"S..seryoso Cai? H..huwag na I can used my other hand. Nakakakahiya naman." he tilted his head in different angle.

"It's okay. Mas mahihirapan ka, alam kong hindi ka sanay gamitin iyang left hand mo."

"Ngayon ka pa talaga mahihiya sa akin. Eh antagal na nga nating magkasama. Isa pa sinusubuan mo din naman ako noon kapag nagkakasakit ako, 'di ba?" dagdag ko pa at mahinang natawa.




------

Dahil sa kondisyon nina Kinse at Gave, pinaliban muna sila ni sir Jasper ng isang linggo sa training. Para makapagpahinga at gumaling kaagad ang mga pilay nila.

Tatlong araw pa lang na nanatili dito sa bahay si Kinse. Pero parang mamamatay na siya sa pagkayamot dahil wala daw siyang ginagawa. Paulit-ulit niyang reklamo sa akin. Nagpupumilit pa nga na pumasok pero pinipigilan ko. Minsan lang din kasi siya dalawin ni Reiss dahil nga sa lolo nito na naka-confine ngayon sa hospital. Nagsuhestiyon ako kung gusto niya bumisita sa kanila at bisitahin si Joowin pero ayaw niya dahil wala namang daw iba silang ginagawa ni Joowin kundi magkuwentuhan.

Si Gave naman walang oras na hindi ako tinatadtad ng chat, palagi ako pinapapunta sa dorm para bisitahin siya. Wala din daw siyang ginagawa kundi mahiga lang magdamag. Nahihilo na daw siya dahil palagi na lang siya nakahiga sa kaniyang kama. Wala akong choice kundi puntahan siya paminsan-minsan kapag vacant time namin. Pero nauubos lang ang oras ko sa kakapanuod sa kaniya sa paglaro nung mobile legend hanggang sa makatulog ulit siya.

Mabuti na lang at nakaisip ako ng paraan kung paaano sila magi-enjoy habang hindi pa sila pinapabalik sa training. Umuwi ako sa amin at sinama ko silang dalawa. Maraming magagandang tanawin kasi doon na puwedeng puntahan, balak ko sila ipasiyal para naman makapag-refresh sila.

But letting them sat together at the passenger's seat while I'm driving Kinse's car is my biggest mistake.

Walang oras na hindi sila nagbabangayan. Kung wala lang ata silang iniinda na injury baka kanina pa itong dalawa nagsapakan.

Nagsimula lang naman ito dahil nagkatamaan sila ng kanilang mga pilay. Aksidenteng natapakan ni Kinse ang paa ni Gave na mayroong ankle sprain. Nasagi naman ni Gave ang braso ni Kinse na may pilay rin.

Tahimik ko lang sila pinagmamasdan sa rearview mirror.

"Ilayo mo nga iyang paa mo, Nasasagi ang paa ko. Ano ka ba?" naiiritang wika ni Gave sa katabi niya.

"Nakalimutan mo ata sasakyan ko ang sinasakyan mo Salvatore. Kung ayaw mong may taong nakakasagi sa 'yo. Bumaba ka at mag-arkila ng sasakyan mo."

"I have my own car, I don't need to rent. Mas latest pa iyon kaysa sa sasakyan mo. Hindi ko lang dinala papunta dito." pagmamayabang ni Gave.

Kinse snorted. "Well, wala ka nang magagawa kundi manahimik diyan. Hindi ko naman kasi alam na may kasama pala kami ni Cai, kung alam ko lang sana iyong Mercedes-AMG na lang iyong ginamit ko."

Pagak na natawa si Gave, "Aba! Nagyabang pa. Dapat pala dinala ko na lang iyong Bugatti LVN ko at iyon na lang ginamit namin ni Cai. 'Di ako sanay na sumakay sa gantong kotse nangangati ang balat ko. At oo nga! Hindi ko inaasahan na may sasama pala na isa diyan. Iyong plano kasi, kami lang ni Cai ang uuwi. May kumabit pala!" dagdag pa ni Gave.

Hindi ako nakisali sa kanilang pagbabangayan. Hindi ko alam kung sino aawatin sa kanilang dalawa, para na silang aso at pusa.

"Oo nga, ba't ba sumama ka? hindi ka naman parte ng pamilya?" balik na tanong ni Kinse.

The Heartthrob Is My Secret HusbandWhere stories live. Discover now