Chapter 11

339 11 0
                                    

Nagkasalubong kami ni Reiss sa bukana ng pintuan nang makauwi ako. Siya papalabas, ako naman ay papasok.

"Oh Cai," bungad niya sa akin. "Sakto lang pala ang paglabas ko. Nandito ka na, salamat naman at may kasama na si Kinse."

"Kamusta Reiss, okay na ba siya?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi pa Cai, meron siyang minor injury sa balikat niya. Ang sabi ng doctor, hindi daw puwede muna maglaro si Kinse. Kailangan niya munang magpagaling."

Bumagsak ang balikat ko sa narinig. "A..asan siya?"

"Nasa kuwarto niya, nagpapahinga. Balak ko nga sanang bantayan siya kaso kailangan ko nang umuwi dahil inatake daw si lolo sa puso. Can you take care of him for me, Cai?" nangungusap na sabi ni Reiss.

Dahan-dahan akong tumango. "Oo, ako na bahala sa kaniya." tipid ako ngumiti.

Saglit akong niyakap ni Reiss. "Thank you Cai. Balik na lang ako dito bukas."

"Nga pala, pinagluto na kita ng dinner mo. Nasa lamesa na, tinakpan ko lang. Medyo mainit pa iyon kaya kumain ka na kaagad. sabi niya pa bago nagpaalam ng tuluyan sa akin."

Pumasok na ako sa bahay. Diretso kaagad ako sa taas at tinungo ang kuwarto ni Kinse upang tingnan ang kalagayan niya.

Nadatnan ko siya na nakaupo sa kaniyang kama habang nakasandal sa headboard. Nakapikit ang kaniyang mga mata at halatang nagpapahinga.

"Kinse?" pukaw ko sa kaniya. Nagising naman kaagad siya.

"Cai? Kakarating mo lang?"

"Oo." maikli kong sagot.

"Galing ka kay Gave? Kamusta siya?"

"Okay naman. Tulad mo kailangan din niya magpagaling. Nagkaroon siya ng ankle sprain."

"Ang malas naman, pareho pa kami nagka-injury. Malapit na pati ang laro."

Umupo ako sa gilid ng kama niya at seryoso siyang tiningnan. "You should not worry about your game Kinse, katawan niyo ang alalahanin niyo sa ngayon. Pareho talaga kayo ni Gave, laro lang ang palaging nasa isip niyo."

"Sorry Cai." he apologize in lower tone of voice. "Nangako kasi ako kay Coach na ipapanalo ko this year ang team. Pero dahil sa aksidente kanina baka malabo na iyon mangyare."

"Magagaling din naman ang mga kasama niyo, you should trust them Kinse that they can win against the other team. Alam ko mananalo parin kayo." pagpapalakas ko sa kaniya ng loob.

Hindi siya umimik. Alam kong gustong-gusto ni Kinse maglaro parin kahit may injury siya ngayon. When he's eager to win, walang makakapagpigil sa kaniya, tulad ni Gave.

"Kumain ka na ba?" pag-iiba ko ng usapan.

Umiling siya, "Hindi pa."

Hindi ko na hinintay ang iba niya pang sasabihin. Lumabas ako sa kaniyang kuwarto. Tumungo ako sa kusina at  naghanda ako ng pagkain naming dalawa at bumalik ulit sa kuwarto niya.

"Kumain muna tayo bago ka magpahinga Kinse." Nilapag ko sa kama niya ang pagkain namin na nilagay ko sa dalawang tray. "Huwag kang matulog na walang laman anng tiyan mo."

"I know, but I can't move my right shoulder. Nahihirapan din akong igalaw ang kamay ko, Cai."

"Edi susubuan kita." kasuwal kong sagot.

The Heartthrob Is My Secret HusbandWhere stories live. Discover now