CHAPTER 11

1.4K 26 2
                                    

It's been one week since the last time I talked to Rylen. Ang huling message niya sa akin ay nasa New York siya at may inaasikaso, ginagawa niya lang namang kapitbahay ang ibang bansa madalas may mga importante siyang ginagawa. Nahihiya pa rin ako noong nakita niya akong lasing ang sabi sa akin ni Tita Sarah ay si Rylen ang nag-uwi sa akin.


Of course I still remember it! lasing ako pero minsan ay naa-alala ko ang ibang nagawa ko at yon ang dahilan kung bakit nahihiya akong makita siya ngayon sa personal mabuti na nga lang hindi ko siya nasukahan kung hindi never na akong magpapakita sa kanya.


"Maraming salamat po sa tulong na binigay niyo, Senator," sabi ng matandang babae.


Sinama niya ako sa lugar na napili niyang bigyan ng tulong. Hindi naman talaga ako sumama para sa kanya kung hindi para kay Tita Sarah, nasa labas stage kami ng isang Elemtary School at nagbibigay ng limang kilong bigas, mga delata at limang daang piso sa bawat tao.


Pera ni Daddy ang ginagastos niya para sa mga ganito pero alam ko naman na kinukuha niya lang ang loob ng ibang tao. Habang nagbibigay kami ay may mga photographer kaming kasama at panay ang kuha ng litatro.


"Maliit na bagay lang ang ginagawa ko, masaya ang puso ko sa tuwing nakakabigay ako ng maliit na tulong," narinig kong sagot niya sa isang matanda.


Nasa tabi ko si Niko at narinig ko ang mahinang tawa niya sa narinig. Nagka-tinginan kami at pinipigilang hindi matawa.


"Ang bait talaga ng Tatay mo," mahinang sabi niya sa akin.


"Syempre, may camera ano ka ba," sagot ko at tumingin sa mga camera na nakikita ko, ipopost na naman 'to at pupuriin ang Tatay namin.


"Scripted pero sana pogi ako sa mga pictures 'yung last time epic ako."


May sariling page ang Tatay namin pero hindi siya ang gumagamit non, madalas doon nilalagay ang mga litrato namin, ang ganda kaya ng mga kuha sa akin pero lagi akong naka-simangot kaya pag-uwi ay galit na naman siya sa akin.


"Maraming salamat po, Miss," ngumiti sa akin ang babaeng may hawak na sanggol.


"Ilang buwan na po ang baby niyo?" biglang tanong ko.


"Anim na buwan na po ngayon kaya nga po nagpapa-salamat kami at may makakain kami dahil kay Senator," inayos niya ang pagbuhat sa anak.


Nagtaka ako dahil sobrang liit at payat ng bata kaya akala ko ay nasa isang buwan pa lang o kaka-silang lang. Nakakapag-taka ang mga bata sa lugar na 'to, hindi lang naman siya ang magulang na may kasamang anak halos karamihan ay kasama ang mga anak nila at isa lang ang mga katawan nito, hindi malulusog. Hindi ba dapat ito ang pinagtutuunan ng pansin ng Tatay ko?


"Ingat po kayo," tipid akong ngumiti at tumalikod na siya.


Si Tita Sarah ay nag-aabot ng mga bag kay Niko, ang dalawang bodyguard ay nasa gilid lang habang may iba ring mga bantay.


Loving the Rejection (Psychology Series #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant