIKIN NIYO NGA 'YANG ALAGA NIYO!”

“ANG INGAY!”

“Gabi na pero bakit may nagkakatay pa ng baboy diyan?!”

“Isa, Alli! Kapag hindi ka umakyat sa kwarto mo at hindi mo tinigil 'yang pag-iyak mo, pupunitin ko ang bente pesos mo!”

Agad akong napatahimik saka tumakbo na kasing bilis ni Flash. Ayon na nga lang ang pera ko tapos pupunitin niya pa?! Para niya akong ginutom ng ilang minuto!

Naglinis na ako at nagsipilyo, syempre nagganda-gandahan din ako sa salamin. Wala akong pake sa sasabihin nila sa akin kasi alam kong hindi dapat ako makinig sa kanila kundi kailangan kong makinig sa sarili ko.

Kinabukasan

Nagbibihis na ako para pumunta sa AKG Company dahil ako ang magandang napili ng boss nila. Kapag nagkapera na ako ulit bibili ako ng mga make up kasi para kapag may biglaan na okasyon o kaya birthday ni Mama kasi sabi niya bibigyan niya ako ng limang daan kapag naging maganda ako sa paningin niya.

Nagpaalam na ako kay Mama at hinalikan siya sa pisngi. Natawa pa nga ako kasi mukha siyang nandiri sa ginawa ko. Sinabi ko na rin sa kaniya na may trabaho na ako, tuwang tuwa siya kasi hindi na daw ako pabigat.

“Sakay na! Sakay na! Lima pa!”

Sasakay na sana ako nang makita kong nagsisiksikan na sila sa jeep. Umatras ako nakita kong napatigil ang driver nang kalampagin ko ang jeep niya.

“Mamamatay na mga pasahero mo, bawasan mo naman hindi sila lahat kakasya sa langit!” sigaw ko nakita ko namang natigilan ang Manong kaya pinasabit niya ang iba.

Baliw!

Lumipat na ako sa ibang jeep na wala pang sakay. Nang mapuno na ang jeep at walang siksikan, akmang sisigaw ang tsuper ay hinila ko na siya sa kwelyo. Nasa dulo kasi ako kaya ayon aksidente kong nahila kwelyo niya.

“Kapag nagdagdag ka pa, papasabugin ko gulong ng jeep mo kasama na ulo mo.”

Umiling iling ito at pinaandar na ang jeep. Napalingon ako sa mga nakasakay nakita kong nakatingin sila sa akin.

“Ang cool mo po!” sabi nong batang lalaki at sumntok suntok pa sa hangin.

“Hindi ako malamig, bata.” pagtapos kong sabihin iyon ay mahina rin akong natawa dahil sa joke ko.

Ang bantot talaga ng humor ko PESTE!

“Para!”

Maraming bumaba sumabay na lang din ako at nahagip ng mata ko ang matayog na building na may nakasulat sa taas na 'AKG COMPANY'

“Ang tayog, tiba tiba ako nito.”

Nagsimula na akong maglakad papasok sa loob ng building nang may nagbunggo sa akin.

PUNYETA!

“ANO BA?! SINO KA BA?! HINDI KA TUMITINGIN SA DINADAANAN MO!”

“Who? Me? I don't know that there are still people who really don't know me yet! I'm annoyed at the same time I feel sorry for you!”

Maybe We Weren't Meant to be EnemiesWhere stories live. Discover now