SPS: CD 01

3 1 1
                                    

Melonix POV





It was a spring afternoon, when I got to see a lady, wearing her pink shirt with a small printed gumamela flower on the left part of it. Naka-side lang siya sa akin, nasa likod niya ako. Nakatingala ito, tulala siyang nakatingin sa iisang direksyon.

Hindi ko akalaing mapapako ang aking paningin sa kaniya gayong pareho lang naman namin tinitingnan ang isang puno, I don’t know what is the specific name of that tree but it holds too many greeny leaves and it seem that, it’s currently waving us, to me and to that lady, simply because of the leaves on that tree is smoothly swaying following the windy weather.

I notice a small smile on her face. Matipid munit saglit na ngiti lamang iyon at hindi ko maitatanggi sa sarili ko na parang may iba sa ngiti niya. I’m not sure if dahil lang ba iyon sa angle kung saan ko siya tinitingnan ngayon or dahil mayroon talagang epekto sa akin ’yung ngiti na nakita ko mula sa kaniya.

From there, our eyes accidentally met.

Naabutan niyang nakatitig ako sa kaniya and from that moment, I saw how she choose to turn away and silently shed her tears. Sabi na e, may something talaga sa ngiti niya.

Tuluyan na ngang naglakad palayo sa puwesto ko ang babaeng iyon. I felt like I need to talk with her. But the another part of me, telling me that I should not be the one to comfort her, because I am just a mere stranger for her.

Sino ba naman ako, ’di ba?

Huminga ako nang malalim at pinili na ring maglakad sa ibang direksyon, I choose to go sa dating building kung saan ako nag-aral ng elementary. Walking distance lang naman siya so, naglakad ako habang nasa bulsa ang mga kamay ko. I silently watched the streets that I walk through.

But guess what?

I saw her again.

I don’t know why but yeah, unlike kanina, malayo kami sa isa’t isa. . . ngayon naman, sobrang lapit namin like ilang metro na lang iyong layo niya mula sa akin.

Should I go and do approach her?

But what if—

Bago pa ako makapag-isip ng pipiliin kong desisyon, nag-green light na ang stoplight na pareho naming tiningnan noong tumunog ito.

Napalunok na lamang ako at piniling manahimik. Sumunod ako sa kaniya patawid sa kanilang street. Nandoon kasi iyong pupuntahan ko.

Napansin ko ulit ang pagiging tulala niya at ewan ko ba. Bakit ba apektadong-apektado ako sa kaniya e, hindi naman kami close at mas lalo hindi kami magkakilala.

But she do reflects someone important to me.

Instead of going to my former school, I choose to go behind her. Pinili kong sundan siya sa layong hindi niya mapapansin na may sumusunod sa kaniya.

Nag-aalala lang siguro ako dahil, may kakilala rin akong tao na kagaya niya na ganiyan din ang inaasta noon. And the results? I don’t think kakayanin ko ulit makakita ng ganoon.

Tumagal ang pagsunod ko sa kaniya ng ilang minuto. Naputol lang iyon dahil sa isang sasakyan.

Beep!

Mabilis kong kinuha ang kamay niya palayo sa isa na namang tawiran. Doon niya lang din na-realize na dapat na pala siyang huminto sa paglalakad dahil may sasakyang dadaan doon.

“Miss, are you alright?” I sincerely ask with a low voice. I make sure naman na hindi tunog barumbado ang boses ko.

“A-Ahh. . . yes, I am. Thank you,” tugon niya nang hindi tumitingin pabalik sa akin. Binitawan ko na siya at piniling tabihan ito habang naghihintay ulit ng green light para pareho kaming makatawid sa kabilang lane.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Summer Peak Series: Cantaloupe DreamsWhere stories live. Discover now