CHAPTER 14

1.4K 33 2
                                    

Naglalakad ako sa labas ng building namin, hawak ko pa ang notebook ko dahil ngayon ang midterm para sa 2nd sem, nakita ko ang message ni Lanie na pinapa-akyat na ako dahil malapit na ang Professor namin kaya lumalaki na ang hakbang ko, napatingin ako sa phone ko ng biglang tumunog 'yon at nakita ko ang pangalan ni Chanel na tumatawag.


Sinagot ko agad, akala ko ba nagpa-practice siya para sa pageant. "May exam pa kami—"


"We need to see Abia now," putol niya sa sasabihin ko. "Her Manang just called, Fhate is..dead, she needs us, where are you?"


Biglang akong natigil sa paglalakad ko nang marinig ang sinabi ni Chanel. Malapit na ako sa pinto ng room namin, tumingin ako roon bago tumalikod at tumakbo pababa sa building. Mahigpit ang University pag-dating sa mga exam pero bahala na!


"Pababa na ako," sabi ko sa telepono bago ibaba 'yon, mabilis akong tumakbo.


Hindi agad naging malinaw sa akin ang sinabi ni Chanel pero nagawa kong umalis ng School, ginusto ko agad pumunta kay Abia para maka-sama siya, sinundo ako ni Chanel sa gate at pinaliwanag ang nangyari. Knowing Abia, she would rather face this problem alone than giving us a hard time worrying about her but she needs us and I would cancel anything for her.


Pumunta kami sa isang Chapel at doon ko nakita si Abia, mag-isa siya sa harapan at naka-ayos na ang lahat ng upuan, nakita ko rin ang ibang kasambahay nila na nag-aayos. Mabilis kaming lumapit sa kanya, ang yakapin niya ang una kong naisip gawin.


Hindi kami umalis sa tabi niya buong gabi, nakita ko rin ang chat ni Lanie kung bakit hindi ako nag-take ng exam kanina, nag-aalala siya dahil malaking problema 'yon pero hindi ko muna inisip susubukan ko na lang mag-explain sa ibang Professor namin. Si Chanel ay hindi umattend sa pageant niya dahil mas ginusto na pumunta rito.


"Brey," lumabas ako saglit kanina dahil tumawag si Niko pero biglang na lowbat ang phone ko, nakita ko si East. "Rylen is now with our Lola."


Kaming dalawa lang ang nasa labas habang nasa loob ang ibang kaklase ni Fhate. Si Chanel naman ay katabi si Abia sa loob.


"How's your Lola? sinabi sa akin ni Rylen na ilang beses na siyang na-hospital ngayong buwan."


Hindi na ako nagulat nang kausapin ako ni East. Rylen told me that East already knew about us at hindi naman ako nag-reklamo even though we already talked that we will keep everything in private, East is his family.


"She's fine..right now, I told him that you're here and he's asking about you he's worried because you didn't answer his calls," seryosong sabi nito, seryoso naman talaga siya palagi.


Pinakita ko ang phone ko. "Low battery kamo kaya hindi ko masasagot, huwag kamo siya mag-alala okay lang ako."


"I will tell him," tumango siya at akmang tatalikod na.


"Alam ba ni Abia na nasa hospital ang Lola niyo?"


He stopped and shook his head. "Nag-aalala lang siya lalo, I want her to focus on her sister first, let's not give her a hard time."

Loving the Rejection (Psychology Series #2)Where stories live. Discover now