7

721 10 1
                                    

Today is Saturday meaning, NSTP sub namin at ito 'yung klase na kaklase ko si Sae. Lumipat s'ya ng upuan at tumabi saakin. Pasaway talaga s'ya, sinabi na ng Prof na wala na daw lilipat ng upuan e.

"Nakakaantok mag turo 'yung Prof." bulong n'ya saakin.

"Shhh." saway ko sa kan'ya. Baka mamaya pagalitan kami gawa ang ingay namin.

"Madaming dahilan para arestuhin ka ng isang pulis, isa na doon ang pag gawa ng kasalanan." pinipilit kong makinig kahit na sobrang ingay ni Sae sa tabi ko. Hindi mag tigil e. "Halimbawa, si Itoshi. Nahuli ko nag shashabu, syempre huhulihin agad 'yan." nagtawanan kami sa sinabi ni Sir.

"Luh? Pag shabu ako agad?" nakangusong sabi ni Sae kaya lalo akong natawa. "Sir hindi naman ako nag shashabu." ang defensive konti nalang maniniwala na akong bumabatak ito e.

"Halimbawa nga lang e." sabi ni Prof.

"Basta, Sir ang masasabi ko lang. Kung sino man sa mga kaklase ko ang gustong pumayat lapit lang sa'akin tutulungan ko kayo. Basta ang unang papayat sa in'yo mata at pisngi."

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

Lahat kami natawa sa sinabi ni Sae. Yung humor n'ya talaga pag dating sa pag aadik nakakatawa hahahahaha.

"Puro ka kalokohan, Itoshi." natatawang sabi ni Prof.

Favorite subject ko talaga itong NSTP dahil sa kan'ya. Sarap n'ya siguro maging kaklase hahahaha.

After mag lesson ni Prof, nag pa quiz s'ya. Madali lang s'yang sagutin kung nakinig ka talaga. After daw mag sagot pwede na lumabas.

Unang natapos sa'akin si Sae tapos sumunod na ako. Kaya sabay na kaming lumabas.

Maaga pa ayoko pa umuwi kaya inaya ko s'ya sa comlab hahaha.

Pag dating namin doon sakto may mga nag lalaro kaya nakisali kami. Lalaro sila ng COD 5v5 kaso kulang ng dalawa iyung kabilang grupo kaya nakisali kami, hindi ko sila kilala at mga sophomores sila. Itong si Sae lang nag sabing sali kami.

"Uten babae e. Huwag diyan baka pabuhat 'yan." narinig kong sabi nung lalaki sa katabi niyang lalaki.

"Ulitin mo nga sinabi mo hindi ko yata narinig." nagulat ako ng nakapamulsang sinilip ni Sae 'yung lalaking nag sabing pabuhat ako.

Napatikom naman agad sila ng bibig.

"Joke lang teh hehe ge na upo kana laro na tayo." biglang sabi n'ya. Natawa lang ako tapos hinigit ko na blazer ni Sae papunta saakin dahil wala s'yang balak umalis doon. Pinaupo ko na rin s'ya sa tabi ko.

"Wag kana makipag away." bulong ko sa kan'ya.

5v5 na kami, ayos 'to nasa huwisyo ako mag laro. Sayang hindi ko kalaban 'yung lalaki dudurugin ko sana.

Nag umpisa na ang game. Nag eenjoy ako mag laro kasi magaling si Sae masarap s'ya sabayan. Isang game lang sabi ko e at walang kahirap hirap naming tinalo ang kabilang grupo. And guess what sinong MVP? Me of course.

"Panis ka gago!" sabi ni Sae doon sa lalaking kakampi namin. At talagang tinanggal n'ya headphones n'ya tapos tumayo para lang sabihin iyon. Para s'yang iyung mga bata sa comshop hahahaha.

"Ano kinginaka binuhat ka ng babae! Akala ko magaling ka napaka bobo mo mag comms." hala nalintikan na!

"Nice game po." sabi ko sa kanila tapos hinila ko na palabas si Sae ng comlab. Mapapaaway kami ng wala sa oras! ><

Nung makalabas na kami binitawan ko na s'ya. "Kumalma ka nga, Sae." sabi ko tapos inayos n'ya tie n'ya.

"Mayabang e." sabi n'ya.

Fall | Itoshi Sae - Blue Lock (Tagalog)Where stories live. Discover now