11

688 14 0
                                    

Halos dalawang bwan namalagi si Sae sa ospital, sa dalawang bwan na iyon ay araw araw ko s'yang binibisita. Naging okay naman ang pag sestay n'ya sa ospital since sa presidential suite s'ya naka confine. Parang hotel narin dito kaya minsan naipaghahanda ko pa s'ya ng pagkain.

Anyways, gumaling narin ang braso n'ya kaya tinanggal na ang semento sa braso n'ya. Tho may mga peklat s'ya pero unti unti narin namang nawawala dahil nilalagyan n'ya ng ointment.

Ang masasabi ko lang sobrang boring ng school days ko nung mga panahong nasa ospital s'ya. Tho kasama ko minsan sila Railey pero kasi mga busy sila kaya sobrang dalang ko lang sila makasama. Iba parin si Sae kasi nag gigive time talaga s'ya para lang makapah hangout kami. Namiss ko talaga s'ya kasama sa school.

Kahapon na discharged na s'ya sa ospital and as soon as ma discharged s'ya ay inaya n'ya agad ako ng date. Well iyun naman kasi ang pangako ko sa kan'ya e. Ngayon pwede na s'ya pumasok sa school. Ang sabi n'ya saakin ihahatid, sundo na daw n'ya ako kaya heto ako ngayon sa tapat ng bahay hinihintay s'ya. Sabay na daw lagi kami papasok.

Maya maya natatanaw ko na ang bagong kotse n'ya. Diba nga kasi nawasak 'yung dati niyang kotse kaya bumili s'ya ng bago. BMW parin.

"Good morning, princess!" hindi pa ako nakakapasok sa loob ng kotse n'ya naririnig ko na boses n'ya. Napasmile ako tapos pumasok na ako sa loob. "Ganda mo today." nakangiting bungad n'ya saakin.

"Ang gwapo mo rin today." balik ko sa kan'ya. Tapos akmang ikikiss n'ya ako kaya itinulak ko mukha n'ya. "Bilis na malelate na tayo." sabi ko.

"Ang damot." no kiss pa muna manliligaw pa lang.

***

Nung nag park na s'ya sabay na kaming bumaba ng sasakyan. Inayos ko ID ko, syempre pag walang ID hindi papapasukin. Sabay na kami papasok ng entrance. Pero ibang hakbang lang sa entrance ay may sumalubong saaming na tumpok ng mga kababaihan. Napunta ako sa gilid kasi si Sae ang nilapitan nilang lahat.

"Sae, are you okay na?"

"I'm so worried about you huhu."

"Welcome back, Sae!"

"I'm glad you're okay."

"I miss you, Sae!"

"Sae can we hang out?"

"Miss you, Sae!"

Wow???? Kailan ba nag karoon ng ganito ka daming jologs si Sae?!?!?! Napalayo ako sa kan'ya dahil sige ang tulak saakin nung mga babae. I understand them kasi maging ako ay worried at masaya dahil nakabalik na s'ya sa school.

Pero nag panting ang mata ko ng may makita akong isang babae na hinawakan ang kamay ng Sae ko. Si Claudine, 'diba nabanggit n'ya before na may gusto s'ya kay Sae??????????

Sumama bigla mukha ko tapos tiningnan ko reaksyon ni Sae, gulat lang s'yang napatingin kay Claudine tapos parang hindi n'ya maiprocess sa utak n'ya kung anong nangyayari. Nung mapatingin s'ya saakin, inirapan ko s'ya iyung tipong umikot hanggang likod ng mata ko 'yung pag irap ko tapos umalis na ako. Nakakainis.

Binilisan ko lakad ko tapos malapit na ako sa BSBA building ay naramdaman kong may humawak sa braso ko.

"Aira!" tawag saakin ni Sae. Napahinto ako pero hindi ako humarap sa kan'ya. Pumunta s'ya sa harap ko kaya sinamaan ko s'ya ng tingin. "Grabe kung nakakamatay ang tingin siguro kanina pa ako bulagta dito." sabi n'ya. Hindi ako sumagot. "Hindi ako ang humawak sa kamay n'ya, promise." ay alam din pala n'ya ko busy s'ya doon sa ibang babae e.

"Nakita ko." sagot ko.

"Oh huwag kana sumimangot. Kung gusto mo halikan kita sa harapan nila e okay lang saakin iyon." nahampas ko s'ya dahil sa sinabi n'ya.

Fall | Itoshi Sae - Blue Lock (Tagalog)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora