Naglalakad naman si Sunoo habang panay ang sulyap niya sa kanyang cellphone. Mapapatingin siya rito at saka na mapapailing. Muli niya itong titignan at saka muling ilalayo sa paningin niya.

"Should I text him?"

"Wae?"

"Ano namang sasabihin ko? Sorry kung hindi kita pinansin kanina?"

"Wae? Bakit ako magpapaliwanag?"

Napahinga nang malalim si Sunoo habang kinakausap ang sarili. Hindi na nga niya napapansin na pinagtitinginan na siya nang mga nadadaanan niya.

Muli siyang napatingin sa cellphone niya at saka na nagsimulang mag-type sa huling conversation nila ni Sunghoon. "Nakauwi na ba ka—"

"Sunoo-ya."

Agad na napalingon si Sunoo. "Heeseung hyung!"

Ngumiti si Heeseung at saka na napatingin sa hawak na cellphone ni Sunoo. Mabilis namang ibinalik ni Sunoo ito sa loob ng bulsa ng kanyang pantalon.

"Pauwi ka na, hyung?" tanong ni Sunoo.

Binaling muli ni Heeseung ang tingin niya kay Sunoo. "Hmmm," tango niya. "Ikaw? Mukhang may pinuntahan ka yata?" usisa niya.

"Ahhh," napakamot sa leeg si Sunoo. "Nakipagkita lang ako sa hoobae ko sa choir."

"Hmmm," pagtango ni Heeseung.

Pero alam niya sa sarili niya na may itinatago si Sunoo. He just doesn't want to pry on it.

"Kumusta nga pala sa Student Council? Balita ko malapit na ang Community day. Siguradong busy na naman kayo," pag-iba na lamang ni Heeseung nang usapan.

Napaimpis ang mga labi ni Sunoo. "Hmmm... Medyo busy. Maraming kailangan asikasuhin lalo na at activity siya sa labas ng school."

Napatango si Heeseung. "Gusto ko mang sumama sa Community Day pero may monthly evaluation kasi kami no'n. I wish I could help you with something else," aniya.

"Hmmm," huni ni Sunoo habang nag-iisip. "How about this Monday, hyung?" aniya at saka na napatingin kay Heeseung. "May teacher's conference sa Monday kaya half day lang ang klase no'n. After class kasi, pupunta ako sa Jaman Village para mag-survey at para kausapin na rin iyong community head na doon balak ganapin ng Chilbo Highschool ang community service. Kung gusto mo, hyung, pwede mo akong samahan. Kung may time ka."

Napayuko nang bahagya si Heeseung at saka na nag-isip nang sandali.

"Sige," aniya at saka na napatingin kay Sunoo. "Papasok na lang ako nang maaga sa training para makapag-out ako agad."

"Sure ka, hyung?"

"Hmm," pagtango ni Heeseung. "Basta ikaw," ngiti niya at saka na marahang hinawakan ang ulo ni Sunoo.

Ngumiti rin si Sunoo at saka na napahinto sa paglalakad. Napalingon siya sa likuran.

"Wae?" pagtataka ni Heeseung at saka na napalingon din.

Pinagmasdan ni Sunoo ang paligid pero wala siyang makitang tao. He thought he saw a glimpse of someone while looking at Heeseung.

"W-Wala, hyung," sagot na lamang niya at saka na napaharap muli sa nilalakaran nila.

Nang naglakad nang muli sina Sunoo at Heeseung ay agad na lumabas si Sunghoon mula sa likod ng malaking poste na tinaguan niya.



🍀🍀🍀



Mabilis na tumungo ang katawan ni Heeseung, pagkapasok niya sa opisina ng HYBE CEO.

"Maupo ka, Heeseung," utos ng CEO na nakaupo sa silya nito.

Agad na nagtungo si Heeseung sa kanang upuan na nasa harapan ng lamesa ng CEO at umupo roon.

"Alam mo ba kung bakit pinatawag kita?" tanong ng CEO pagkaupo ni Heeseung.

Umiling nang bahagya si Heeseung. "Hindi po."

Napasandal ang CEO sa kinauupan niya. "It is because we are already planning for your debut," aniya.

Napabuka ang bibig ni Heeseung. "Talaga po?" natutuwang saad niya.

"Hmm," pagtango ng CEO. "You are more than prepared already. Wala nang kailangan pang i-improve sa 'yo. You are already perfect," papuri niya.

Napangiti nang malawak si Heeseung. "Kamsahamnida, hwe-jang-nim. Makaaasa po kayo sa 'kin. Hindi ko po kayo bibiguin."

Tumango naman ang CEO. "Alam ko naman iyon. May tiwala ako sa 'yo, Heeseung. Kaya lang—" May kinuha ang CEO sa loob ng dibuhante at saka na nilapag ito sa lamesa. "—hindi pu-pwede ito kung gusto mong walang maging problema sa debut mo."

Napatingin si Heeseung sa litrato na nilapag ng CEO sa lamesa. Agad niyang naramdaman ang panlalamig ng kanyang mga paa pati na rin ang panginginig ng kanyang mga tuhod habang nakatingin sa mga larawan nila ni Sunoo.

"I've been in this industry for years. Marami ng idols ang dumaan sa akin. Marami ng scandals, issues, and controversies ang na-deny ko. Totoo man iyon o hindi."

Inilapag ng CEO ang kanang kamay niya sa litrato at saka na dinutdot ang hintuturo niya sa litrato ni Heeseung na nakangiti, habang inilalagay nito ang fox keychain na hawak nito sa kamay ni Sunoo.

"I know instantly what this is, even without your confirmation, Heeseung," seryosong dagdag ng CEO.

Napalunok si Heeseung habang hindi magkamayaw ang mga mata niya. Hindi siya makatingin sa CEO at halos hindi na niya maalis ang mga mata niya sa litrato.

The only reason he could not confess to Sunoo was because he's afraid to be caught. While he likes Sunoo so much, he doesn't want this to be a reason for him not to debut. After all, his dream was to be an idol, even before he met Sunoo.

"Kung gusto mong mag-debut, Heeseung. Itigil mo na kung ano man ang ginagawa mo, bago pa maging hadlang sa career mo," babala ng CEO. "You could meet a lot of better ones after years, but not this time. Kung gusto mo pa ring ituloy. Do not get caught. Kasi hindi lang career mo ang mapapahamak dito, pero pati na rin ang ordinaryong buhay niya," dagdag ng CEO at saka na dinutdot sa hintuturo ang mukha ni Sunoo sa litrato.

Hindi na nakapagsalita si Heeseung.

Nang makalabas na siya mula sa silid ng CEO ay mabilis na bumigay ang mga tuhod niya. Napasandal siya sa pader at saka na napaupo sa sahig.

Habang nakatulala siya sa kawalan ay narinig niya ang tunog na nagmumula sa kanyang cellphone. Malamya niya itong inilabas mula sa bulsa ng kanyang pantalon at saka na napatingin sa pangalan ng tumatawag. Tinitigan niya muna ito nang matagal, bago siya nagpasyang sagutin ito.

"Hello, Sunoo," sagot niya.

"Hyung, nandito na ako sa labas ng building niyo," saad ni Sunoo sa kabilang linya.

Napayuko si Heeseung. Hindi siya makapagsalita.

"Hyung? May ginagawa ka pa ba? Maghihintay na lang ako sa malapit na ca—"

"Sunoo-ya," putol ni Heeseung kay Sunoo. "I'm sorry, pero wala pala akong oras para samahan ka," pagdadahilan niya.

"Ahhh gano'n ba, hyung? Ayos lang. Naiintindihan ko naman."

Inihiga ni Heeseung ang ulo niya sa mga tuhod niya. "Sige na, Sunoo. May gagawin pa ako."

"Arasseo, hyung. Kalke."

"Hmmm..."

Inilapag ni Heeseung ang cellphone niya sa sahig at saka na napapikit nang mariin.

Let Me In (SunSun AU)Where stories live. Discover now