Last Part

1K 43 9
                                    

Same day, after ng first class ko lumabas na ako ng room then pansin ko wala pa si Sae sa labas ng room, kaya ako nalang pumunta sa building nila.

Ewan ko pero natatakot talaga ako kapag napunta ako sa ibang building. Ewan ko feeling ko kasi hindi ako belong dito huhu.

Nung sumilip ako sa room nila nakita ko si Sae, sa dulo s'ya nakaupo. Nag tuturo Prof nila tapos s'ya nag tutupi ng mga papel ewan ko kung ano ginagawa n'ya.

"Aira?" napatingin ako sa likuran ko. Si Pete pala.

"Uy, Pete." bati ko sa kan'ya.

"Ginagawa mo sa building na 'to?" tanong n'ya.

"Hinihintay ko si Sae." sabi ko tapos ngumisi s'ya.

"Uy~ iniintay manliligaw hahaha." sabi na maling desisyon na sabihin ko sa kanila na manliligaw ko si Sae. Kapag nakikita nila kami halata mo sa itsura nila na nangaasar sila.

Natawa lang ako. Tapos nagpaalam na s'ya saakin na aalis na s'ya kaya nagpaalam na rin ako. Paglingon ko halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko si Sae na nasa likuran ko pala kanina pa.

Hinampas ko s'ya dahil nagulat ako. "Huwag ka nga mang gulat!" sabi ko.

"Sino 'yun?" tanong n'ya.

"Si Pete. Tara na." tapos hinawakan ko s'ya sa kamay at bumaba na kami ng building nila. Diretso cafeteria kami para kumain.

***

"Finals na tapos lapit na rin exam." sabi ko habang kumakain kaming dalawa.

"Sa condo kana mag review hehe study buddy tayo."

"Gagi mag kaiba naman tayo ng course."

"Ano naman?"

"Anong ano naman? At saka wala tayong marereview pag magkasama tayo ako na nagsasabi."

"Meron 'yan."

"Promise baka mag bebe time lang tayong dalawa."

"Ayaw mo 'yun?"

"Beh finals na ha."

"Ano naman? Binebasic mo nga lang mga subjects mo e."

"Anong binebasic e ikaw nga nambebasic sa mga subjects mo."

"Tss ang damot gusto ko lang naman makasama ka."

"Hindi pa ba sapat na araw araw tayo magkasama? Okay lang naman siguro na maghiwalay kapag mag rereview ano?"

"Nawawalan ako ng lakas kapag hindi ko nakikita kagandahan mo."

"Hahahaha pinagsasasabi mo. Edi mag face time nalang tayo habang nag rereview."

"Uy pwede 'yan. Habang nag rereview ka nakatitig ako sa maganda mong mukha."

"Wala sa mukha ko ang eexamin n'yo!"

"Eh nasa'yo naman 'yung sagot na gusto ko makuha." natigilan ako ng marealize ko ang ibig n'yang sabihin.

"Hindi kita sasagutin kapag hindi mo sineryoso pag rereview mo!" sabi ko at napaayos naman s'ya ng upo.

"Oo nga mag rereview na ako mamaya." sabi n'ya at natawa naman ako.

***

Dismissal na at inaya n'ya ako sa condo n'ya. To be honest hindi pa ako nakakarating sa unit n'ya kaya medyo excited ako hehe ano kayang hitsura ng condo unit n'ya?

Malapit lang 'yung condo n'ya siguro ilang barangay lang ang pagitan sa bahay namin kaya mabilis kami nakarating doon.

Nag elevator kami paakyat sa unit n'ya, sa 9th floor s'ya at no.956 ang unit n'ya. Nung mag pindot na s'ya ng pass code n'ya pinakita n'ya saakin para daw kung gusto ko s'yang bisitahin e alam ko na pass code n'ya at papasok nalang ako sa loob.

Fall | Itoshi Sae - Blue Lock (Tagalog)Where stories live. Discover now