"He cares for Seya."

Sandaling sinulyapan ni Dr. Ariq ang kapatid ko na tumitingin-tingin lang sa gawi namin. Nang ngumiti sa akin si Seya ay gumanti rin ako ng ngiti sa kaniya.

"And... for you."

Hindi ko inaasahan ang pagtukoy niya sa akin.

"S-Sa akin, po?"

Tumango siya.

"Hindi mo ba type ang kapatid ko? single naman 'yon saka bagay kayo. Parang type ka rin naman niya. Sana magkatuluyan kayo kasi mabait ka. Bahagian mo siya ng kabaitan, ha? para mabawasan na rin ang kasungitan."

Napasinghap ako sa sinabi niya sa akin.

"A-Ay hindi po! s-si Lianna po ang mahal ni T-Thauce. Hindi po niya ako type. Nagkakamali po kayo doon. H-hindi po..."

Ang bilis ng tibok ng puso ko! nararamdaman ko rin ang aking sikmura na parang pinipilipit. Ano ba itong kapatid ni Thauce?

Tinitigan niya ako ng kakaiba.

"Ooh, so alam mo rin pala na si Lianna ang mahal ni Arzen?"

Doon na ako napatigil. Nang mapansin ni Dr. Ariq ang aking dahan-dahan na pagyuko ay hinawakan niya ako sa aking balikat at tumawa siya.

Pinagti-tripan niya ba ako?

"I will go now. Let's talk some other time. Siguro iyong hindi na dito sa ospital. Ang dami kong gustong malaman tungkol sa 'yo," sabi nito sa akin at nang tumigin ako sa kaniya ay naroon na naman ang malapad niyang ngiti.

"S-Sige po, Dr. Ariq. Maraming salamat po ulit."

Yumuko ako sa kaniya. Bumaling naman siya kay Seya.

"Bye, Seya!" pagpapaalam niya sa aking kapatid.

At nang ibalik sa akin ang mga mata ay muli akong yumuko.

"You are a great woman, Zehra."

Iyon ang nakapagpatayo sa akin ng tuwid ngunit at nang makita kong nakatalikod na si Dr. Ariq at naglakad na palabas ng silid ni Seya ay iniangat ko ang aking tingin at sinundan siya ng aking mga mata.

"No wonder why my brother was so confused and in denial right now pero sana naman ay huwag tumagal iyon."

Nagsalubong ang aking mga kilay. May mga sinabi pa siya pero hindi ko na iyon narinig pa sa hina.

Nang makalabas ng silid si Dr. Ariq ay napapitlag ako nang marinig ang malakas na boses ng aking kapatid.

"Ate! ang gwapo!!" sabi ni Seya sa akin. Napatili pa siya. Mabilis ang ginawa kong paglapit at kinurot ko siya sa kaniyang pisngi. Sabi ko na, iba iyong paghawi niya ng buhok niya kanina at pagkakautal nang batiin niya si Doc.

"Seya! ang opera mo!"

"Naku, ate! crush ko na ata si Doc! hala! ang pogi-pogi, saka grabe ang bango-bango niya!"

Sinuway ko si Seya at napailing ako. Ito talagang kapatid ko.

"Ate, mas bata ata siya kay Kuya Thauce! o baka same age? hala, ang gwapo niya, ate. Iba ang dating niya sa akin! Ang bilis ng tibok ng puso ko ate! Ibig sabihin nito ay type ko na si doc! Gusto ko na siya!"

"Seya..." umungol ako. Naiiling sa kaniyang reaksyon. Namumula pa ang kaniyang mga pisngi at mga tainga. Mukhang nagulat nga ata talaga siya sa kapatid ni Thauce.

"Ang daming mga gwapo dito sa Martini's Hospital ate na mga batang doktor pero itong si Dr. Ariq ang natypean ko. Ang gwapo naman niyang tunay! saka ang ngiti... hala, ate in love na ata ako."

Three Month AgreementΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα