19

5.1K 123 3
                                    

Summer's POV

"STANFORD!", sigaw ko na halos mailabas ko na ang precious baga ko sa lakas. Pero ang kumag na yun ay dire-diretso lang sa room ko. Sinundan ko siya sa loob at padabog na isinara ang pinto. Napaharap naman si Trex sa akin at tinaasan ako ng kilay. Isa pang pagtataray Trexone! Ipagkakalat kong bakla ka!

"Bakit ka ba andito? Umalis ka dito! Ayoko nga makipag share ng kwarto sa manyak na katulad mo. Pinagtritripan mo na naman ata ako eh! Layas na!", sigaw ko sa kanya at pilit ko siyang tinutulak palabas ng room ko.

"Hey! Summer! Stop pushing me. I don't have a fucking room so I'll stay here. Understood?!", sabi naman niya. Pinandilatan ko lang siya ng mata at muli siyang itinulak palapit sa pinto. Leche! Kahit mukhang tingting tong isa to, ang hirap niyang ipush! Jusko!

"Ang laki laki ng hotel mo! Siguro naman ang daming vacant room dito! Para-paraan ka talaga para lang mamanyak mo ko! Labas! Shoo~ Ayy kabayong bundat!", napasubsob ako sa dibdib ni Trex na akala mo ay pader na gawa sa hallow blocks sa tigas. Bigla bigla ba naman niya akong hapitin sa bewang ko at isubsob sa dibdib niya.

Bigla naman niyang pinatid ang isang paa ko at feeling ko ay babagsak ako patalikod pero hawak pa rin ako ni Trex. Alam niyo yung mga palabas sa TV na yung girl biglang madudulas tapos sasaluhin nung guy? Basta yun na yun.

Inilapit ni Trex the Mamaw Dinosaur ang mukha niya sa mukha ko. Matiim niya akong tinititigan. At ako naman, pilit kong iniuurong ang mukha ko at konting lunok na lang pati lalamunan ko malulunok ko na. Siguro kung ibang lalake ang kasama ko sa ganitong scene eh kinilig pa ko ng bongga! Ang kaso nangingibabaw sa akin ang kamanyakan overload ni Trex.

"Let me say these reasons to you, baby. First, all of the rooms here in my hotel are all in maintenance pa except dito sa 2nd floor. Second, I'm too impatient to wait na ayusin ngayon ang sira sa kwarto. And lastly, I have unfinished business with you, baby. Remember? In the car? Nabitin kaya ako dun.", mahabang litanya niya with matching smirk pa.

Walang ano ano ay ningudngod ko ang palad ko sa mukha ni Trex at tinulak ko ito palayo sa mukha ko! Umayos ako ng tayo at inayos ko din itong suot kong fitted shirt at pajama. "Tigilan mo ko sa kalandian mo Mamaw! Pwede ka naman matulog sa room ng mga kaibigan mo ah! Kila Ezekiel! Kila kuya kambal o kaya kay Rage!"

Bigla nanliit ang mata ni Trex at para niya akong sinasalvage sa tingin niya. Teka? Ano bang nasabi ko at mukhang mag iinit ang ulo niya!

Si Rage!

"Ma pride ako para makikitulog sa kwarto ng karibal ko at hindi ko gawain makitulog kila Ezekiel o kung sino man sa kanila!"

"Dami mong arte mamaw ka. Baka takot ka lang lumabas ang kabaklaan mo sa katawan kapag tumabi ka sa boys.", medyo mahina kong sabi.

Tinignan naman ako ng masama ni Trex at hindi talaga maipinta ang mukha niya.

"What the? Shut it, baby. Will you!?", wow naman! So sweet! Tinawag pa rin akong 'baby' kahit galit na. Pwe! "Fine! Daming dahilan. Sa sahig ka matulog! O kaya dyan sa couch!"

"Tomorrow na ang photo shoot. I need a good posture for that. Ayokong sumakit ang mga buto ko pagkagising.", dahilan na naman ni Trex.

"Gurang ka na kasi.", pabulong na say ko.

"What?", painosente akong umiling. Kunwari wala akong sinabi. "What's the use of this king-sized bed kung di tayo magshare. Mukhang ang sarap magwrestling dito. Sarap gumawa ng advance baby.", pagpapatuloy pa niya. Ayan na naman yung ngisi niya! Binato ko siya ng unan.

Baby, I'm not a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon