Hindi ko pinansin ang pag tayo ni arcilla sa harapan ko.

Muli akong yumuko para wag lang makita ang dalawa na nasa dance floor. Natapos na ang kanta at nakabalik na ang dalawang propesora sa table namin pero nanatili pa rin akong nakayuko dahil ayaw ko silang makita. Ayaw kong makita nya na nasasaktan ako.

Maya maya biglang may kamay na nag lahad sa harapan ko. Inangat ko ang ulo ko para tignan ang nag mamay ari ng kamay na yun at doon ko nakita si mister. Clemente na member ng basketball player.

"Pwede ba kitang masayaw magandang binibini?" Magalang na tanong nya saakin. Napuno na naman ng bulong bulongan ang buong party dahil sa lalakeng nasa harapan ko ngayon walang masc si jacobo kaya agad syang nakilala ng mga tao.

He's jacobo clemente for god sake. Sobrang random na lalapitan nya ako ng bigla bigla na lang.

"Omg nakakainggit"

"Ang swerte naman nung girl."

"Sana ako na lang sya"

"Please?"

"Go na girl. Si jacobo na yan." Mahinang bulong saakin ni megan na halatang kinikilig din dahil hindi na sya mapakali sa upuan nya.

Kilala ng lahat si jacobo dahil kasama sya sa mga hearthrob dito sa school, kaya hindi ko lubos maisip na lalapitan nya ako ng parang wala lang. I mean, sino ba naman ako kumpara sa ibang magagandang babae dito. Isa lang naman akong normal girl na hindi ko alam kung paano nya na discover.

At dahil ayaw ko namang mapahiya sya ay onte onte ko ng inangat ang kamay ko para pag bigyan sya.
Nagulat pa ako ng halikan nya ang likod ng palad ko na ikinasinghap ng marami.

"Tss." Rinig kong bulong ng babaeng nasa tabi ko kaya nilingon ko sya pero agad rin akong napaiwas ng makita ko kung gaano kasama ang tingin na binibigay nya saaming dalawa ni jacobo.

Napadpad ang tingin ko kay arcilla na kakabalik lang galing sa kung saan. Napansin ko ang kakaibang ngiti sa mga labi nya habang naka tingin kay maam axia.

"Excuse me." Pasintabi ko sa katabi ko dahil hindi ako makadaan sa sobrang sikip pero tinignan nya lang ako na parang wala lang.
Naiiling na inatras ko na lang ang upuan ko para makadaan ako.

Sabay kaming pumunta ni jacobo sa gitna ng dance floor. Sya na rin ang nag lagay ng mga kamay ko sa balikat nya bago nya nilagay sa bewang ko ang dalawang kamay nya.

"Salamat sa pag payag na maisayaw ka miss perez." Nakangiting sabi nya saakin habang sumasabay kami sa agos ng kanta.

Kilala nya ako?

How?

"Wala yun. Ako nga ang dapat na magpasalamat." Gusto ko sana mag tanong kung paano nya ako nakilala pero naisip ko na nakakahiya.

Ngumiti sya saakin.

"Ikaw? Bakit ka naman mag papasalamat? Ako ang nag yaya sayo dito."

"Andami daming may crush sayo pero ako ang napili mong isayaw. Andami daming babae ang naiinggit saakin kanina."
Tumawa sya.

"You just really cought my attention kanina habang nag lalakad ka." Sabi nya.

"Ganun? Pero bakit kilala mo na ako agad?"
Ngumiti sya.

"Because i really have my ways to know you."
Sabagay. Maraming connection ang taong ito kaya madali na lang sakanya makuha ang mga gusto nya.
"Are you single miss perez?" Tanong nya saakin. Hindi ako agad nakasagot pero kalaunan tumango rin ako sakanya.
"Good to know." Nakangiting sabi nya.
"Sana mabigyan ako ng pagkakataon na makilala ka pa ng totoo o kahit maging magkaibigan lang tayo."

"No problem mister clement-"

"Just call me jacob. I would love that."

"Okey jacob."
Ngumiti lang kami sa isat isa at di na ulit nag salita pa.
Tumingin ako sa table namin. At nakita ko si maam axia na seryosong nakatingin saamin habang may wine glass sa kamay nya at inikot ikot ang laman nitong alak.
Nag iwas sya ng tingin at maya maya tumayo ito. Sinundan ko lang sya ng tingin.

"Okey ka lang?" Tanong ng kaharap ko. Tumango lang ako sakanya saka tumingin ulit sa lugar na pinuntahan ni maam.
Parang may bumubulong saakin na sundan sya pero kahit gustohin ko mang sundan sya ay hindi ko naman pwedeng iwanan si jacob dito, kaya hinintay ko na lang na matapos ang kanta.

Hinatid ako ni jacobo sa table namin. Nagulat rin ako ng muli nyang halikan ang kamay ko. Ngumiti ako sakanya bago sya umalis.

Wala sila kenjie at megan sa upuan nila pati si maam marucci at arcilla ay wala rin sa upuan, kaya naman kinuha ko na ang purse ko bago nag lakad papunta sa pinuntahan ni maam.

••

Pa vote naman po🥹

REJECT the REJECTIONKde žijí příběhy. Začni objevovat