5

768 12 0
                                    

Days and week passed. Nasusurvive ko naman ang school so far, thanks sa mga kaibigan ko na laging may pakulo everyday.

Today is Tuesday, means P.E day. I like P.E sa totoo lang. Nilalabas ng subject na ito 'yung competitiveness ko sa mga activities. Pero pag minsan wala ako sa mood, tinatamad ako.

Nandito kami sa gym ngayon, may kahati kaming klase sa gym. PolSci 'yung kahati namin at section iyon nina Railey.

Tapos na 'yung first activity namin kaya pinag pahinga muna kami ng Prof namin. Naupo ako sa bench tapos uminom ng tubig, tapos biglang tumabi saakin si Railey. Break din yata nila.

"May laro kami mamaya." sabi n'ya. Napatango ako.

"Oo nga daw. Nonood nga daw sila Calvin at Bright ah?" sagot ko. Nabasa ko sa gc namin kanina. Si Sae nga rin inaya ko manood hehe buti pumayag agad s'ya.

"Yup, nood ka din ha?" sabi n'ya. Tumango ako kaagad.

"Aba oo naman ako pa ba?" sabi ko tapos nagsmile s'ya at nakipag apir.

"Kaya sa'yo ako e." sabi n'ya. Buti naman umpisa na ng mga university tournament.

Mag sastart na sila kaya nag paalam na s'ya saakin na babalik na s'ya. Ako naman naupo muna saglit, may 5 minutes pa naman e.

Habang nakaupo ako, tinabihan ako ng ka klase kong babae. Si Bianca.

"Girl you're so swerte talaga." sabi n'ya na ipinagtaka ko naman.

"Bakit?" tanong ko.

"Kasi naman may friends kang hotties. Hay how I wish I'm on your shoe." sabi n'ya. Well tama s'ya swerte nga ako dahil may mga kaibigan akong mababait.

"Ganon? Hehe." hindi ko alam kung anong irereact ko kapag may nag sasabi saakin ng ganito. Bawal ba maging magkaibigan ang babae at lalaki?

"Railey is the love of my life. You don't know much courage I build up just to talk to him pero ikaw casual lang na nakikipag usap sa kan'ya huhu I wish I could do that." hindi ko alam na may tao palang nakakaramdam ng ganito kay Railey.

Sasagot na sana ako, kaso balik na daw sabi ni Prof kaya bumalik na kami sa mga pwesto namin.

***

After ng P.E nag palit na ako ng school uniform. May kinuha ako saglit sa locker ko, pag sara ko ng locker ko andoon si Sae.

"Tapos na klase n'yo?" tanong ko. Tumango s'ya. "Tara na." aya ko sa kan'ya then sabay na kami umalis.

Sa Arena gaganapin ang tourna, mabili kasi ang ticket kapag universities ang nag lalaro kaya sa malaking place s'ya ginaganap. Bago umalis si Railey kanina binigyan n'ya ako dalawang ticket, katabi 'yon ng seat nina Calvin at Bright. Yung isang ticket siyempre bibigay ko kay Sae hehe para tabi tabi kami.

***

Pag dating namin ang daming tao. As in, puro estudyante nanonood. Hinahanap ko ang seat namin tapos sa hindi kalayuan nakita ko na sina Pete kaya lumapit kami doon.

"Pete!" tawag ko sa kanila tapos sabay silang tatlong napatingin saakin.

"Buti nakarating kana?" sabi ni Pete tapos nakipag apir.

"Buti talaga." sagot ko.

"Hey, Aira." bati saakin ni Calvin tapos nakipag apir den.

"Aba tumangkad ka yata ah?" pansin ko lang. Natawa lang s'ya.

"Yow!" si Bright tapos nakipag apir din saakin.

Pinakilala ko si Sae sa kanila at friend ko din tapos nag fist bump silang apat. Naupo na kami bale ang pwesto namin ay si Sae, Ako, si Pete, Calvin and si Bright.

Fall | Itoshi Sae - Blue Lock (Tagalog)Where stories live. Discover now