"Rylen is here, he wants to help us," lumapit si Daddy sa akin. "Nasa labas siya sunduin mo at bumalik agad kayo dito."


Nagulat ako pero agad akong kumilos. Naka-uwi na siya? I thought sa tuesday pa ang uwi niya. I went outside and waited for him, siya naman ang lalapit kapag nakita ako. Wala pang ilang minuto ay nakita ko na siya agad.


Instead of greeting him I felt shy, I wanted to covered my face because of what I did the last time we talked. Ngumiti siya ng tipid sa akin at mukhang may hinihintay.


"Let's go," sabi ko at naunang tumalikod.


Malaki rin ang school na 'to. Walang mga students dahil linggo, naglalakad kaming dalawa at pansin ko na naka-tingin siya sa akin habang naka-sunod at nasa likod ang dalawang kamay.


"Kailan ka pa umuwi?"


"1 hour ago, I was at the airport when my Dad told me that your father is here, giving relief goods. How good of him, is he sincere?"


Tumingin ako sa kanya. "Oo naman, may camera, eh, kung walang camera todo alcohol 'yan ng kamay akala mo naman ikamamatay ang pag-shake hands mas nakakamatay nga siya kasama araw-araw."

I heard him laughed a little. "You really hate your father, huh?"


"Hindi kaya, ayaw ko lang talaga sa ugali niya," sagot ko. "Tita Sarah asked me to be here and support my father so in short I'm not here for him ayaw ko lang malungkot si Tita."


"I don't hate your father but I also don't like him and I didn't come her for him, Dad said you're here."


Naglalakad kami at medyo malapit na sa stage, halatang kakagaling niya lang sa airport amoy na amoy pa eh.


"Eh, bakit ka nandito? pa-pogi points sa tatay ko? bakit hindi na lang siya ang pakasalan mo," seryosong sabi ko.


"What?" he looked disgusted. "Why would I marry a greedy and plastic Senator?"


"Sus, pero nag-ooffer ka ng kasal sa anak niya," umirap ako.


"I already told you my reason, I'm helping my father and you're not your father, you're nothing like him and marrying you is not a big problem..I hope so."


Tumingin ulit ako at sumingkit ang mata. "Big problem pa rin dahil 80% pa lang na pumapayag ako at may 20% pang hindi, 'yon ang problemahin mo."


Ngumiti ako nang maloko sa kanya bago magpakita kila Niko. Nakita ko siyang hindi makapaniwala ang titig sa akin hanggang sa lapitan siya ng Tatay ko at batiin, ngumingiti lang siya ng tipid pero alam kong ayaw niyang makipag-socialize.


"Matino kaya 'yung Senator na Daddy ni Kuya Rylen?" tanong ni Niko.


"Aba malay ko, itanong mo," mabilis na sagot ko, tutal mukhang close na sila.


"Ayaw ko," ngumuso siya. "Baka sabihin niya iniisip kong corrupt ang Daddy niya narinig ko kasi sila Mommy noong nakaraan ang sabi niya sobrang yaman daw ng pamilya ni Kuya Rylen pero ang Tatay niya lang naman ang politician sa Pamilya, parang imposible."

Loving the Rejection (Psychology Series #2)Where stories live. Discover now