9

614 11 1
                                    

KINABUKASAN

Hanggang ngayon hindi parin ako maka get over sa inamin ni Sae kahapon sa Intramuros. Grabe iyung inoverthink ko at talagang hindi ako nakatulog ng tino kaya ngayon bangag ako klase. Hindi pa kami nagkikita ni Sae ngayong araw, ewan ko pero feeling ko kapag nakita ko s'ya kakabahan ako ng super.

Hindi rin ako maka focus sa klase, Basic Finance pa naman subject today. Sae, what did you do to me?

Nung mag dismissal na, umakyat ang kaba sa buong sistema ko ng makita ko na s'ya sa labas ng classroom. Hala bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Bakit na ako kinakabahan pag nakikita ko s'ya? T^T

Binigalan ko ng konti ang pagaayos ko ng gamit. Wait lang parang hindi pa ako ready na harapin s'ya. Bakit ako ang kinakbahan ng ganito e hindi naman ako ang nag confess?

Nung tuluyan ko ng maayos ang gamit ko, huminga muna ako ng malalim bago ako lumabas.

"Aira!" tawag n'ya saakin habang naka smile. Napaiwas naman ako ng tingin. Hindi na rin ako makatingin ng diretso sa mga mata n'ya help T^T

"H-Hey.." bati ko sa kan'ya then nakipag fist bump ako.

"Gusto mo ba umuwi na? Or gala uli?" tanong n'ya.

"Uhm, siguro uuwi na ako. Gagawa pa ako ng balance sheet e bukas na pasahan." sabi ko. Napatango tango naman s'ya.

"S'ya, tara hatid na kita." sabi n'ya then tumango lang ako. Habang nag lalakad kami tahimik lang ako help bakit ganito naawkward-an ako. Kung umasta s'ya parang walang nangyari kahapon, bakit ako ang super affected dito 'diba dapat s'ya?!?!?!

Sa sobrang pag iisip ko hindi ko namalayan na may mga nag tatakbuhan pala sa hallway.

"Opsie!" rinig kong sabi n'ya then hinila n'ya ako papalapit sa kan'ya kaya napatingin ako sa kan'ya.

"College na nagtatakbuhan parin tsk!" reklamo n'ya pero ako sa kan'ya parin nakatingin. Ako lang ba or parang ang gwapo n'ya lalo? Huy!

Nung pababa na kami nakita namin sina Pete at Railey magkasama. Binati nila ako tapos binati ko rin sila. Last week pala kasama ko sila, birthday ni Bright e kaya nag party kami.

Anyways, paglabas namin ng school nag punta na kami parking lot at sumakay na ako sa loob ng kotse n'ya.

"Ang tahimik mo ah?" sabi n'ya saakin habang nag mamaneho s'ya.

"P-Pagod lang siguro." pag dadahilan ko. Ewan ko din kung bakit ako tahimik.

"Gawa ba 'yan nung pag amin ko kahapon?" nagulat ako sa sinabi n'ya. Hindi ako naka sagot. "Huwag mo masyadong isipin 'yun. Sige ka iisipin kong na o-awkward-an ka saakin." umiling ako kaagad.

"H-Hindi naman sa ganoon. Para kasing.. hindi parin nag sisink in saakin." pag amin ko.

"Naiintindihan ko. Ang random din kasi ng pag-amin ko, dapat pala pinag handaan ko noh?" hindi ako naka sagot. "Pwede mo rin akong bustedin, I-friendzone or sabihing wala akong pag-asa sa'yo hindi ko naman gaano kikimkimin. Bago ako umamin hinanda ko na sarili ko. Kasi kung si Railey nga binusted mo ano pa ako hahaha." na si-speechless ako.

"Uhm, naguguluhan pa ako ngayon e. Pero kapag nakapag isip isip na ako at kapag nabuo na loob ko.. sasabihin ko sa'yo kung anong nararamdaman ko." parang hindi ko kayang i-friendzone s'ya or what. Basta hindi ko rin maintindihan nararamdaman ko.

Nung maihatid na n'ya ako, nagpaalam na kami sa isa't isa. Tapos pumasok na ako sa bahay at nagbihis sa kwarto ko.

Nang makapag bihis ako, nahiga ako sa kama ko tapos napatitig ako sa kisame.

Fall | Itoshi Sae - Blue Lock (Tagalog)Where stories live. Discover now