10

668 10 0
                                    

"His car is completely crushed. The other one involved is dead, and Sae was immediately rushed in the hospital."

Hanggang ngayon hindi mawala sa isip ko iyung sinabi ni Railey kagabi. Kanina pa ako wala sa mood kaya hindi pa ako nabangon sa kama ko. Buti at suspended ang klase dahil sa malakas na ulan kaya nandito lang ako sa kwarto ko.

Simula nung nalaman kong na aksidente s'ya hindi na nawala sa isip ko si Sae. Sana naman hindi gaano ang natamo n'ya. Mamaya, pag tumila ang ulan bibisitahin ko s'ya sa ospital. Thanks to Railey alam ko kung saang ospital s'ya dinala kaya mapupuntahan ko s'ya mamaya.

Si Mama pinilipit ako kumain pero wala talaga akong gana. Nag aalala ako ng sobra sa kan'ya to the point na naiiyak ako kapag naiimagine ko kalagayan n'ya.

Nung nag tanghali na naisipan kong kumain, kailangan ko ng lakas para nag nag punta ako doon hindi ako matamlay.

After kong kumain ng tanghalian naligo na ako. Pupuntahan ko s'ya gusto ko malaman ang kalagayan n'ya. Kahapon pa ako hindi mapakali e.

After ko maligo nag bihis na ako at nagpatuyo ng buhok. Nagpaalam na ako kina Mama na aalis ako, ang sabi lang ni Mama mag iingat ako.

Una pumunta muna ako ng palengke para mamili ng prutas, thank god tumila na ang ulan. Pero makulimlim parin kaya for sure uulan uli mamaya. After ko bumili ng fruits para kay Sae, sumakay na ako ng taxi papuntang Manila. Ang sabi kasi ni Railey sa ospital sa Manila dinala si Sae.

Habang nasa taxi iniisip ko kung anong magiging reaksyon. Siguro depende iyon sa makikita ko. Tsk! Kung kailan naman sigurado na ako sa nararamdaman ko sa kan'ya saka naman mangyayari ito.

Nung makababa na ako ng taxi napatingin ako sa ospital. Ang laki ng ospital. Pumasok na 'ko sa loob tapos nag punta ako sa front desk para mag tanong.

"Hello, ask ko lang po kung may naadmitt na Sae Itoshi dito?" tanong ko.

"Ah yes po. Kaninang madaling araw po." sabi n'ya.

"F-Friend po ako ni Sae, may I know po kung saang room s'ya ngayon?" tanong ko.

"Nasa presidential suite room 925 po, sa 11th floor po."

Nag punta kaagad ako doon. Habang nasa elevator ako nanginginig kamay ko. Makikita ko na uli s'ya.

Nang marating ko na ang pinto ng kwarto n'ya, napabuntong hininga ako saka ko binuksan ang pinto.

Pag bukas ko ng pinto, tumambad saakin si Sae na tulog, may neck brace, may gasa sa paligid ng ulo n'ya. May galos s'ya sa mukha at.. naka semento ang kaliwang braso n'ya. Napatakip ako ng bibig at kusang tumulo ang luha sa mga mata ko. Dahan dahan akong lumapit sa kan'ya habang pinag mamasdan ko s'ya.

"Sae.."banggit ko sa pangalan n'ya, hindi ko inakala na ganito ka grabe ang nangyari sa kan'ya. "Anong nangyari, Sae?" umiiyak na sabi ko. Ewan ko pero nasasaktan akong makita s'yang ganito. Gusto ko s'yang makausap at tanungin kung anong nangyari. Maingat s'ya mag maneho e kaya hindi rin ako makapaniwalang na involved s'ya sa car crash.

Napatingin ako sa gilid ko, may mga flowers, fruits and such sa table. Siguro may mga naunang bumisita sa kan'ya. Naupo ako sa chair tapos nakatitig lang ako sa kan'ya. Hanggang sa marinig kong bumukas ang pinto.

"Hello, a friend?" tanong saakin ng doctor na pumasok. Tumango ako. Nag smile lang s'ya tapos dumiretso s'ya kay Sae para i check up ito.

"Doc, ano pong nangyari sa kan'ya?" gusto ko masagot 'yung mga tanong ko.

"He was involved in a car crashed last night. Yung nakabangga sa kotse ni Mr. Itoshi ay lasing at nakatulog sa byahe kaya bumangga." so nabangga lang si Sae. "Their cars are completely crashed and the other one involved died right away, while Mr. Itoshi was rushed to the hospital. Thank god naitakbo s'ya kaagad sa ospital kasi kung hindi.." hindi itinuloy ni Doc ang sasabihin n'ya pero alam ko ang ibang niyang sabihin. Pinanindigan ako ng balahibo, hindi ko alam kung anong. mararamdaman ko pag nangyari iyon.

Fall | Itoshi Sae - Blue Lock (Tagalog)Where stories live. Discover now