Chapter 10

321 12 0
                                    

Nakangiti lang kami ni Reiss na nanunuod sa kanila. Maya-maya lang pangiti-ngiti na lumapit sa amin si Kinsena nakasuot parin ng apron.

He halted in front of us and put his left hand out.

"Care to dance, Ms. Perkins?" he asked.

Inabot ni Reiss ang kamay ni Kinse na may ngiti sa labi niya.

"Of course Mr. Demarco." wika niya at tumayo. Naglakad sila papunta sa gitna at nagsimula nang sumayaw.

Nakahawak si Kinse sa beywang ni Reiss habang nakapatong naman ang isang kamay ni Reiss sa balikat ni Kinse.

Mabagal silang sumayaw habang nakatingin lang sa isa't isa.

Sinubukan kong mapanggap muli, pinilit kong ngumiti habang nakatingin sa kanila. Mahina akong pumapalakpak para kunyare masaya akong nanonood sa kanilang lahat.

Pero hindi na nakayanan ng mga mata ko. Naramdaman ko na nagsisimula nang tumulo ang aking mga luha. Bago pa man may makakita sa akin. Tumayo na ako, tumalikod na ako sa kanila at tumungo sa aming kuwarto nina Amila at Yawe. Doon ko nilabas ang emosiyong kanina ko pa pinipigilan.




"Cai, si Gave 'to. Gusto mo ba ng barbecue? dinalhan kita, kainin mo ito habang mainit pa." tawag ni Gave sa akin mula sa labas. Kinatok niya ang pinto at tinawag akong muli.

"Cai? Busy ka ba?"

Hindi ko magawang makasagot kaagad sa kaniya dahil baka mahalata niya sa boses ko na umiiyak ako. Pumunta muna ako sa banyo at naghilamos. Pagkatapos ay tiningnan ko ang sarili sa salamin. Nung feel ko na hindi na masiyadong halata na galing ako umiyak. Tumungo na ako sa pintuan upang pagbuksan siya.

"Gave." nakangiti kong bungad sa kaniya.

Tiningnan niya muna ako saglit baago nagsalita. "May I come in?" paghingi niya ng permiso.

Tumango ako, "Oo naman. Pasok ka."

Pumasok kaagad si Gave, inilapag niya sa maliit na side table ang dala niyang pagkain at baso ng coke. Saka siya umupo sa gilid ng kama.

Muli siyang napatingin sa akin.

"Tapos ka na ba?" tanong niya.

"Tapos saan?" napatingin ako sa dala niyang barbecue. "Kumain? hindi pa, buti nga dinalhan mo ako dito. Salamat Gave."

Nilapitan ko ito, kumuha ng isang tuhog at tinikman ito.

"Hindi, umiyak Cai. Huwag mo nang itago sa akin, nakita kita kanina. Umalis ka doon dahil hindi mo kayang makita na masayang sinasayaw ni Kinse si Reiss. 'Di ba tama ako?"

"Nakita mo pala ako," pilit akong tumawa. "Hahaha! nakakahiya. Ang drama ko 'di ba Gave?" wika ko habang inuubos ang barbecue na hawak ko.

"Alam mo Cai, bilib na bilib ako dati sa 'yo dahil hindi pa kita nakikitang umiiyak. Ako ilang beses mo nang nakita sa tuwing natatalo kami sa volleyball. Akala ko matatag lang talaga damdamin mo, na walang problema na makakapagpalabas diyan sa luha mo. Pero ngayon nalaman ko na sinasarili mo lang pala ang paghihirap na pinagdadaanan mo. Umiiyak ka ng mag-isa dahil ayaw mong makita ng iba na malungkot at nasasaktan ka."

Tumayo si Gave. Pinatong niya ang kaniyang kamay sa balikat ko.

"Andito ako Cai, puwede mo sabihin sa akin lahat ng iyong kinikimkim  diyan sa dibdib mo. Ano pa na naging magkaibigan tayo kung maglilihim ka sa akin."

Akala ko wala nang luha na lalabas sa mga mata ko. Pero habang pinapakinggan si Gave. Kusa sila nagsitulong muli. Naramdaman ko na basa na naman ang pisngi ko.

The Heartthrob Is My Secret HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon