8

674 11 0
                                    

MONTH'S AFTER

Nasa café kami ngayon ni Sae at kumakain. Nakasimangot s'ya kanina pa, ang kwento n'ya saakin ay na detention s'ya kaya s'ya badtrip.

"Bakit ka na naman ba nakasimangot?" tanong ko sa kan'ya.

"Nadetention na naman ako e." nagtaka ako.

"Bakit na naman?" tanong ko.

"Na late ako. Traffic e." oo nga traffic kanina, ang alam ko kasi may banggan na naganap malapit sa campus.

"Kala ko nag sogo ka na naman." natatawang sabi ko.

"Ilang bwan na nakakalipas simula nung sinabi ko 'yan tanda mo parin? Nag bago na nga ako e." well tama s'ya sa tingin ko nag bago na s'ya. Hindi ko na s'ya nakikita nakikipag make out kung saan saan at itinigil na nga n'ya ang pakikipag kita sa kung kani kaninong babae. Tama lang naman.

"Ayaw maniwalang na traffic ako. Mas maniniwala pa yata sila pag sinabi kong may hinoldap ako e." natawa naman ako sa sinabi n'ya.

"Walang tiwala sa'yo noh?"

"Omsim." hahaha pasaway kasi s'ya dati tapos laging late, gasgas na iyung dahilan n'yang na traffic kaya hindi na s'ya pinaniniwalaan.

"Wala ganoon talaga. Next time mag video kana or picture para maniwala sila." payo ko nalang kasi minsan ganiyan ginagawa ko e, tho sobrang dalang lang ako ma late.

After namin kumain, nag punta na kami sa mga klase namin. Halos parehas lang kami schedule e buti naman.

Napapadalas na talaga na magkasama kami ni Sae. Mas nakakasama ko na s'ya kaysa kina Railey, well sa bagay mga busy rin sila e kaya siguro. I don't know why pero mas prefer kong magkasama kami lagi kasi naman kapag hindi s'ya nakikita ng mga mata ko hinahanap ko talaga s'ya. BFF na talaga kami ang saya.

Minsan nabisita s'ya sa bahay kasi pinapapunta s'ya ni Kuya. Nag lalaro sila sa bahay, pag nadon nga s'ya ang ingay ingay nila grabe hindi ka talaga makakatulog. Pero ayos lang kasi minsan nasali ako kapag nag lalaro sila hehe.

Isang beses sinama n'ya ako sa bahay talaga nila mismo sa Quezon, literal na napanganga ako sa laki ng bahay nila. Parang 20x na bahay namin ang sukat n'ya.

Nakita ko na 'yung Ate n'ya sa malaking picture nila sa bahay parang s'yang si Sae na girl version. Kaso black hair kasi ate n'ya e si Sae medyo reddish brown kasi hair n'ya. Ganoon din hair ng Mama n'ya tapos 'yung papa n'ya 'yung black hair. Tapos hehe nakuha nila 'yung mahabang underlashes nila sa Papa nila. Gara nga ng family pic nila e parang iyung mga family pic sa mga palasyo sa movie. Malaki talaga s'ya lalo na sa malapitan.

Ang dahilan naman kung bakit n'ya ako sinabi doon, kasi manonood sana kaming movie kaso bigla s'yang tinawagan ng Papa n'ya at pinapapunta s'ya sa bahay nila. Kaya ayun sinama n'ya ako. May binilin lang yata ang Papa n'ya kaya s'ya kinausap.

Sabi n'ya wala pa daw siyang nadadalang kahit sino sa bahay nila. Ako pa lang daw, kahit daw mga kaibigan n'ya hindi pa nakakapunta doon. Nakakatamad daw kasi pumuntang Quezon hahaha.

Anyways, ang sakit sa ulo ng course ko sa totoo lang. Puro numbers nakikita ko para akong nahihilo. Pero wala tayong magagawa eto na e. Pag nag shift ako ng course baka maging iregular ako.

Nakinig nalang ako sa Prof na nag didiscuss sa harap. Tama na kakareklamo mag aral nalang ng mabuti.

After 3 hours straight, buti na lamang at dismissal na. At nakikita ko na si Sae sa labas ng room. Nandito na pala Tatay ko hahaha joke. Nang maayos ko na gamit ko lumabas na ako.

"Sae!" tawag ko sa kan'ya then napatingin s'ya saakin.

"Tara." sabi n'ya then bumaba na kami. Hobby na namin maglamyerda kapag dismissal tapos. At saka nga pala nag quit na ako sa banda, wala e bayad na tuition ko. Mag fofocus nalang ako sa studies ko.

Fall | Itoshi Sae - Blue Lock (Tagalog)Where stories live. Discover now